Chapter 34.

14 1 0
                                    

Date Published: November 17, 2021

ROSELINDA

Habang naglalakad kami pabalik ng academy ay nakasalubong namin sila Blood at Master Ryle sa bayan. Agad akong lumapit sa kanila at napatingin sila sa 'kin.

"Ynna, kumusta? Ngayon lang ulit kita nakita dito," komento ni master Ryle sa 'kin.

"Ayos lang po ako, master Ryle. Kumusta po kayo? Kumusta po si Dana?" tanong ko naman.

"Ayos lang naman siya doon, sa ngayon. Masaya siya kasama ang asawa saka anak niya." Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat dahil sa sinabi niya.

"Po?" Tumango-tango sa 'kin si Master Ryle. Napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa nalaman ko.

"Blood, sumabay ka na sa kanila. Kaya ko na mag-isa 'to." Tumango si Blood at hinila na niya ako paalis.

•*•*•*•*•*

Nakabalik na kami sa academy at agad kaming pumunta ni Blood sa clinic dahil sa narinig namin na nahanap na nila Garciel si Dilan mula sa ikalaliman ng gubat na nasa teritoryo na ng Dark World.

"Paano siya napunta sa Dark World? Delikado doon ah," komento ko at ginamot na namin ni Blood si Dilan.

"Linda, tungkol nga pala sa mga nasabi namin tungkol sa 'yo, pasensya na," sabi ni Gordon at tumango lang ako.

"Tungkol sa tanong mo, hindi din namin alam kung paano siya napunta sa Dark World. Basta nagulat na lang kami nang sinabihan kami ng isang babae." Napatigil ako mula sa paggamot.

"Babae?" takang tanong ko at tumingin sa direksyon nila. Tumango sila sa 'kin.

"May simbolo siya ng buwan mula sa likod at napakaganda niya. Siya ang nagturo sa 'min tungkol sa kinalalagyan ni Dilan," paliwanag ni Garciel.

"Si Leirey ang tinutukoy niyong babae. Siya ang diyosa ng buwan," sagot ko naman.

"Bumalik kayo mamaya sa kung saan niyo siya huling nakita at mag-alay ng prutas bilang pasasalamat." Tumango silang tatlo at tinulungan na ulit si Blood.

Tahimik lang akong nanggagamot at pagkatapos n'on ay agad akong umalis para bumalik na sa loob ng dorm.

HENRY

Pinanood naming maglakad paalis si Rose dahil hanggang ngayon ay alam naming nasasaktan pa rin siya.

"Len, nababasa mo ba 'yong isip niya?" tanong ko kay Len pero umiling lang siya.

"Kailangan na muna natin siyang hayaan, Hen." Tumango na lang ako.

"Nag-aalala ako dahil kaibigan ko siya. 'Wag kang magselos, Sarah ah." Inakbayan ko si Sarah at tinawanan niya lang ako.

Sana nga lang ay okay lang siya ngayon. Wala pa naman si Hashton para tulungan kami dito.

~ NEXT DAY ~

ROSELINDA

Nagla-lakad ako sa hallway nang napansin kong pinagti-tinginan ako ng mga estudyante na nandito ngayon. May nangyari ba? May nagawa ba ko? Anong mayro'n?

"Ate Rose, pinapapunta po kayo sa Head-wizard's Office." Napatango ako nang may kumausap sa 'kin pero hinawakan ko siya sa balikat niya bago pa siya makaalis.

Destined Partners: Wizards' AcademyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant