Kabanata Labingdalawa

197 18 15
                                    

Ang lawak ng smile ko nang malaman ko na negative ang result, sino ba ang hindi? Kahit kayo siguro sa situation ko mapapasmile, baka nga hindi lang eh. Baka mangblow-out pa kayo o di kaya magtitili nang walang katapusan.

“Will you marry me?”

Napalingon ako sa nagsalita, sino iyon?

Pagtingin ko, may lalaking gwapo ang nakaluhod sa likod ko, humarap ako sa kanya…

May lalaking gwapo sa harap ko, nakaluhod siya at may hawak na ring… kulay yellow yong singsing, to be specific, Cheeserings ang singsing na ino-offer niya.

Dah! Sa ganda kong to, yan ang matatanggap kong singsing, pero wait!

Umangat ang paningin ko, mula sa singsing tiningnan ko ang mukha ng talipandas na nag-aaya sa aking magpakasal

“Oh may Gulay! STARE!!!”

“Stare?” takang-taka ang tingin na binigay niya sa akin.

“Hahahahaha! Oh I’m sorry, hindi nga pala Stare ang name mo. Ano ulit name mo? Hahahahaha” nakakawala man ng poise ang pagtawa, hindi ko mapigilan eh. Para akong ewan, tinawag ko siyang Stare. Eh hindi naman iyon ang pangalan niya.

Natigil ako sa pagtawa ng makita ko ang paglungkot ng mga mata niya.

“Kahit na nakakasama ka ng loob kasi hindi mo naalala ang pangalan ko, for formality I’m Venn Jeyner Tenerife.”

So, iyon pala ang name niya, sabi ko na nga ba may Tene something iyon eh, Tenerife pala.

“Hindi mo man lang ba papansinin ang proposal ko?”

“Seryoso ka ba? Hahaha! Ang cheap ng singsing mo, Cheeserings lang. tumayo ka na dyan.” Tumingin ako sa paligid, buti na lang wala pa ring masyadong tao.

“Ouch!” napatingin na naman ako sa kanya, at base sa hitsura niya mukhang nasaktan siya sa sinabi ko. Anong gusto niya, sumagot ako ng oo? For Pete’s sake, it’s only the second time na nagkita kami tapos gusto niya sumagot ako ng OO sa proposal niya. Hindi nga ako napabalitang buntis, ang headline ko naman sa dyaryo ay First meeting: Give my Virginity, second meeting: wedding proposal. At ano ang third? Kasalan agad? Hindi naman ako pangit para pumayag sa ganoon noh!

 “Utang na labas, tumayo ka na dyan.”

Napangiti siya sa sinabi ko, pati ako napangiti din, kami na mukhang ewan dito. “Ang tagal kitang hinanap, two months yon, akalain mong dito lang kita makikita. First time ko magpropose ng marriage sa babae tapos hindi man lang tinanggap, ang sakit.” Humawak pa siya sa dibdib niya para feel ang drama.

Hinampas ko nga siya sa braso(feeling close ako), pero nong dumampi yong kamay ko sa braso niya may naramdaman ako, yon siguro yong electricity na nararamdaman mo kapag nakuryente ka—ay este kapag nagtama ang balat niyong dalawa ng itinakda sa’yo.

Itinakda? Ang lalim, gosh! Saang balon ko iyon nakuha?

“Sa susunod na magpropose ka, kumpletuhin mo naman kasi ang props mo.”

“Bakit tatanggapin mo na kapag may singsing?” nagningning ang mga mata niya ng itanong niya yan.

“Pag-iisipan ko na, ngayon kasi, sa proposal mo, talagang hindi ang sagot ko sa’yo.”

Sa gulat ko, bigla niya akong niyakap, at hindi pa ako nakakarecover sa yakap niya, bigla niya akong hinalikan sa aking mga labi, I was going to open my mouth to let his tongue in, but he stopped.

“Wag mo akong tingnan ng ganyan,” natatawa niyang sabi, nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at nakaramdam ako ng kiliti dahil sa hininga niya. Natigil ang kamanyakan ko dahil sa binulong niya sa akin. “Hindi pa ako nagtotoothbrush, ayokong magreklamo kang lasang panis na laway ang saliva ko.”

 Nauwi sa tawa ang kamanyakan ko.

HAHAHAHAHAHAHAHAHA!

--- vote po kayo para sa sunod na update :)

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now