8th Gripped

95.2K 3.4K 2.5K
                                    

Kiss

"Brielle! Finally!" si Kiera iyon, naglahad agad ng shot glass sa akin nang lumapit ako sa kanilang table pagkapasok sa isang Bar.

Tiningnan ko ang iniinom nilang bote ng isang hard drink na Hennessy.

Tinanggap ko iyon at umupo na roon.

"Bakit ka naka pants?" Tumawa si Kiera sa aking suot nang pasadahan niya ako ng tingin.

Sumimsim ako ng kaonti at agarang napangiwi sa lasa noon.

"Wala kasi ako sa mood magdress," sagot ko at inilapag ang kalahating laman ng shot glass.

Tumawa naman si Kiera.

"Paano mo maaakit si Haze niyan? He prefers sexy girls, Brielle..."

"I don't think so. Hindi nga siya naakit sa'yo eh palagi ka namang sexy manamit," wala sa sarili kong bigkas at napapangiwi parin sa dumaang hapdi sa aking lalamunan.

Napatingin sina Lexy at Penny sa akin, doon ko napagtantong napawi na pala ang ngisi ni Kiera.

"I mean... Parang hindi naman kailangan na sexy na manamit dahil kaya ko naman siyang akitin eh ako pa... matinik ako dumiskarte." I giggled.

Well, I'm just wearing denim pants and a sweetheart white chiffon top with puff sleeves. I ponytailed my hair. Nakita roon ang alon ng aking buhok at mas na depina ang malalim kong collarbone. The neckline showed the valley of my breast, where the pendant of my necklace is resting.

"Go Brielle! Alam naming kaya mong paamuhin si Haze," ani Lexy na ngumingiti ng matamis sa akin.

Tumango-tango ako at sumulyap ulit sa kabilang side kung nasaan ang friends ni Haze. He's still not there...

"Nasaan pala si Haze?" tanong ko at ibinalik ang tingin sa kanila.

"He went outside with a girl," sagot ni Kiera, humalukipkip pa sa kanyang kinauupuan.

Tumango ako at tumayo. Tumingala silang tatlo, sinundan ako ng tingin.

"Pupuntahan ko..."

"Goodluck!" ani Penny na may pa gesture pa sa akin.

Humagikhik akong muli at tumalikod na paalis doon saka ako bumusangot. Mas mabuti pang lumabas nalang ako para makaiwas sa iniinom nila kaysa manatili roon at malasing. My Kuya will probably kill me for drinking.

Unti-unting naging mahina ang tugtog noong lumabas ako ng tuluyan. Nakarating agad ako sa parking area.

Gumala ako hanggang sa hindi kalayuan, may nakita akong pamilyar na lalake at babaeng nakasandal sa pader. Lumapit pa ako ng husto dahil pamilyar ang lalake na naka fit na leather jacket, dark pants at itim na sapatos. Ang ayos palang ng buhok at kalahati ng kanyang mukha ay alam kong si Haze na iyon.

"Haze?" bigkas ko hanggang sa malinaw kong nakita ang ginagawa nila.

Namilog ang aking mga mata at natigilan sa paghakbang. Haze kissed her aggressively, ang kanyang dila ay nakita ko pa kung paano iyon pumasok sa bibig ng babae habang ang kanyang kamay ay pumapasok sa blouse noong babae, ang isa namang kamay ay nasa pwetan na pinapasok niya rin doon sa masikip nitong body hugging dress nitong kulay itim.

Nakaabot sa aking tainga ang nakakakilabot na ungol ng babae. Haze pushed himself between her at inangat pa ang isang hita nito na ikinaangat pa noong dress ng babae.

Gusto ko nang tumalikod at ako ang tinutubuan ng hiya sa kanilang dalawa. Bago ko pa man iyon magawa ay dumilat ang babae at napansin ako kaya mabilis niyang naitulak si Haze na napatigil sa panghahalik sa kanya.

G R I P P E D (NGS #6)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora