Chapter 55.

29 1 1
                                    

Date Published: April 20, 2022

SARAH

"Kuya Hen, sa tingin mo ba okay lang ang Head-wizard ngayon?" tanong ko habang naglalakad sa gubat.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin na 'wag mo kong tawaging kuya? Sarah, may relasyon tayo, okay?" Tumigil kami sa paglalakad.

"Nagmu-mukha akong pedo dahil sa 'yo eh." Nagpa-cute lang ako sa harap niya kasi ramdam kong galit na siya eh.

"Don't ever dare do that. Alam mong galit na ako tapos gagawin mo 'yan ngayon?" Tumalikod siya mula sa'kin.

"Kuya naman. 'Wag ka nang magalit," sabi ko. Naramdaman kong bumigat ang ulo ko kaya naman kinapa ko kung ano ang meron doon.

"Ang lambot," nakangiting saad ko at tinignan kung ano 'yun. 

"Ngayon ko lang ako nakakita ng ganito. Ang cute." Tinignan ni kuya Hen ang hawak ko.

"Carbuncle?" Napatingin ako sa hawak ko. Mayro'n siyang maliit na katawan, may malaking mata, may parang maliit siyang bato sa noo, kulay pula at may mahabang buntot.

"'Di ba blue ang Carbuncle? Bakit pula siya? Nasugatan ba siya?" tanong ko. 

"Ipakita natin siya sa iba," sabi niya. Aalis na sana kami nang biglang lumipad 'yung Carbuncle at umalis. Sumunod ako sa kaniya.

"Sarah! Delikado!" Hindi ko siya pinansin at sinundan lang 'yong nakita naming Carbuncle. Sinundan ko lang 'yung Carbuncle hanggang sa nakarating na kami sa isang bukal.

Nakita kong nalutang 'yung Carbuncle sa gitna at tumingin ako sa tubig ng bukal. Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang isang katawan.

Tulog ito sa ilalim ng tubig at agad ko siyang nakilala. 

"Sarah!" Napatigil din si kuya Henry nang nakita niya 'yung katawan.

"Anong ginagawa niya diyan? Kung nandiyan siya at walang malay, sino ang kasama natin lagi?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil hindi ko rin naman alam ang sagot.

THIRD PERSON

Nandito si Lenrick sa loob ng isang classroom sa academy habang tinitignan ang buong paligid nang may nakita siyang hindi niya inaasahan.

"Ang katawan na 'yon... Bakit siya nandoon?" tanong ni Lenrick sa sarili niya.

"Kung nandoon ang katawan niya, paano namin siya nakakasama?" tanong niya pa at agad siyang tumayo para pumunta sa kung saan.

•*•*•*•*•*

Nandito sila Collins at Wirian sa loob ng clinic. Nagpapahinga pa rin si Wirian hanggang ngayon dahil sa nangyari kanina.

"Professor, Head-wizard..." Napatingin sila kay Lenrick nang tinawag sila nito.

"Alam niyo po ba ang tungkol kay Rose? Isa lang manika ang kasama namin at ang totoo niyang katawan ay nandoon sa isang bukal?" Nagkatinginan sila Wirian at Collins.

"Sa totoo lang, oo. Alam namin ang tungkol doon pero ang manikang kasama niyo ay may pakiramdam din," sagot ni Wirian.

"Konektado ang katawan ng manika sa totoo nitong katawan. Kung ano ang nararamdaman ng manika, 'yun din ang nararamdaman ng totoo niyang katawan," saad naman ni Collins.

"Iisa lang sila pero ang totoo niyang katawan ay nandoon sa bukal para humilom ang sugat na nakuha nito noon," sabi ni Wirian.

"Sugat? Galing po saan?" takang tanong ni Lenrick. 

"Rick?" Napalingon silang lahat kay Serenity.

"Usap tayo. Ako na ang sasagot sa mga tanong mo." Tumango si Lenrick at lumabas na mula sa clinic para sumama kay Serenity.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Destined Partners: Wizards' AcademyWhere stories live. Discover now