Chapter 42.

9 1 0
                                    

Date Published: January 12, 2022

LENRICK

Pagka-alis nila Rose dito sa lugar namin ay agad akong napatingin sa direksyon ni Hash. Kanina ko pa talaga sinusubukang basahin 'yung nasa isip ng isang 'to pero hindi ko mabasa eh.

"Ano 'yung nasa isip ni Hash?" bulong ni Ashveil at umiling lang ako. Napabuntong hininga siya at napatingin kay Huds.

"Ano 'yung nasa isip mo?" tanong ni Hen kay Hash na nakatingin pa rin sa papalayong si Rose na kasama ni Strex.

"I love her and I want to prove that to her and I want to do everything para lang magawa ko 'yong mga pinangako sa kaniya bago ako mahuli," sagot niya.

"Kaya mo 'yan. Magpahinga ka na lang muna para magawa ang gusto mo para sa kaniya," sagot ni Hen.

"Sige," simpleng sagot niya at tumayo na siya at naglakad na rin paalis mula sa pwesto namin. Nagkatinginan kaming lahat sa isa't isa at napatango.

"'Yung kapatid mo, medyo nahuhulog na ng todo kay Rose," sabi ko at napatango ulit silang lahat. Napatingin na lang kami kay Hash na naka-kalayo na mula sa amin.

ROSELINDA

Hawak-hawak pa rin ni Strex 'yung kamay ko habang hinihila niya ko. Nagsisitinginan na sa pwesto namin 'yung mga estudyanteng nakakakita sa amin at nakakaramdam na ko ng sobrang hiya.

"S-Strex, bitiw. Kaya ko naman maglakad eh," sabi ko naman pero hindi niya 'ko pinakinggan. Patuloy pa rin siya sa pag hila sa 'kin hanggang sa may humarang sa dinaraanan niya kaya napahinto kaming dalawa.

"Anong ginagawa dito ng isang wizard na hindi man lang marunong gumamit ng mga spells?" tanong n'ong lalaking nasa harap namin at nagsitawanan naman 'yung mga kasama niya.

"Lumayas nga kayo sa dinaraanan namin. Nagugutom na kami," kalmadong saad ni Strex sa kanila pero hindi siya pinakinggan. Pero teka...

'Hindi siya marunong gumamit ng mga spells? Seryoso ba 'yun?' takang tanong ko sa isip ko.

Habang iniisip ko 'yung tungkol sa sinabi n'ong lalaki ay napansin kong napatingin siya sa direksyon ko at ngumisi. Kinunutan ko siya ng noo dahil mukha siyang aso 'pag ganiyan 'yung mukha niya.

"Kasama mo pala 'yung witch na sinasabi ng lahat. Ang ganda pala niya, 'no?" nakangising saad niya at lalapitan na sana niya ko nang bigla siyang hinawakan ni Strex sa balikat kaya napatigil siya.

"'Wag mo siyang lalapitan. 'Wag mo siyang lalapitan kung ayaw mong malintikan sa magkapatid na Mikluveign," seryosong saad ni Strex. A-Anuhin naman siya nila Hashton?

"Wala naman kwenta 'yung magkapatid na 'yun eh. Kaya ayos lang na galawin ko 'yang kasama mong witch," sabi pa n'ong lalaki at lalapitan na sana niya ko ulit nang biglang sumulpot si Acane at hinampas niya ng buntot sa ulo.

Napa-upo sa sahig 'yung lalaki dahil sa ginawa ni Acane at napangiti ako bigla. Pumantay ako kay Acane at pinet siya sa ulo.

"Good girl. That's my girl," nakangiting saad ko kay Acane at dinilaan niya ko sa pisnge. Tumingin ako doon sa lalaki nang nakangiti.

"Sasabihin ko kanila Hashton na wala silang kwenta at sasabihin ko rin na ikaw ang nagsabi n'on. Nakakatakot pa naman magalit si Mr. Hudson. Sa pagkaka-alala ko, ang dami kong galos nang tinanggal ko 'yung barrier na nasa pintuan ng room nila," sabi ko.

Pero hindi totoo 'yun. Tatakutin ko lang 'tong mga 'to nang tumigil na sila sa mga kalokohan nilang ginagawa. Para tumigil sila na mangbastos ng ibang estudyante dito sa academy at para tigilan na nila kami ngayon pa lang.

Destined Partners: Wizards' AcademyWhere stories live. Discover now