22nd Gripped

103K 3.1K 1K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Kristel Jane Parales. Happy reading!
------------

Lagot

Natapos muli ang klase. Parang ang bilis bilis ng panahon at nagmamadali ito sa isang bagay. Nagyayaya na naman ang mga pinsan kong gumala sa kung saan-saan.

Dumaan narin ang aking birthday. I am already nineteen. Sa bahay lang rin ako nagkaroon ng party. Inimbita ko ang mga friends ko, kung sinu-sino nalang ang mga dumalo at nagbigay ng gifts, ang iba ay nagdadala pa ng kanilang friends na kilala rin ako.

"Sino iyong naka pink na kumikinang ang top, Elle?" tanong ng maharot na si Ken nang tabihan niya ako rito sa table at nakikipagtawanan kina Penny.

Kinindatan niya muna si Lexy. Ngumisi ang aking pinsan lalo na't namula pa ang pisngi ng aking kaibigan. Kinurot ko ang kanyang tainga kaya ngumiwi siya.

"Shoo! Stop hitting with my friends!" pananaboy ko habang dumadaing siya.

"Aray! Palibhasa ang ganda mo ngayong gabi!" Tumatawang tumayo si Ken at ninakawan pa ako ng halik sa pisngi. "Love you... Happy birthday!" Sabay takbo at humahalakhak pa. Baliw talaga!

Ngumiwi ako at itinuon muli ang tingin sa tatlo na nagulat sa kilos ni Ken. Tuwing birthday ko ganoon naman talaga sila. Mga extra sweet.

"Ang gwapo ni Ken 'no?" ani Lexy, sinundan pa ng tingin ang pinsan kong naroon na sa kabila, nakapamulsa at nakikinig sa sinasabi ni Kuya Blue.

Ibinalik ko ang atensyon sa kanya.

"Not really..." Kung ikukumpara kay Haze. Ewan ko nalang.

"Anong not really!" Tumawa si Penny. "He's so gwapo, Brielle! Crush ko siya noong highschool pa ako eh. Ang friendly kasi and he even helped me with my things noong papasok na ako sa school."

Hindi na nakakapagtaka iyon kay Ken 'no. He's friendly and nice with girls around him. Ang hindi nila alam, may hidden agenda na ang unggoy na iyon sa kanila. Kinikilatis na sila nito sa kanyang nadedemonyong mga mata at pinoproseso niya na sa kanyang maliit na utak kung pwede ba itong diskartehan o hindi. Si Ken pa!

"Lahat naman ng mga Delafuente eh," ani Kiera at sumulyap sa kabilang table, kung nasaan si Wayt na masyadong suplado tingnan with my cousin Hiro. Seryoso ang dalawa roon na akala mo may prayer meeting.

"Hindi ako nagugwapuhan sa kanila," sabi ko.

"Palibhasa kasi itong si Brielle mala Haze na ang standards kaya parang ang taas taas na ng ibig sabihin sa kanya ng salitang gwapo." Tumawa si Lexy.

Sumisimsim ng wine si Kiera, nang mabanggit si Haze ay napatingin siya sa akin.

"Summer na..." pagpapaalala niya, naninigurado na ang boses.

Tumawa si Penny. "Malay natin after niya bastedin si Haze ay manliligaw parin ito sa kanya. What if baliw na baliw na siya kay Elle 'no?"

Bumuga ng hangin si Kiera, halos matawa.

"Stop being so stupid, Penny. Hindi tayo ipagpapalit ni Brielle sa lalakeng pinaglaruan niya lang."

"Pero I think bagay talaga sila... Imagine Haze being Brielle's boyfriend..." ani Lexy.

Tumawa si Kiera. Natawa narin ako ng kunwari, na sang-ayon ako sa kanya. Pero ang totoo ay natatawa nalang ako sa lahat ng ito. Boyfriend ko na nga eh. Paano ko siya babastedin?

"Hindi sila bagay 'no. Brielle is too innocent and angelic. Ang mga bagay kay Haze ay iyong katulad niyang wild din ang personality. Iyong mataray rin tingnan." Ngumisi siya.

G R I P P E D (NGS #6)Where stories live. Discover now