Chapter 29.

14 1 0
                                    

Date Published: October 13, 2021

ROSELINDA

Nandito kami ngayon sa Head-wizard's office at nakita kong nandito din sila Mr. Hudson, Henry, at Ashveil. Bakit wala si Hashton?

"Nag-aalala na 'ko. Wala si Hashton dito," sabi ko at nakita kong napangisi si Lenrick sa 'kin. Bakit ko ba kasi sinabi ng malakas 'yun eh? Aasarin na naman ako ng lalaking 'to.

"Nakuha nila ang kapatid ko. Gagawin nilang bihag ang kapatid ko para pakawalan ang kakampi nilang nahuli natin," seryosong saad naman ni Mr. Hudson.

"Anong plano niyo ngayon?" tanong ko at napatingin kami sa pintuan nang may kumatok doon at nung binuksan na 'yun ay nakita namin ang mga guardians.

"Natanggap namin 'yung balita na nakuha nila si Hashton pero naalala niyo ba ang mga mukha nila?" tanong ni Garciel sa lahat.

"Nakita na naman ang pinagtataguan nila. Pero hindi namin nakita kung ilan sila sa loob at kung sino ang pinuno nila," sabi naman ni Dilan. Napa-iwas ako ng tingin mula kay kuya Arcy nang tumingin siya sa direksyon ko.

"May alam ka ba dito, Linda? Sa lahat ng nandito, ikaw lang ang kilala kong may kakayahang gawin 'to." Napasara ko 'yung kamao ko nang dahil sa sinabi ni Garciel.

"Kahit naman na sabihin kong hindi ako may gawa nito ay hindi naman kayo makikinig kaya mananahimik na lang ako. Isa lang naman akong masamang mangkukulam para sa mata ng iba kaya hindi na 'ko magsasalita pa." 'Yun na lang 'yung sinabi ko at naglakad na 'ko palabas mula sa kwartong 'yun.

Hanapin ko na lang si Hashton kaysa sa magsayang ako ng oras doon.

HENRY

"H-Hindi siya ang umatake sa 'min. At hindi din siya ang kumuha kay Hash," nanghihinang saad ko sa kanila at nakita kong lumapit sa pwesto ko si Len.

"Saka bakit naman niya sasaktan si Hashton eh, mahalaga ito sa kaniya?" dugtong ko pa.

"Sino 'yung umatake sa inyo, Hen? Sino kumuha kay Hash?" Napangiwi ako nang nahawakan ni Len 'yung sugat ko at agad kong pinalo 'yung kamay niya na pinagsisihan ko sa huli.

"Bakit mo ba kasi pinalo 'yung kamay ko? Alam mo namang 'pag pinalo mo ay magagalaw ko rin 'yung sugat mo." Tninulak ko siya palayo sa 'kin para naman mawala 'yung hapdi ng sugat ko.

"Siya ang target nila. Si Rose ang target nila. Ang sabi nila, hindi nila papakawalan si Hash hangga't hindi natin binibigay si Rose at 'yung lalaking nahuli natin no'ng isang araw." Pagkasabi ko n'on ay tuluyan na kong nawalan ng malay.

LENRICK

"Dahil ba 'to sa Demonaire na nasa katawan ni Rose? Ano naman ang gagawin nila kay Rose?" takang tanong ko at napa-isip bigla. Alam kong konektado 'to sa Demonaire kaya nasabi ko 'yon.

"Sa tingin mo, 'yun ang pakay nila dito sa academy?" Napatingin ako sa direksyon ni Head-wizard nang tinanong niya si Professor Mychuka.

'Ano 'yung pakay nila?' tanong ko sa isip ko.

"P'wede rin 'yun. Kung si Rose ang pakay nila, p'wedeng konektado nga doon. Pero ang tanong, bakit kailangan pa nilang kunin si Hashton kung p'wede naman nilang kunin agad si Miss Crossevell?" Nakalimutan ba nilang nandito pa kami?

"May alam po ba kayo?" tanong ko agad sa kanilang dalawa. Mukhang nagka-kalimutan na kasi kami dito kaya kailangan kong sumingit agad.

"P'wedeng konektado 'to sa mahiwagang bato na nasa bayan. Prinoprotektahan ito ng pamilya nila Miss Crossevell - ina, ama, mga kapatid, at siya." Mahiwagang bato? 'Yun ba yung may kakayahang bumuhay ng patay?

Destined Partners: Wizards' AcademyWhere stories live. Discover now