55th Gripped

136K 2.9K 951
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

Warm

Sumapit din naman ang sinasabing big event ni Anzai. It's a grand event of their company since his father is going to be there later. Hindi basta basta ang mga bisita mamaya.

Nagpahome service na lamang ako para may umayos sa aking buhok at may maglagay ng make-up sa akin.

Light make-up lamang ang kanilang ginawa, hindi masyadong heavy dahil ayon sa baklang nag-ayos sa akin ay hindi ko na kailangan ang ganoon kakapal na make-up.

They also put some light eyeshadow, straightened my hair at nilagyan ng hairpin ang bawat gilid ng buhok kong nakasabit sa bawat likod ng aking tainga para mas maexpose ang aking mukha.

"Talbog mo silang lahat doon, girl! Sure ako!" Ang matinis na boses ng bakla ang umalingawngaw pagkatapos kong magbihis.

I smiled at him saka ko tiningnan ang aking sarili sa buong salamin. Suminghap ako nang makita ang aking kabuuan. Wearing Nana's design, a tube top white long gown with a slit on it's side revealing my other leg, parang hindi ko na halos makilala ang aking sarili. I even paired it with silver stilletos.

Pumwesto ang bakla sa aking likuran at hinawakan ako sa balikat. Ngumisi siya sa akin kaya naalala ko agad sa mga fairytales ang mga prinsesa na tinitingnan ang kanilang sarili sa salamin habang sa likuran nila ay iyong mga kontrabidang stepmother. Well, parang ganoon ang dating sa akin ngayon...

"Ang ganda ganda mong bata ka... Asawa mo ba iyong lalake?" Humagikhik siya.

Ipinakita ko sa kanya ang aking kamay kung saan ko suot suot iyong singsing namin ni Haze.

"I'm engage..." sabi ko. "Magpapakasal na."

"Oh... Pwede pa palang agawin!" Humagalpak siya.

Natawa rin ako ng bahagya sa kanyang biro. This gay... Magpaturo rin dapat ako ng headlock kay Anzai dahil parang marami akong mapaggagamitan noon.

Nakita ko ang repleksyon ni Anzai sa salamin nang dumungaw ito sa pinto at mabilis akong hinanap.

"Done?"

Tumango ako at ngumiti. Humarap agad ang bakla sa kanya na nagngangalang Roberta, bale Roberto sa umaga, Roberta naman sa gabi.

Pumasok ng buo si Anzai, revealing his full image wearing a fine tux and a slicked back hair.

"Oh my talong..." Suminghap ang bakla at nalaglag ang panga sa kabuuan niya, ganoon din ako na titig na titig kay Haze.

He fixed the buttons of his tux while walking towards me. This man defines perfection... Parang niluluhuran talaga at akala mo kung sinong hari dahil sa kanyang kilos at tindig. Iyong kaya niyang alipinin lahat ng mga babae dahil lamang doon.

Hinila niya ako palayo sa bakla. He gripped my waist at sa sobrang lapit ay amoy na amoy ko ang tumatagas niyang pabango. Oh how much I love to have a smell like him... It's addicting!

"Salamat sa service Mr. Roberta," sabi ko nang bumaling akong muli sa kanya.

Tumango tango siya, ang mga mata ay hindi mapigilang hindi tingnan si Haze sa aking tabi na masyadong seryoso.

"Walang anuman, Brielle! Sa susunod, sana ako ulit ang kunin mo para ayusan ka..."

"Sure! Your service is great so why not!" Kumindat ako at humagikhik.

Anzai caressed my waist to get my attention at yumuko.

"Let's go..."

Tumango ako at bumaling muli kay Roberta. Mabilis niya naring kinuha ang kanyang gamit na naligpit niya na kanina pa at sumabay na sa amin sa paglabas.

G R I P P E D (NGS #6)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum