23rd Gripped

99.8K 3K 1.6K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Anna Grace Ramirez. Happy birthday to my dearest watty friend!
----------------

Galit Na Galit

Inangatan na ako ng kilay ni Kuya dahil sa pagkakatigil ko. Para akong naging bato, nakatunganga at naghahanap ng alibi.

"Uh... N-Nagpaalam ako kagabi kay Daddy at-"

"I am asking about the owner of the Mustang, Elliana Brielle," seryoso na ang boses niya, lalo na't buong pangalan ko na ang kanyang binanggit.

Pinaglaruan ko ang aking mga kamay.

"Uh, the Mustang Company, Kuya?" Ngumiti ako ng pilit.

Sa aking sagot ay mas lalo lamang siyang nagduda. Nailing siya sa akin, dismayado.

"May boyfriend kana pala ha..."

"Wala ah!" giit ko at tumaas na ang boses.

"Alam mo bang ang mga sinungaling ay nakakarma? Bahala ka maghihiwalay kayo niyan," aniya, nananakot na.

Sumimangot ako.

"Eh ba't kami magb-break eh hindi niya naman ako girlfriend," pagmamayabang ko nang wala sa sarili.

Nagulat si Kuya. Nang mapagtanto ko ang aking sinabi ay mabilis narin akong nagulat. Ilang sigundong namimilog ang aming mga mata sa isa't isa.

OMG! Bobita!

"Anong meron? Ba't mukha kayong mga tarsier? Titigan challenge ba 'yan? Sali ako!" Tumatawang sumulpot si Kuya Blue, naka jersey at mukhang magb-basketball sila ngayon.

Mas pinandilatan ko ng mga mata si Kuya Red. Umiling ako sa kanya habang unti-unti niya namang nilingon si Kuya Blue.

"Itong si Elle..."

Tumayo na talaga ako at mabilis na kumaripas ng takbo pabalik sa aking kwarto. Nadapa pa ako sa hagdan sa aking pagmamadali.

Habol ang hininga ay pumasok ako sa loob. Sinapo ko ang aking dibdib. Oh my gosh! Nahuli ako ni Kuya Red! Pag sasabihin niya iyon kay Kuya Blue na sumbongero kay Daddy ay lagot na talaga ako! Worst, baka hindi na ako palabasin! What should I do?! Sa pagkakadulas palang ng bibig ko kanina, alam ko na agad na mabubuko ako!

Kinalma ko muna ang aking sarili at nag-isip ng matino. Pabalik balik nalang ang aking lakad, kagat kagat ang aking labi. Hindi nila pwedeng malaman ang pinaggagawa ko!

"Elle?"

Napatalon ako sa gulat dahil sa sunod sunod na katok, baritonong boses iyon ni Kuya Red.

Nagtungo ako sa pinto at hindi muna iyon binuksan. Pinakiramdaman ko ito sa labas.

"Open your door. Dala ko ang pagkain mo," aniya, marahan lamang ang boses at mukhang hindi naman galit.

Pinihit ko rin ang doorknob. Sinilip ko siya sa labas. May dala siyang tray. Nagkatinginan kami at sinenyasan niya akong lakihan pa iyon. Ngumuso ako at umatras, sinunod ang kanyang gusto.

Nakapasok narin siya ng tuluyan. Kumalabog agad ang aking dibdib dahil sa kaba. Sumunod siya sa akin sa veranda at doon inilapag sa table ang tray. Umupo ako sa harap noon, si Kuya naman ay naninimbang ang tingin sa akin.

Humilig siya sa railings. Yumuko naman ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. I am so guilty! Feeling ko kahit magtaray ako ay hindi iyon tatalab sa kanya ngayon.

"Ano 'yong sinabi mo kanina? Hindi ka pa niya girlfriend?" Pinilig niya ang kanyang ulo, nakaangat pa ang isang kilay sa akin.

"Did I said something like that?" I tried to sound innocent, kahit na namamayani ang pagiging guilty sa aking sistema.

G R I P P E D (NGS #6)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora