32nd Gripped

105K 2.8K 1.5K
                                    

Gripped

This chapter is dedicated to Glaebornel Challsea Servano. Happy reading!
----------

Castellano

Nagkamalay ako sa isang malambot na kama. Halos hindi ko maramdaman ang sarili ko. Parang ang bigat bigat ng aking katawan at hindi ako masyadong makagalaw.

Unti-unti akong dumilat. Malabo ang sumalubong sa akin, sa isang kurap ay unti-unti nang lumilinaw kaya mas kumurap pa ako.

Puti lahat ng nakikita ko. May nakainject din sa aking kamay. N-Nasa hospital ako?

May bumangong ulo na nakahilig kanina sa gilid ng kama. Nagtama agad ang aming mga mata. Namilog iyon at natatarantang tumayo.

"G-Gising kana!" Zera was so shock to see me.

Tinitigan ko lamang siya, lalo na't hinang hina ang aking pakiramdam. Parang ang rami kong ginawa kaya ganito ako ka pagod.

Mabilis siyang nagtungo sa labas. Iginala ko ang aking mga mata. Hindi ko kayang gumalaw. Ba't ako nandito? Ang huli kong naalala...

Pumikit akong muli nang dumagsa agad ang alaala na nagpakirot ng aking dibdib. I saw him... S-Sila ni Sienna. He's getting married with her at niloko niya ako!

Bumuhos agad sa bawat gilid ng aking mga mata ang mainit na likido. Narinig ko ang marahas na pagkakabukas ng pinto. Nang muli akong dumilat ay sobrang dami ng aking nakita, hindi ko agad maisa-isa.

Naunang pumasok si Grand Uncle Alex, ang lolo ni Kuya Grey. Ngumiti siya sa akin.

"What a strong girl..."

Tumitig lamang ako sa kanya. Gusto kong magsalita ngunit tila kay hirap. Sunod na nagtungo sa loob ay si Mommy, ang mga mata ay namumugto at parang iiyak na naman ano mang oras.

"Thank God..." ani Mommy na pumikit at hinagkan ang mga kamay na magkasalikop na sa isa't isa.

Sa kanyang likuran ay si Daddy na humawak sa kanyang balikat at ngumiti sa akin, namumungay ang mga mata.

Nalihis pa ang aking mga mata. Sa may pinto ay naroon halos ang mga pinsan kong lalake na seryosong seryosong dumudungaw, ang ilan ay nakahalukipkip.

Pumikit akong muli, naaalala na naman ang nangyari. Binigo ko sila. Anong sasabihin ko? Na tama sila sa iniisip kay Haze? Na ako itong naloko?

Bumuhos muli ang aking mga luha. Ang tanga ko. Pinairal ko ang puso ko kaysa sa utak ko. Ang tanga tanga ko.

"Ssshhh, baby..." Lumapit si Mommy sa akin at pinalis ang mga luha.

Sinikap kong magsalita. Umawang ang aking bibig habang walang humpay na ang pagbuhos ng aking mga luha, ayaw paawat.

"You're already safe. Nandito na kaming lahat..." she whispered and kissed my forehead.

Mariin akong pumikit. "M-Mommy..."

"Sshh... Don't force yourself. We'll talk about everything pag magaling kana ha..."

"Tama kayo..." Napapaos kong sambit, mahinang mahina ngunit dahil sa katahimikang namamayani ay nangingibabaw ang aking boses, sapat lamang na marinig nila.

May kung sino na ang humawak ng aking kamay. Noong dumilat ako ay nakita ko na si Daddy na hinagkan ang aking kamay. His eyes were very red. He smiled at me.

"Nandito lang kami," he whispered.

Nanlabo agad ang aking mga mata.

"T-Tama kayong lahat. Uto-uto nga ako..." Pumikit ako sa malalaking luha na pumakawala.

G R I P P E D (NGS #6)Where stories live. Discover now