6th Gripped

98.4K 3.3K 3.8K
                                    

Old

Pagkalapit na pagkalapit ay ngumiti agad ako sa kanya. Doon na siya nag-iwas ng tingin at ipinagpatuloy ang pagchecheck sa kanyang motor.

"Hi! Ang galing mo palang magpalipad ng motorcycle?" Humagikhik ako.

First compliment! Check. I'm sure mag-iinarte siya or magsusuplado katulad noong ginawa ng babae na diniskartehan ni Ken.

"You've seen it with your eyes close?" tanong niya sa baritonong boses.

Kumurap ako, hindi inaasahan ang kanyang sagot.

"H-Huh?"

Sumulyap siya saglit at umatras para doon naman sa may pwetan ng motor ituon ang atensyon.

"How come you've seen it when you're just covering your eyes the whole time?"

Napasinghap ako roon, nakatingin sa seryoso niyang mukha at wala sa akin ang mga mata.

Hinaplos ko ang aking siko at ngumuso.

"I've s-seen it! Sumilip ako ng kaonti sa mga daliri ko! Ang gagaling niyo nga at lumilipad kayo sa ere!"

He licked his lips. Hindi siya umimik doon at binuksan ang upuan saka kumuha roon ng basahan. Yumuko siya at sinimulang punasan ang alikabok na dumikit sa ibang parte.

Kinagat ko ang aking labi at nag-isip isip. Ano pa nga iyong mga sinabi ni Ken? He told her she's pretty! Oh, alright!

"You're so gwapo..." sabi ko at ngumiti ng matamis.

Hindi siya naapektuhan doon kaya hinintay ko nalang ang kanyang pagsusuplado at itaboy ako. Pag gagawin niya iyon ay isisingit ko agad iyong girlfriend thingy...

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Ilang sigundo ang lumagpas at parang lalamukin na ako sa kakahintay ng kanyang pananaboy sa akin pero wala! His eyes were fix on this motorcycle, wala sa akin!

Hindi ako nawalan ng pag-asa at yumuko, ginaya ang kanyang posisyon with my legs close. Humilig ako sa aking mga hita at sinilip ang kanyang mukha. Siguro hindi niya ako narinig.

"You're so gwapo..." ulit ko sa maliit na boses.

Hindi siya umimik kaya napanguso akong muli. Ano pa nga iyong mga pinagsasabi ni Ken? Oh! About the girl's boyfriend! Okay!

Tumikhim ako at kunwaring iginala ang mga mata pero ibinalik ko rin agad sa kanya.

"I've been watching you the whole time and hindi ko napansin ang girlfriend mo. Oh... I'm sure you're single since nakakalapit pa ako sa'yo, right?" Tumawa ako ng marahan.

Tumingin siya sa akin. "Wala akong girlfriend," he said clearly.

Lumiwanag agad ang aking mukha at mas napangiti pa ako. Yehey! He fell on my trap! Iyan din iyong sagot ng babae kay Ken and then boom! May progress na dahil parang nafall na ang babae! So I just need to repeat Ken's words.

"Mabuti naman... Baka magkagulo agad pag may lumapit sa'yo," panggagaya ko sa sinabi ni Ken.

Nagkasalubong ang kanyang kilay at natigilan sa pagpupunas. Nilingon niya ako, marahil ay hindi alam ang pinagsasabi ko. I smiled at him cutely.

"Do you want to go somewhere?"

Mas lalo nang nagkasalubong ang kanyang kilay. Gumuguhit na sa gwapong mukha niya ang pagtataka.

Doon ko napagtanto na hindi dapat ako ang magsabi noon, dapat siya! Oh my gosh! Nalito ako!

"Why?" tanong niya.

Hindi muna ako sumagot at binalikan ang pinaggagawa ni Ken sa aking isipan. He whispered those words to her! Lumapit siya!

Umabante narin ako, sapat lamang para bumulong sa kanya. Sa sobra kong lapit ay naamoy ko agad siya, ang kanyang manly na pabango na tila nahahaluan nalang ng kanyang pawis.

G R I P P E D (NGS #6)Where stories live. Discover now