29th Gripped

92.9K 2.4K 1.3K
                                    

Gripped

This chapter is dedicated to Princess Sam Saripada. Happy birthday!
---------

Disappointed

"Gaano ba kalaki ang tiwala mo roon na hindi ka noon sasaktan?" tanong ni Dad, pagkatapos ng namayaning katahimikan kanina.

Despite of the presence of the woman, ayaw ko paring magconclude. Nagseselos ako at para iyong virus na kumakalat sa buong sistema ko but I don't want to make a big deal out of it. Paano kung... kung mali pala ang hinala ko? Gusto kong makita sa mismong mga mata ko ang lahat bago akusahan ng kung anu-ano si Haze.

"I'm one hundred percent sure," sabi ko.

"Wow... You're trusting him too much." Nagulat si Kuya Blue na ngayon ay nakaupo sa balikat ng aking sofa at nakahalukipkip doon.

"Mabait naman sa kanya, Dad. Maalaga at seloso," ani Kuya Red, nakapamulsang nakatayo.

Tinaliman siya ng tingin ni Kuya. "Kaya paboritong paborito ka ni Elle dahil ang sipsip mo rin sa kanya."

Natawa si Mommy. Nailing naman si Daddy. Ngumuso ako at hinintay ang magiging desisyon ni Daddy.

Bumuntong siya ng hininga nang kulang nalang ay mabali ang aking leeg kakalingon sa kanya. Mom gave her a soft smile.

"Our door is open for him, baby," si Mommy ang sumagot.

Bumuga ng hininga si Daddy, tila hirap sa pagdedesisyon. I convince him more with my twinkling eyes.

"Natututo nang maglayas si Elle..." ani Kuya Blue, sumipol pa.

"We checked the CCTV. Nagmukha kang unggoy," si Kuya Red naman at nagtawanan silang dalawa sabay apir ni Kuya Blue.

So much for being distraction! Sagot ni Dad ang hinihintay ko pero singit sila nang singit!

"I'll decide after our talk. Ni hindi nga iyon pumunta rito. Hindi ka man lang nagpaligaw sa bahay bago mo sinagot," ani Daddy.

"Ah... Hindi pa niya ako girlfriend, Daddy," sabi ko na ikinanguso ni Kuya Red habang silang tatlo ay takang taka.

"Huh? You're not his girlfriend yet? Tapos boyfriend mo? Huh? Huh?" Parang timang si Kuya Blue na mas lalong nalilito sa pag-uulit niya.

"Ganyan din ang reaksyon ko," si Kuya Red.

"Paano iyon? Like wala ka pang label sa kanya?" si Mommy naman.

"Siya muna kasi balak ko pang magtapos. I'm scared Daddy might get mad at me kaya iyon ang naisip ko," sabay tingin kay Dad na pilit paring iniintindi ang aking sinabi.

"Hindi ba at parang lugi ka sa label niyo? Dapat ay ikaw ang may pinanghahawakan hindi siya. Ano iyan? Hindi ka niya girlfriend kaya pwede pa siyang lumandi sa iba?" si Kuya Blue sa dismayadong boses.

Kinabahan agad ako. Naisip ko bigla ang babae kanina. I'll ask Haze about it first at doon na ako magdedesisyon sa magiging sagot niya. Pero paano nga kung... kung may something? No! Stop thinking anything! Panghahawakan ko lahat ng sinabi ni Haze sa akin. I'll grip on it. Ako lang. Ako lang dapat.

"You should break-up with him so he can court you properly."

Iyon ang suhestyon ni Daddy. Marami siyang sinabi tungkol doon. I am still grounded for lying. Iyon ang parusa ko. Hindi na sila galit pero akala ko ay matatakasan ko na iyon hindi rin pala. Pero handa silang buksan ang pinto para kay Haze. Kung isasarado rin naman nila, ako ang magbubukas para sa kanya.

G R I P P E D (NGS #6)Where stories live. Discover now