14th Gripped

106K 3.4K 2K
                                    

Gripped
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Arieen Belle Lerio. Happy reading!
------------

Date

Pagkagising ko sa umaga, maingay agad ang sala dahil sa malakas na tv.

Bumaba ako ng husto para mas makita kung sino ang mga naroon.

"Ellle!" tawag ng pamilyar na boses ni Ate Chey, anak ni Tito Vincent.

She's wearing an above the knee dress with ruffles on each side at kulay cream iyon, kaya mas humubog ang kanyang katawan at litaw na litaw pa ang kaputian. She's way older than me... Mga kaedaran ni Kuya Grey so baka nasa twenty-two na siya.

Hindi lang si Ate Chey ang nakita ko, lalo na't ang nakahalukipkip sa sofa, busy sa cellphone ay si Naia, anak ni Tito Vince, na nag-angat din ng tingin sa akin, naka simple top at shorts short lamang.

"Good morning..." bati ko.

"Good morning," bati ni Ate Chey at inabutan ako ng cookies na hawak niyang bowl.

Kumuha ako roon ng isa. I'm sure Lola baked this.

"Nasaan sila?" tanong ko at iginala ang mga mata lalo na't walang katao-tao sa bahay.

"They all went out. Magb-basketball daw ata sila," si Cassey ang sumagot, anak ni Tito Vlad, na kakalabas lamang sa kitchen at may dala-dalang bottled water.

Hindi ko sila gaanong nakikita sa school lalo na't nasa kabilang building sila ni Naia, mga kalevel sila ni Hiro, Wayt, Ken at mga kuya ko.

"Pati sina Lolo at Lola?" tanong ko at pinasadahan ng tingin ang kanyang kapayatan.

Tumango si Cassey at binuksan ang bottled water, iniinom na iyon. I think she grew taller at mas lalong pumayat lalo na't umangat pa ng kaonti ang kanyang top at sumilip ang kanyang flat na tiyan noong uminom siya.

"Mukhang nag grocery sina Mommy," si Ate Chey ang sumagot na ngayon ay nanonood na ng tv.

Tumango ako at tumabi kay Naia na tahimik lamang. Kinagatan ko ng kaonti iyong hawak kong cookies.

Mukhang nasa court din ata ang dalawa kong Kuya kasama sina Dad at nagbabasketball din siguro sila. Sana pala mas maaga akong gumising para nakasama ako kina Mommy mag Mall. Parang gusto kong gumala rito sa America.

Tumabi narin si Cassey sa akin, sumusulyap sa aking katawan lalo na sa aking dibdib. Tiningnan ko siya pabalik at napagtantong mas malaki pa ang dibdib ko sa kanya.

"Hindi kita nababalitaang may boyfriend ka. Binabakuran ka ng mga Kuya mo?" Isinabit niya ang ilang hibla ng buhok sa gilid ng aking tainga.

Umiling ako.

"Ayoko pa. Focus muna ako sa school," sagot ko.

Napatingin narin si Ate Chey sa akin, nakiupo narin sa sofa at tinabihan si Naia, ang mga mata ay nasa akin na.

"O baka naman tinatakot ni Grey ang mga suitors mo? Tell me nang mabugbog ko 'yon," pambabanta niya.

Tumawa ako at umiling. "Wala po talaga. Ayoko sa boys..."

"Himala at hindi ka nahawa sa pinsan mong..." hindi iyon madugtungan ni Naia pero alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.

"Napaka maldita pa naman ng batang iyon," ani Ate Chey at nailing.

"Iba ang tabas ng dila noon," si Cassey.

"Pero tama ba iyong narinig ko? Binasted niya si Trey?" si Ate Chey iyon, masyadong interesado ang mukha.

G R I P P E D (NGS #6)Where stories live. Discover now