53rd Gripped

122K 2.9K 982
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Maria Gracia. Happy reading!
-----------

Higad

Isinuot ko ang biniling damit ni Anzai para sa akin. It's a white body hugging dress with v-shape neckline. Above the knee iyon at pinaresan ko ng killer black heels.

Itinali ko ang aking buhok at naglagay rin ng kaonting make-up. I even stared at my cleavage at nakita ang malalim na paninitig ni Haze sa salamin na ngayon ay nagsusuot na ng coat sa kanyang white shirt sa loob.

Nilingon ko siya. Magulo pa ang kanyang buhok habang binubutones ang bawat isa noon. Ngumuso ako at nagtungo sa kanya.

Tumigil siya sa pagbubutones at tiningnan agad ang aking cleavage. Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang panga, saka bumaba ang aking mga kamay sa butones.

"I can't wait to punch someone later..." he said, magkasalubong ang kilay habang nasa aking dibdib parin ang mga mata.

I chuckled. "Bahala ka... Ikaw naman ang makikipagsuntukan, hindi ako."

He licked his lips and brushed his hair lightly. Kinuha ko naman ang necktie na hawak niya lamang sa isa niyang kamay at itinali na iyon sa neckline ng kanyang shirt.

Anzai slowly wrapped his arm around my waist. Nakatitig lamang siya ng malalim habang nasa necktie ang buo kong atensyon.

"You really look good when you're wearing white clothes..."

Kumurap ako at tiningnan siya. "Talaga?"

He nodded. "Mas lalo kang nagmumukhang anghel."

Ngumuso ako habang gumagala na ang kanyang mga mata sa kabuuan ng aking mukha.

"Hmm... I cannot wait to see our first born... Sigurado akong manang mana sa'yo ang ganda pag babae."

"Ganoon kana ka excited magkaanak? Ayaw mo munang magtravel tayo?" Natawa ako ng marahan.

"Don't you want to travel with our baby? Or my baby Elliana wants to travel with me alone first, hmm?" Tinagilid niya ang kanyang ulo at nanunuya na ang ngisi sa labi.

Tumango ako. Naiisip ko pa lang na hindi na sa akin ang buong atensyon ni Haze ay nagseselos na agad ako. Gusto ko munang gumawa kaming dalawa ng maraming alaala. Pero kung nabuntis rin naman, I'll gladly accept our baby! Pwede nga rin naman na magtravel kaming tatlo. Mas masaya siguro iyon. Iyon nga lang, matatagalan pa.

"Gusto muna kitang masolo. Ayoko muna ng kahati sa'yo," sabi ko.

His lips curved. Pilit niya iyong pinigilan sa pamamagitan ng pagkagat ngunit nabigo siya dahil tumakas ang halakhak sa kanyang boses. Pinagtuunan kong muli ng pansin ang kanyang necktie na malapit ko nang matapos.

"My Elliana is so selfish... She only wants me for herself..." Humalakhak siyang muli.

"Akin ka lang..." sabi ko sa maliit na boses.

He chuckled more at yumuko para halikan ang aking labi ng marahan.

"I am all yours, Elliana. Wala kang kaagaw sa akin," he whispered.

Humagikhik ako at ipinulupot ang aking mga kamay sa kanyang leeg. Pinatakan niya ng maliliit at nanunuyang halik ang aking labi.

"I love you..." bigkas ko.

Tumigil siya sa paghalik at tumitig sa akin. Nangingislap ang kanyang mga matang agarang namungay.

"I love you so much..." sagot niya.

G R I P P E D (NGS #6)Where stories live. Discover now