Chapter 14.

26 1 0
                                    

Date Published: June 30, 2021

HASHTON

I'm waiting here in the garden for Rose pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Napatingin ako sa palapit sa 'kin at nakita ko si Snowy.

"Hey, Snowy... Where have you been?" I asked her and pet her head. Snowy is my very first familiar and Rose helped me to get her.

"I'm worried about Rose now... She's still not here." I whispered and I sighed. Kanina pa 'ko naghihintay dito para sa kaniya at naiinip na 'ko.

I wish that nothing happened to her. I'm really worried about her everything she's doing something that we didn't know.

Kaya naman kinuha ko 'yong magical note na nasa bag ko at nagsulat na para sa kaniya. I just wish that she'll let me help her.

~ 3:30 PM ~

ROSELINDA

Nagising ako nang naramdaman kong may dumidila sa pisnge ko. Nakita ko si Acane at may nakita din akong lumilipad na papel sa ere.

Hinahabol ito ni Cutie kaya umupo ako at kinuha ang papel. Binasa ko na kung ano ang nakasulat.

Rose, I'm waiting for you in the garden. Sasabihin ko sa 'yo ang tungkol sa pinag-usapan namin kanina kasama nila head-wizard.

- Hashton.

Galing kay Hashton at kailangan niya kong kausapin. Tumayo na ko at napatingin sila Acane sa 'kin.

"Pupunta ako sa garden at makikipag-kita kay Hashton. May kailangan daw siyang sabihin eh." Sabi ko.

"Sige. Sama kami master." Tumango ako at naglakad na kami paalis para bumalik na sa academy.

•*•*•*•*•*

Nakarating na kami sa garden at nakita ko si Hashton na naka-upo sa bench habang nagbabasa ng libro.

Napatingin siya sa 'kin nang naramdaman niya ako at ngumiti. Umupo ako sa tabi niya at hinintay ang sasabihin niya.

"Pinag-usapan namin ang tungkol sa nangyari kagabi." Paninimula niya.

"Kanina lang din namin nalaman na inaaral mong gumamit ng white magic. Kaya sinabi ni Arcy sa 'min ay tulungan kita."

"Hindi na kailangan. Kaya ko naman eh."

"Hindi. You can't even do it. Hindi ka nga nakapasok kanina dahil sa mga failed spells eh." Tumingin ako sa kaniya at nakita kong seryoso siya.

"Whatever you went through before, always remember that lahat ng mga tao ay magkakaiba." Napayuko ako dahil sa sinabi niya.

"Alam ko... Pero natatakot ako na baka mangyari na naman ang nakaraan." Mahinang sagot ko.

"Rose, listen to me." Napatingin ako sa kaniya nang hinawakan niya ko sa kamay.

"We're not going to hurt you. Don't worry. You can trust us, Rose." Seryosong saad niya kaya huminga ako ng malalim.

Destined Partners: Wizards' AcademyWhere stories live. Discover now