Chapter 26.

13 2 0
                                    

Date Published: September 22, 2021

ROSELINDA

Magkayakap pa rin kaming dalawa ni Hashton habang nakatingin sa kalangitan na punong-puno ng mga bitwin ngayon.

Pagkatapos ng halik ay agad akong umiwas dahil sa sobrang hiya. Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Hindi siya katulad no'ng unang beses na hinalikan ko siya.

"Hashton, napagdesisyon kong pagkatiwalaan ka. Sana nga ay hindi mo nga iparamdam sa 'kin 'yon ulit," sabi ko.

"Thank you. So much." Magsasalita na sana ako nang biglang...

"Hashton! Nasaan ka? Patay ka sa land lord ng dorm dahil tumakas ka! Alam na rin ni Huds! Patay ka talaga!" Napatingin ako kay Hashton dahil do'n.

"Tumakas ka?" Nakita kong namula siya sa sobrang hiya.

"Damn. Lagot ako kay kuya nito." Napakamot siya ng buhok at hinalikan niya na muna ako sa noo at saka umalis.

Naiwan niya 'yong basket kaya naman binuksan ko 'yon punong-puno ito ng inumin at biscuit. Pinasok ko na 'yon at inilagay sa ref para hindi masira.

Sayang... Hindi namin nakain ngayon.

HASHTON

Pagkababa ko mula sa veranda ay nakita ko agad si Henry. Damn. Lagot talaga ako nito.

"Balik na tayo sa dorm. Patay ka talaga ngayon." I nodded at him at sumunod na ko sa kaniya. Habang naglalakad ay pababalik ay nagsalita siya.

"Umaakyat ka na ng ligaw ngayon ah. Okay lang naman 'yan pero 'wag ka lang magpahuli na tumakas ka," Henry said at tumawa na siya.

Damn it. I really hate my friends now. Sana lang talaga ay hindi magkuwento 'to mamaya kundi aasarin na naman ako ng iba.

"I have no choice but to do this. I need to assure her that everything will be okay," I answered him.

"Kumusta pala siya?" he asked me.

"She's fine but still, feeling weak based on the way she moves," I said and he sighed.

She can rest for this night and I know that by tomorrow, she'll be fine.

~ NEXT DAY ~

ROSELINDA

Unti-unti kong minulat ang mata ko at nakita ko ulit 'yung kisame ng dorm. Napatingin ako sa orasan at nakita kong alas otso na.

Dahan-dahan akong umupo sa kama at nakita kong natutulog pa si Miho. Ano kaya ginagawa na naman niya dito ngayon?

Binabantayan na naman ba niya ko ngayon? Tumayo na ko mula sa kama at tinignan kung anong petsa na ngayon.

Pagka-alis ni Hashton kagabi ay natulog na ulit ako. Napahawak ako sa bandang dibdib ko nang may naalala ako at napahinga ng maluwag dahil sa hindi nakuha ng Soul Magic ang apoy ng buhay ko.

"Good morning, Linda. Kumusta pakiramdam mo? Okay ka na ba? Pwede kang magpahinga ngayon kasi wala namang pasok." Kaya pala tulog pa siya hanggang ngayon.

Wala palang pasok kaya p'wede pa nga akong mag pahinga ngayon at mag-relax. Napahinga ako ng malalim at tumayo na mula sa kama.

"Anong ginagawa mo dito? Binabantayan mo na naman ba ako?" tanong ko at tumango siya.

Destined Partners: Wizards' AcademyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt