Epilogue

102 6 11
                                    

--- AUTHOR'S NOTE --

hayaan niyo na po akong sumingit muna dito, T_________T nakakalungkot! yong Favorite character ko sa story ko, matatapos na yong story niya, actually matagal na dapat tong tapos, ayoko lang talagang i-post kasi hindi ko matanggap na magtatapos na siya, pero alam ko hindi ko naman siya pwede itago for life, kaya ayan na po :)) SANA MAGUSTUHAN NIYO!

AT GUSTO KO LANG I-DEDICATE ITO SA PINAKAIDOL KONG AUTHOR SA WATTPAD, SIYA ANG INSPIRASYON KO SA PAGGAWA KO NITONG STORY NI MISSY, ANG STORY NIYANG KWENTO NG GREENMINDED ANG BINABASA KO NANG MAISIP KO ANG PERSONALITY NA IBIBIGAY KO KAY MISSY :)

THANK YOU IDOL .. THANK YOU KASI NAGREREPLY KA SA MESSAGES AT COMENTS KO :D

______________________________

Nandito kami sa townhouse namin ni Venn sa Rizal, wedding gift ni Mommy at Daddy sa amin.

Pinapanood lang naman namin ni Venn ang video nang kasal naming dalawa.

“Hahahahahaha! Nakakatawa ka talaga Glance, isipin mo, inatake ka ng LBM sa araw mismo ng wedding.” Nakahawak pa si Venn sa tiyan niya habang tumatawa.

Pero papayag ba akong matalo ng asawa ko?

Syempre HINDI!

“Ikaw naman hinimatay sa sobrang kaba na baka hindi matuloy ang kasal nating dalawa. Hahahahahahaha!” nakita ko ang pamumula ng mukha ni Venn kaya mas lalo pa akong natawa.

Naisipan naming manood ng video nang kasal namin kasi first anniversary namin ngayon, pero hindi lang yan ang unang beses naming pinanood yan. Siguro pang 50 na naming ulit yan pero hindi pa rin kami natatapos sa asaran namin. Napakasarap lang kasing alalahanin ng araw ng kasal namin.

Pumasok si Venn sa kwarto namin at sinundan ko siya doon makalipas ang tatlong minuto na hindi pa rin siya bumabalik.

“Anong ginagawa mo? Hindi pa natin tapos panoorin yong video.” Sabi ko.

Napalingon naman siya sa akin. “Wait lang Sy-sy. May ginagawa lang ako, balik ka na dun. Babalik din ako, mga isang minuto na lang to.” sabi niya habang mukhang may tinatago sa likod niya.

“Ano ba kasi yan, pakita mo na sa akin…”

Napakamot na naman siya sa noo niya, “Ang kulit mo talaga, sandali lang pumikit ka muna.”

Pumikit na lang ako.

Ilang sandali lang sinabi niya na ding dumilat na ako, nakita ko siyang may hawak na flashdrive.

“Ano namang meron yang flashdrive na yan?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

“Anniversary gift ko sayo,” agad kong kinuha sa kanya ang FD at tumakbo palabas ng kwarto, agad kong sinaksak ang FD at pinanood ang laman noon.

Tawa ako ng tawa habang pinapanood ang anniversary gift niya sa akin, paano ba naman kasi, nakalagay doon yong mga pinaggagawa niya noong una pa lang.

may ibat-ibang clips ang video, yong una ay yong una naming pagkikita sa bar at ang pagsayaw namin.

Yong sumunod ay yong pagkabasa niya ng TO BE CONTINUED na note na iniwan ko sa fridge.

Yong pangatlo ay yong pagpo-propose niya sa akin gamit yong cheeserings, yong paghalik ko sa kanya at yong pagsabi niya sa akin na “Hindi pa siya nagto-toothbrush” hahahaha!

Yong pang-apat ay yong pagsagot ko sa kanya sa mismong araw ng birthday ko. at yong scenario na sunod-sunod na paglabas ng motorsiklo pati ang tatlong huling words na CAN WE CONTINUE imbes na I love you.

Yong sumunod ay yong proposal niya na sumablay dahil sa pagtatampo ko, yong tinapon niya yong cheeserings para makita agad yong singsing pero ang nangyari ay nawala pa yong singsing.

At marami pang iba, yong mga moments namin ngayong mag-asawa na kami, yong mga lugar na pinuntahan namin, ibat-ibang pictures.

At yong pinakalast at yong pinakatinawanan ko ay yong nagbelly-dancing si Venn, at nakasuot pa siya ng costume nang pang belly dancer.

“Did you like my gift Sy-sy?”

“Oo naman, hindi ko expected na makakaya mo pa lang sumayaw ng ganun Venn.” nakangiti ko pa ring sabi. “Pero akala mo ba ikaw lang ang may gift? Meron din akong gift sayo.”

Pumasok ako sa kwarto at may kinuha sa drawer ko, pagkatapos ko iyong kunin ay bumalik ako sa sala.

“Balak ko sana itong ibigay sayo sa birthday mo, pero dahil masyado akong natuwa sa gift mo. Mag-iisip na lang ako ng panibagong gift sayo.”

Nakatingin lang siya sa akin, siguro iniisip niya kung anong meron sa envelope.

Nakangiti ako nang kunin ko ang isang picture sa kanya.

“Well, ang maganda yatang gift sayo ngayong anniversary natin ay ang pagsasabi na malapit ka nang maging daddy. Venn, I’m 6 weeks pregnant.”

“Oh ghad! Thank you Missy…” naluluhang sabi niya at hinalikan ako sa labi.

--- sino bang mag-aakala na ang ISANG one night stand ay magbibigay sa kanila ng WALANG HANGGANG kaligayahan?

Kyaaah! Ito na po ang ending ng story ni Missy :))))))))

Sana po ay nagustuhan ninyo.

At katulad ng request ko sa readers ko na hindi nagpaparamdam/SILENT READERS

Sana po ay magcomment kayo kahit sa last chapter lang nitong story. THANK YOU!

MARAMING SALAMAT po sa pagsuporta ng story ni Missy mula sa unang UD ko hanggang sa huli, lalo na sa kambal ko @twofaceDIva at Des @gatasalvajeh! Love ko kayong dalawa!

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now