28th Gripped

90.3K 2.4K 1.4K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

Chance

"Brielle..." Tumayo agad si Kiera at sinalubong ang aking pagbaba.

Huminto ako sa kanyang biglaang paglapit. Niyakap niya ako ng mahigpit habang si Daddy naman ay tumayo na, seryosong seryoso ang mukha. Sumasayaw ang aking mga mata, hindi alam kung saan ipapanatili ang tingin lalo na't lahat sila ay pilit kong tinitingnan ang bawat ekspresyon.

"I was so worried! Pinuntahan agad kita rito dahil baka pati ikaw... pati ikaw ay napahamak narin," ani Kiera sa takot na boses.

"Huh?" Nalilito ko siyang nilingon, gustong kumawala sa mahigpit niyang yakap.

"Haze is very dangerous at baka pati ikaw ay mapahamak din sa kanya. I also checked Lexy and Penny dahil sobrang nag-aalala ako. Baka matulad kayo sa sinapit ko at ayaw kong maranasan niyo iyon..." Nanginginig niyang sabi, hindi ko alam kung totoo ba o pakitang tao lamang.

"Haze isn't dangerous-"

"Elliana Brielle," tawag ni Daddy na ikinaputla ko, napagtantong binibigkas na ngayon ay pangalan ng isang lalake.

Humiwalay si Kiera sa akin. Mas yumuko lamang lalo si Kuya Red habang si Kuya Blue ay matapang na nag-aangat ng tingin, si Mommy naman ay naninimbang parin sa reaksyon ni Daddy.

"You have a boyfriend? tanong ni Daddy, dumidilim ang ekspresyon.

Huminga ako ng malalim. Si Kiera naman ay nanatili sa aking tabi. Pumikit ako at yumuko, dahan dahang tumango. Wala nang rason para itago pa ang lahat ng ito dahil mukhang alam narin nila. At anong pinagsasabi ni Kiera sa kanila?

"At ano itong naririnig ko sa kaibigan mo? Your boyfriend tried to kidnap her? And he's what? He's five years older than you? Paano kung inuuto ka lang pala niyan lalo na't hindi mo pa lubusang kilala!"

Namilog ang aking mga mata nang dumilat ako. Why are they judging him na parang kilala nila ito?

"Hindi iyon totoo, D-Daddy-"

"She heard the kidnappers! Pangalan ng boyfriend mo ang binanggit nila," matigas niyang putol.

Kinagat ko ang aking labi at mabilis na nanginig. Umahon ang mga mata ni Kuya Red sa akin. Nanlalabo na ang aking mga mata.

"Dad..." Masuyong tawag ni Kuya Red.

"Shut-up, Red. You are spoiling her too much," ani Kuya Blue sa matigas na boses.

Nilingon siya ni Kuya Red. "I am not spoiling her. We're caging her too much. Nasasakal na siya," giit niya.

Humagalpak si Kuya Blue pero sobrang tabang. Tumayo siya sa inuupuan niyang balikat ng sofa at namulsa, nadilim na ang ekspresyon kay Kuya Red.

"Caging? We're protecting her. Kakaspoil mo riyan ay matutulad pa iyan sa sinapit ni Nana. Masyadong inispoiled ni Wayt kaya ayun, napahamak!"

Tumayo narin si Kuya Red.

"Nasasakal na siya sa sobrang higpit
natin. " Pumantay siya sa katangkaran ni Kuya Blue. Tumayo narin si Mommy.

"Boys please... calm down," ani Mommy at hinilot ang ulo.

Ngumisi si Kuya Blue at itinulak palayo si Kuya Red sa kanya.

"Pag napahamak si Brielle..."

Pumikit si Kuya Red at bumalik sa pagkakaupo. Humilig siyang muli sa kanyang hita at hinawakan ang ulo.

Natuon muli sa akin ang atensyon ni Daddy. Pinilit kong huwag malaglag ang luha sa aking mga mata kahit sobrang bigat na noong pigilan.

"You are grounded for this, do you understand? I am not allowing you to see him again!" ani Daddy sa malaawtoridad na boses, pinal na ang desisyon.

G R I P P E D (NGS #6)Where stories live. Discover now