3rd Gripped

100K 2.8K 1.3K
                                    

Guilty

Oh my gosh no way! I can't seduce this ruthless badboy who stares devilishly! Nagmukha akong bato sa kanyang harapan, gulat at namumutla parin.

I scanned him secretly using my eyes. Kumintab pa ang earring sa right side ng kanyang tainga. I can smell his expensive manly perfume, too. He's so familiar!

Tumayo siya at nagkasalubong ang kilay. Hindi ko siya makitaan ng interes lalo na't hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon. I almost choke with his actions yet I manage to stay still. I tried to smile again at naglahad ng kamay.

"Hi! You're Haze, right?"

Ibinulsa niya ang cellphone at nilingon ang grupo na mukhang tinawag siya lalo na't narinig ko rin ang kanyang pangalan sa dakong iyon.

Huling sulyap sa aking dibdib, ay nilagpasan niya na ako. Ni hindi rin tinanggap ang aking kamay at iniwan ako sa aking kinatatayuan nang walang sinasabi. Parang isang hangin na dumaan lamang sa aking gilid dahil sa kanyang magaang galaw.

Nalaglag ang aking panga. Nakarinig pa ako ng mga hagikhikan ng mga babae na mukhang nakakita sa kahihiyang ginawa ko at pangdededma noong Haze na nagpapula ng aking pisngi.

In my entire life, walang ni isa ang namahiya sa akin ng ganito ka lala. Iniwan niya na nga ako, hindi niya pa tinanggap ang kamay ko!

Kinagat ko ang aking labi at nanlamig. I am so embarrased! Noong nilingon ko ang gawi nila Penny, humahagikhik na si Kiera pati narin ang ibang nakakita.

"Nako Miss. You flirted the wrong dude. Ako nalang ang landiin mo." Kumindat sa akin iyong lalakeng nakasandal sa kanyang BMW.

Parang hindi ko na kayang maglakad na may mukhang dala dala sa sobrang pagkakapahiya. May iilang babae pa na nanunuya ang mga ngisi sa akin, nagbubulung bulungan at mukhang ako na ang topic. Just great! Hindi ata ako makakatulog sa nangyari!

"What happened? Nilagpasan ka lang niya!" Tumawa si Kiera maliban kina Penny at Lexy na mukhang gusto pa akong yakapin.

"Akala ko ba limang sigundo lang? What happened Brielle?" ani Kiera, humahalo pa rin ang tawa roon.

Ramdam ko na pinagtitinginan parin ako ng iilan. Ang hirap lumunok at parang may nakabara sa lalamunan ko. Did I break my parent's rule just to embarrased myself? The heck. Ang sarap niyang sigawan na hindi naman siya kagwapuhan! Maybe I just got blinded for a bit dahil nakakasilaw ang kagwapuhan niya kanina pero ang totoo ay hindi naman talaga! Ang pangit ng kanyang ugali and f.y.i. hindi ko nga type eh! Duh!

Tumikhim ako at isinabit ang buhok sa gilid ng aking tainga, pilit hinihila pabalik ang kumpostura.

"Ang maldito niya..." sambit ko sa medyo iritadong boses.

"Kaya nga badboy! Ano bang pagkakaintindi mo sa ganoong mga lalake, Brielle?" At tumawa muli si Kiera, tila enjoy na enjoy sa pagkakapahiya ko.

"Huwag nalang si Haze, Kiera. We all know he's very ruthless with girls around him," si Penny.

"Oo nga... Marami pa naman diyan-"

"No," putol ni Kiera kay Lexy. "Mas mabuti kung si Haze nang machallenge naman si Brielle."

Nagkatinginan kaming dalawa. She smiled at me.

"You can do it again, right? Ikaw pa... Baka nga si Zera kayang paamuhin si Haze ng sampong sigundo eh. I'm sure kaya mo rin iyon."

Why does she keeps on comparing me with Zera? Natitrigger talaga ako!

Imbes na umiling ay palaban ulit akong tumango.

G R I P P E D (NGS #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon