49th Gripped

122K 2.6K 653
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

Introduce

"Dapat hindi muna masyadong igalaw ng pasyente ang kanyang braso at ipahinga muna ang kanyang sugat," sabi ng doktor kinabukasan nang bumalik kami para ipatahing muli ang bumukhang sugat ni Haze.

I feel so guilty. Dapat hindi nalang ako nagpadala sa lalakeng ito. Pero mukhang hindi lang si Anzai ang kailangan ng Doktor kundi ako rin lalo na't ang sakit sakit ng buo kong katawan.

Ngumuso siya nang tingnan niya ako ng makahulugan. Tahimik akong tumingin pabalik at ayaw nalang na magsalita. Namumula ang mukha ko sa tuwing naalala ko ang nangyari kagabi.

Lumabas muna ako para matawagan narin si Mommy at masabi ang aking balak na pag-uwi. Ayoko naring patagalin pa ang lahat ng ito dahil alam kong nasasaktan na ng husto si Tobias.

"Mommy..." salubong ko agad sa kabilang linya.

"Ang aga mong napatawag? May signal na riyan? Nasaan ka?" Humihikab pa siya sa kabilang linya.

"Nasa bayan po. Uh, gusto ko sanang sabihin na baka mamayang gabi ay uuwi na ako riyan," sabi ko sa marahang boses.

"W-What? No baby... You cannot come home yet! Masyadong delikad-"

"Anzai is with me," putol ko sa matapang na boses.

"Ano?" Tila narinig niya iyon pero lamang makapaniwala.

Kinagat ko ang aking labi at tiningnan ang ibang mga taong labas masok sa loob ng publikong hospital. I need to buy mask for myself...

"Si Landon ay si Anzai, Mommy..." sabi ko.

"No. Imposible!" Humalakhak siya. "Honey... I think you have a problem with your eyesight. That man isn't good looking for pete's sake!" Sa tono ng kanyang pananalita ay parang magkaibang magkaiba talaga ang dalawa.

Bumuntong ako ng hininga.

"Naisahan niya kayo. I think the real Landon knows him and they swap. Si Anzai ngayon ang narito and-"

"Oh my God! Inuto kami noong Landon?!"

"Anong meron kay Landon?" Boses iyon ni Daddy.

Pumikit na ako at hinintay nalang ang magiging reaksyon ni Daddy. I know they're against with this. Pero alam kong kaonting pilit lang, kaonting paliwanag ay papayag din naman agad sila.

"Nagswap daw sina Anzai at Landon. And Elle said Anzai is with him right now... Anzai disguised himself as her bodyguard!"

"Akin na ang cellphone," seryoso ang tono ng pananalita ni Dad.

Kinabahan agad ako. He ordered Tobias to shoot Haze if needed para lang hindi ito makalapit sa akin. Ang hindi nila alam ay kamuntik narin akong makapatay rito.

"Brielle," ani Dad.

"Daddy..." Bumuntong ako ng hininga. "I'll explain everything pagkauwi ko. I'm really sorry..."

"Kailangan mo na talagang umuwi. We'll expect you tomorrow. You need to explain this..."

"I know... I'm sorry..."

Hindi siya umimik sa kabilang linya. Nagpaalam rin naman agad ako lalo na't ayoko nang pahabain para makabalik ulit sa loob at tingnan si Haze.

Later on, I know they're going to understand my decision. Hindi naman kasi napipigilan ang puso. Kahit pa siguro barilin ako ng paulit ulit ay babalik at babalik parin ako sa kanya. Mahuhulog at mahuhulog akong muli sa kanya. Para siyang nakatatak na sa sistema ko. Nakaukit na ang kanyang katauhan sa aking utak na kahit pa dumating ang maraming lalake sa aking buhay ay hinding hindi agad ako maaagaw sa kanya dahil hawak niya mismo ang puso ko.

G R I P P E D (NGS #6)Where stories live. Discover now