40th Gripped

104K 2.9K 1.4K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Hyacinth Peña. Happy reading!
----------

What's Mine

Kinaladkad ko palayo roon si Anzai lalo na't mukhang ayaw narin ni Tobias na nakaupo nalang habang siya itong tila gustong gusto pa. Noong makalayo na ng husto ay binitiwan ko siya at itinulak. Napaatras siya, siguro ay nanghihina na lalo na't yumuyuko narin ito.

"You stole his letter and you burned it?!" Sumiklab agad ako.

Nagulat siya sa aking boses. Kung kanina ay ang lakas lakas siya pagdating kay Tobias, ngayon, kahit pitikin ko lang ata ito ay masasaktan na.

"Bakit ba... Bakit ba napakapakialamero mo? Sumunod ka lang dito para manggulo!"

He looked at me helplessly.

"You're choosing him over me?" he asked softly.

"I am willing to choose anyone over you!"

Namutla siya at lumunok, hindi kinakaya ang nakikitang galit sa aking mukha. Itinuro ko ang daan pauwi.

"Pwede ba? Umalis ka nalang."

"Hindi ako aalis," matapang ang boses na iyon, kahit na hindi siya makatingin ng deritso.

Nanliit ang aking mga mata. Ano pa bang gusto niya? Mas maraming natamong suntok si Tobias sa kanilang away! And he almost slam him! Ganoon na siya kadesperado!

Nailing na lamang ako at gusto na siyang iwan. Ngunit bago pa ako makatalikod ay hinila niyang muli ang aking pulso.

"Please..."

Mabilis kong binawi ang aking kamay. He swallowed hard. Ang mga mata ay namumungay na hindi kagaya kanina na sobrang talim kung tingnan si Tobias.

"Enough with this, Anzai. Ano bang rason mo at bumalik ka pa?" I glared at him.

Hindi siya sumagot at tumitig lamang sa akin sa maamong mukha. He looked so hurt. Talaga lang ah? Eh halos makipagpatayan na nga siya kanina at nasuntok narin siya tapos mas masasaktan siya sa akin? Nakakagulat naman ata?

Tumalikod akong muli. Bago pa makahakbang ay nagsalita na siya.

"I don't want you to fall inlove with someone else..." he said painfully.

Noong nilingon ko siya ay nakayuko na ito. He breathe deeply.

"Sana naisip mo iyan noon bago kita nahuling may kahalikang iba."

Tumango siya, nakayuko parin.

"I know... Can you forgive me? Kahit... Kahit kaonti lang. Bigyan mo ulit ako ng tsansa. I promise this time-"

"Nangako ka rin noon!" sigaw ko na ikinagulat niya.

"Nariyan na naman iyang mga pangako mo!" Nanginig ang aking labi, pinipilit nalang na maging matapang at maging klaro sa kanya na hinding hindi na ako papayag na maulit ang lahat sa amin.

He breathe deeply again.

"Please..." Humakbang siya papalapit sa akin.

Humakbang ako paatras kaya tumigil siya at nagloosen ang mga balikat. I stared at him coldly. He smiled weakly at me.

"I am prepared for this, Elliana. Kahit saktan mo ako ng paulit-ulit. Kahit ipamukha mo sa akin na masaya kana sa iba. Aagawin at aagawin kita. Guguluhin kita. Hinding hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabalik sa akin."

Kahit marahan lang ang kanyang pagkakasabi ay may diin ang bawat salitang iyon, na ni isa ay walang makakabali sa kanyang desisyon at hinding hindi siya susuko.

G R I P P E D (NGS #6)Where stories live. Discover now