Chapter 25.

15 2 0
                                    

Date Published: September 15, 2021

Nandito na sa girls' dorm sila Hashton at inihiga na nila si Rose sa kama nito. Agad namang tumakbo sa kusina si Ashveil para kumuha ng maligamgam na tubig.

Binuksan naman ni Hudson ang cabinet para kumuha ng bimpo. Lumapit naman si Acane kay Lenrick at hinimas ang ulo nito sa hita.

"Alam kong nag-aalala ka sa kaniya, Acane. Kami din naman," sabi ni Lenrick.

"Pero p'wede mo bang sabihin sa 'min kung saan ka nagpunta no'ng mga nakaraang araw na wala ka?" tanong niya pa.

"Naghahanap ako ng paraan para mailigtas si master kasama ng iba pa naming mga kaibigan," paninimula ni Acane. Nakinig naman ang lahat sa kaniya.

"Bawat araw na lumilipas, mas lalong nagiging delikado na ang lahat para sa kaniya."

"Hindi naman nangyayari 'to noon sa tuwing nagamit siya ng Soul Magic pero dahil sa mas lalong nalakas na Demonaire mula sa katawan niya ay nangyayari 'to."

"May nahanap ba kayong paraan para mailigtas siya?" tanong ni Henry.

"Wala pa rin. Pati rin si Master Kyline ay hindi niya rin alam. Kung nandito lang sana ang ama niya ay matagal na dapat siyang nailigtas kaso..."

"Kaso...?" - Hashton.

"Matagal na siyang patay." Napabuntong hininga ang lahat dahil sa nalaman nila.

"Paano na? Ano na ang gagawin natin ngayon?" tanong ni Henry sa lahat.

"Kailangan pa rin nating maghanap ng ibang paraan para mailigtas siya. Hindi tayo susuko sa kaniya," determinadong saad ni Hashton.

"Sige. Tara. Punta tayo sa library para maghanap ng paraan. Baka may iba pamg impormasyon doon." Nagsi-alisan na silang lahat mula sa kwarto pwera lang kay Cutie na nakatingin kay Rose at nag-aalala.

~ IN THE LIBRARY ~

Nakarating na silang lahat ngayon sa loob ng library at agad nagsi-puntahan sa mga bookshelf.

Kumuha agad sila ng mga libro na may kinalaman sa pamilya ng Crossevell, Demonaire, at tungkol sa mga selyo.

Lahat ng mga nakukuha nilang libro at nilalagay aga nila sa pinakamalapit na lamesa sa kanila.

Dumating naman sila Sarah, Miho, at ang isang babaeng kasama nila at lumapit. Tinignan nila ang lahat ng librong nasa lamesa at nagtaka ang isang babae.

"Anong mayro'n, Ash? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ng babae nang nakita niya si Ashveil.

"May kailangan lang kaming pag-aralan kaya ganiyan. 'Wag ka nang mag-alala, Karen." Hinalikan ni Ashveil sa noo si Karen.

"Sigurado ka ba diyan? Baka mapahamak ka ah." Tumango na lang si Ashveil at umupo sa upuan para magsimula nang magbasa.

•*•*•*•*•*

Halos dalawang oras na silang nagbabasa ng mga libro sa library nang nagsalita si Acane.

"Kapag lumabas na ang Demonaire ay wala na tayong magagawa kundi ang gumamit ng Seal Magic at ikulong ang Demonaire sa Lake of Seal," sabi ni Acane.

Destined Partners: Wizards' AcademyWhere stories live. Discover now