Chapter 35.

17 1 0
                                    

Date Published: November 24, 2021

LENRICK

May naalala kaya siya nang hindi niya sinabi sa amin ngayon? Ano ba talaga nangyari no'ng gabing 'yon? Ano ba talaga mayro'n ngayon?

"Mukhang naguguluhan siya ngayon." Mukhang tama nga si Ash. Mukhang may gumugulo sa kaniya ngayon na hindi niya masabi sa amin.

"Nabasa mo ba 'yong isip niya kanina, Len?" tanong sa 'kin ni Hen at umiling lang ako. May barrier na naman ang isip niya.

"Nasaan pala si Hash?" tanong ko kay Huds na tahimik na nakatingin sa palayong si Rose. Napahinga siya ng malalim at napapikit.

"Tulog pa siya. Hindi pa rin siya nagi-gising hanggang ngayon kaya hindi siya maka-kapasok." Kung gano'n, gagawa na naman ako ng notes para sa kaniya.

"Ako na gagawa ng notes para kay Rose. Ikaw na bahala kay Hash, Len." Tumango ako kay Hen naglakad na ulit kami pa-puntang room.

MIHO

Nagla-lakad ako papunta sa Head-wizard's Office nang bigla akong napatigil dahil sa may nakasalubong akong isang lalaki na naka-itim at may suot din na sumbrero.

Tinignan ko siya ng mabuti pero hindi ko talaga makita 'yung mukha niya dahil sa suot nitong sumbrero. Ito 'yung unang beses na nakita ko siya ah.

"Sino kaya siya?" bulong ko sa sarili ko. Nagla-lakad siya palapit sa pwesto ko nang nasa harap ko na siya ay tumigil siya bigla kaya napa-atras ako ng onti mula sa kaniya.

"Sabihin mo sa kaniya na hindi lahat ng mga nakikita niya ay totoo. At hindi rin lahat ng alam niya ay alam niya talaga. Kahit na anong mangyari, bantayan niyo siya. Bantayan niyo ang babaeng 'yun mula sa kanila." Magta-tanong na sana ako sa kaniya nang biglang...

"Miho!" Nagulat ako sa malakas na boses na narinig ko at nagtaka ako nang napansin kong nawala na 'yung naka-itim na lalaki sa harap ko.

Napatingin ako sa direksyon ng boses at nakita ko sila Hudson at Lenrick at kasama din nila sila Henry at Ashveil. Hindi nila kasama si Linda?

"Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba niya? Sino 'yung lalaking kausap mo?" sunod-sunod na tanong ni Hudson sa 'kin at napa-iling ako.

"Hindi ko siya kilala pero may sinasabi siya sa 'kin eh. Pero hindi ko naintindihan 'yung sinabi niya sa 'kin," sagot ko at napatingin sa kawalan.

"Ang sabi niya, 'Sabihin mo sa kaniya na hindi lahat ng mga nakikita niya ay totoo. At hindi rin lahat ng alam niya ay alam niya talaga. Kahit na anong mangyari, bantayan niyo siya. Bantayan niyo ang babaeng 'yun mula sa kanila.' Pero hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya," dugtong ko pa.

"Possible kayang si Rose ang tinutukoy niya?" tanong naman ni Henry at napatingin sa 'kin ulit si Hudson ng seryoso.

"Salamat sa pagsabi mo sa 'min tungkol diyan. Alam na namin kung ano dapat ang gagawin ngayon." Magla-lakad na sana siya paalis nang hinawakan ko si Hudson sa braso niya kaya napalingon siya sa 'kin.

"Ano ba talaga nangyayari, Huds? Nag-aalala na ko para sa 'yo at nag-aalala na din si Karen para kay Ashveil," sabi ko.

Napahinga siya ng malalim at magsasalita na sana siya nang biglang lumiwanag 'yung school logo namin na nasa uniform.

"Whoa! Pasensya na agad kung babagsak ka dahil sa 'kin," gulat kong saad habang nakatingin sa school logo ko. Nailaw din 'yung kay Hudson. Natatakot na ko.

"Whoa! May partner na din sa wakas ang Mr. Prefect natin," nakangising saad ni Lenrick habang nakatingin sa aming dalawa.

"Halos walong buwan na kayong nagde-date pero ngayon lang umilaw 'yong logo niyo," komento naman ni Henry.

Destined Partners: Wizards' AcademyWhere stories live. Discover now