Chapter 47.

17 1 0
                                    

Date Published: February 16, 2022

ROSELINDA

Naka-upo ako ngayon sa damuhan habang hinahanda ang sarili ko para sa one on one battle. Sana naman ay walang mangyaring masama.

Napatingin ako sa tumabi sa 'kin at nakita ko si Hashton. Niyakap niya ako na para bang pinapakalma niya ako.

"Don't worry, okay lang naman kung hindi ka mananalo dahil passing grade pa rin naman 'yon," sabi niya.

"Don't mind me nor the grade, okay?" Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Buti na lang ay nandito siya ngayon para pakalmahin ako.

"Okay. Thank you," sagot ko at napatingin kami sa harap nang nagkumpulan na ang lahat kaya naman lumapit kami sa grupo ng mga estudyante dahil mag-uumpisa na.

Nakita kong bumunot na si Professor Mychuka mula sa loob ng isang lalagyan at binasa ang pangalang nakalagay doon.

"Miss Roselinda Ynna Crossevell." Nagulat ako nang ako ang unang nabunot ni professor. Hinawakan ako ni Hashton sa magkabilang balikat ko.

"Don't worry, you got this," pag-encourage niya sa 'kin at tumango ako. Naglakad ako papunta sa gitna at hinintay kung sino ang makakalaban ko.

Bumunot na din si Professor Bryan sa may lalagyanan at binasa ang pangalang nandoon. Kinakabahan ako dahil baka may mangyari sa 'kin na hindi dapat.

"Mr. Hashton Mykluveign." Napahinga ako ng malalim dahil doon. Bakit ba kami na naman ang magha-harap ngayon?

"Seriously? Magla-laban na naman kami?" hindi makapaniwalang tanong ni Hashton at pumwesto na sa harap.

"Hindi niyo natapos 'to no'ng una, 'di ba? Ngayon tapusin niyo na!" sigaw ni Lenrick at pumalakpak sila Henry. Dahil sa sinabi ni Lenrick ay nagbulungan na ang lahat.

"'Wag na kayong mag-reklamo. Mag-umpisa na kayo," sabi ni Professor Mychuka kaya naman wala na kaming nagawa pa.

"P'wedeng gumamit ng Soul o Black Magic dito," sabi naman ni Professor Bryan. Nakita kong dumating sila kuya Arcy at ang iba pa. Pati rin si Ricasheign ay nandito din.

"P'wede ding gumamit ng summon, familiar, o Dark at White Spirits kung gusto niyo. Wala namang bawal dito basta 'wag niyo lang patayin ang kalaban niyo," sabi naman ni Head-wizard na kakarating pa lang at natawa.

Kahit kailan talaga ay hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya o hindi eh. Minsan talaga ay hindi ko siya maintindihan din.

"Rose, don't worry. No hard feelings." Tumango ako sa kay Hashton kaya naman kinuha ko na 'yong rosa-wand ko.

"Be serious, Rose. Don't hold back." Sumeryoso na ko dahil sa sinabi niya. Kung ayan ang gusto niya, 'yon ang ibibigay ko sa kaniya.

"Five minutes starts now," sabi ni Professor Bryan kaya naman ako na ang unang umatake para ma-umpisahan na agad 'to.

"Anima venadi!" sigaw ko at may lumabas na isang malakas na atake. Isa itong itim na laser na may pula sa gitnang parte nito.

"What the?" gulat na reaksyon ni Hashton at naka-iwas naman siya agad.

"Hindi manghihina si Ynna dahil sa gamit na niya talaga ang tunay niyang wand," rinig kong komento ni Kuya Arcy.

"Kapag gamit niya ang rosa-wand niya ay may proteksyon siya mula sa Soul o Dark Magic," rinig ko pang paliwanag ni kuya Arcy.

"Tornado del vento!" May lumabas na isang malakas na hangin at papunta na ito sa 'kin. Hindi ako kumilos mula sa pwesto ko.

"R-Rose! Anong ginagawa mo?" tanong ni Hashton. Ngumiti lang ako sa kaniya at tinapat doon sa hangin ang wand ko.

Destined Partners: Wizards' AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon