54th Gripped

126K 2.8K 996
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

Hidden Talent

"Bagay na bagay yan sa'yo..." ani Nana nang bumisita ako sa kompanya para kumuha ng gown para sa malaking event na dadaluhan.

Tiningnan ko ang isang tube top white long gown na may hiwa sa gilid ng parte noon. It looks so elegant, kahit na simple lamang ay makikita mo talaga ang dating ng dress lalo na't may pagka silk din ang tela.

"This is so lovely..." namamangha kong sabi at hinaplos iyon na suot pa ng statwa.

Nana smiled at me.

"Bagay na bagay 'yan sa'yo... You're going to stand out for sure," aniya.

Tiningnan ko siya. "Kaya nga sa iyo na ako dumeritso lalo na't iyong ina ni Anzai ay parang may pagkademonyo at sigurado akong mamaliitin ako. I need to look great... Kung mapapahiya man at makukuha ang lahat ng kanilang atensyon, at least I'm wearing your masterpiece at maipopromote pa kita." Ngumisi ako.

Humagalpak si Nana. "You're crazy! Hindi ka naman siguro ipapahiya! Oh my God Elle... Sa ganda mong iyan, sila ang mapapahiya sa'yo." Kumindat siya.

I chuckled. Babaunin ko na nga lang ang self-confidence ko eh. It's a big event and Anzai is expecting me to be with him as his date, or wife, or anything he wants me to be on that night... Di naman ako reklamador.

I'm really looking forward to it! Naroon ang Daddy ni Anzai, ang isa sa mga nirerespetong business tycoon at nangunguna pagdating sa Shipping Lines. I'm really nervous. I can imagine an old Anzai infront of me who's more ruthless and intimidating.

Malalamon ata ako ng buo ng angkan nila! They're really something else... Biyanan ko pa nga lang parang nadedemonyo na eh. Buti nalang talaga at well trained narin ako sa tabas ng dila ni Haze.

"You're here..."

Sumulpot ang kakarating lamang na si Zera. She's wearing a simple top and jeans but her navel is quite showing at nakasuot din ng glasses.

"Kukuha lang ako ng gown for a big event..." sabi ko at hinaplos ang buhok kong nakalugay.

Umupo siya sa swivel chair na malapit sa mesa ni Nana at hinubad ang suot na glasses. Her stern face got revealed more. She eyed me seriously.

"Big event? Castellano?"

I nodded. "Dadating din kasi ang Daddy ni Anzai..."

"Sino pa?" tanong niya.

Kumurap ako. Wala namang nabanggit si Anzai na dadating bukod sa kanyang Daddy. Wala rin naman kasi iyong iba pang pamilya. He doesn't have brothers nor sisters. So I guess iyong Daddy niya lang ang uuwi.

"Wala na..."

Nadismaya siya sa aking sagot na tila may gusto siyang marinig pero mabilis din naman iyong nabura sa kanyang mukha. She nodded at sinuklay paatras ang buhok, ang mga mata ay umiwas na at natuon sa aking gown.

"Bagay sa'yo ang ganyang kulay," aniya.

Napangiti ako roon at tiningnan muli ang gown. Si Nana naman ay bumalik na roon sa mesa.

"When am I going to meet your husband, Elle?" tanong ni Nana.

Inalis ko narin ang aking atensyon doon at nagtungo na sa kanilang gawi. Umupo ako sa bakanteng swivel chair at inayos ang suot na sleeveless white dress.

"Nagsisimula na kasi siyang maging busy eh... Pero dadalhin ko siya rito minsan..."

"I've seen him on magazines! He's so hot! Hindi ako makapaniwalang napaamo mo ang ganoon ka..." she said, trailing.

G R I P P E D (NGS #6)Where stories live. Discover now