21st Gripped

107K 2.5K 430
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to JessieLove Petalcorin. Happy reading!
----------

Too Painful

Dumaan ulit ang pasko at bagong taon. Wala namang pinagbago. Nakagawian na naming magpipinsan na pumunta sa Canada para makasama namin si Nana sa mga ganoong okasyon, pati narin ang iba pa like Brandy and our Grand Uncles. Mga ganitong okasyon lang kasi kami nagiging kompleto since everyone are very busy.

"Kinukumusta ka pala ni Franca," sabi ko habang namimili siya ng damit lalo na't gagala kami ngayong araw.

"Really? Anong sabi niya?" Malawak ang kanyang ngiti habang pinapasadahan ng tingin ang mga nakahelerang damit sa kama.

Tiningnan ko ang kanyang mga tops at dress. Nagulat ako at wala na siya noong mga baduy na loongsleeves na kulay yellow, cardigan na kulay maroon. Iyong kung anu-anong makulay at feeling niya ay cute sa kanyang paningin.

"She asked if you're still innocent," sabi ko at dinampot iyong sleeveless top niya, na pag susuotin ko ata ay hanggang kalahati lamang ng aking tiyan.

Marahan siyang tumawa.

"Tell her mature na ako," sabi niya sa malambing na boses at dinampot iyong sleeveless denim dress.

I think nagmature na talaga si Nana. She already knows how to dress herself, sexily! Magaling na siyang dalhin ang kanyang sarili and she also knows how to fix her hair now.

"Ang liberated din kasi ng mga nakapaligid sa'yo. Siguro dahil doon..." sabi ko na ikinatawa niya.

"You think so?" Tumitig muna siya sa akin, naaantala ang planong magbihis dahil sa kadaldalan ko.

Tumango ako. She smiled bitterly.

"We matured from the damages, Elle. Doon tayo natututo. Ang sabi nila, kailangan mo lang madagdagan ng edad para magmature. But for me... hindi iyon dahil sa edad. Nasa mga karanasan mo iyon. Our body matured because of our age. And we matured because of the lessons we learned..." aniya sa boses na matabang.

Napunto ko agad ang gusto niyang ipamukha sa akin. What happened to her is really painful. She got bash... Nagkaissue siya dahil sa kainosentehan niya sa mga lalake.

Hindi na ako nakasagot. Nagiging abala na ang aking utak kakaisip ng kung anu-ano. Kailangan ko lang rin bang masaktan para matuto ako? Pero kailangan pa bang umabot tayo sa ganoong punto para may matutunan? Can we can avoid pain?

"Iyon ang natutunan mo? Ang magmature?" I suddenly asked.

Ngumuso siya. "Hindi naman talaga. Bale natuto lang akong pagkatiwalaan ang sarili ko kaysa magtiwala sa ibang tao. Ang mali ko kasi noon... masyado akong nagtiwala sa lalakeng mahal ko. You know Aries... I'm his fangirl... And as a fangirl mahal na mahal ko siya. Hindi ako nag-isip ng masama sa kanya kasi nga nabulag ako sa pagmamahal ko para sa kanya. Pero mali pala ang ganoon... Purket mahal natin ang isang tao, hindi na nila tayo kayang saktan. Minsan, kung sino pa iyong mahal mo, sila pa iyong kayang manakit sa'yo."

Napalunok ako sa sinabi ni Nana. Bigla akong natakot. Parang... Parang hindi ko kaya. Anong gagawin ko pag sinaktan ako? Papatawarin ko ba agad? Iiwasan? O huwag munang padalos dalos?

Pero imposible eh. He agreed to be my boyfriend. Ang sabi niya ay tungkulin niyang alagaan ako. Bakit naman niya ako sasaktan? What's his purpose? At anong mapapala niya roon? I don't get it. Kahit ako, wala akong maisip na dahilan para saktan siya. And maybe... maybe we're mutual, too. Ayaw naming magkasakitan.

G R I P P E D (NGS #6)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora