Kabanata Dalawampu't Siyam

116 10 9
                                    

Announcement ba itong matatawag? :)

Nais ko lang ipaalam na pag natapos ko itong story ni Missy, magbibigay ako ng Softcopy :D

pero sa PILI LANG :D hindi naman sa nagdadamot pero gusto ko lang bigyan yong mga taong alam kong minahal si Missy. At as you can see dito ko siya pinost sa medyo tagong chapter at hindi sa ending kasi may mga readers na sa Ending agad tumitingin :D

yon lang naman, para sa mga may gusto ng copy, i-message niyo lang ako. Ibibgay ko siya sa inyo kapag naayos ko na yong compilation :)

Sa mga nakamiss kay MISSY. Here She goes :))))

___________________________________________

Pagkatapos namin magkita ni Venn ay agad akong naghanap ng pwede kong kuhaing private investigator.

May pera ako, marami akong pera kaya hindi ko kailangan ng tulong nila para malaman ko kung sino ba talaga ako. Hindi ko.hahayaang yurakan ng kahit na sino ang pagkatao ko.

Masyado akong maganda para makatanggap ng ganoong panlalait

"Ms. Missy, i will inform you as soon as possible kapag natapos ko nang alamin ang tungkol sa background mo."

"maraming salamat kung ganoon," Tinapos namin ang aming pag-uusap sa pamamagitan ng shake hands.

Yong shake hands ng hands to hands at hindi yong katulad ng ginawa namin ni Venn.

Si Venn na naman, siya na lang lagi ang nasa isip ko, kelan ba siya mawawala dito?

Gusto ko na siyang kalimutan kasi ayoko sa ugali ng Mommy niya, kapag naalala ko yong mga sinabi niya sa akin kanina nasasaktan pa rin ako.

Dapat pala hindi ako nakipaghiwalay, hindi ko naman kasi alam na hindi niya ako hahabulin, gusto ko ring kutusan yon si Venn, alam niya namang mahilig ako magpapigil pero hindi niya ginawa. Hindi niya ba naalala yong ginawa ko nong araw bago siya magpropose sa akin, ang tagal kong umalis sa pinto kasi gusto ko pigilan niya ako.

Hays! Miss ko na si Venn…

Kinuha ko ang phone ko to see if may message or text ba sa akin si Venn, pero nadisappoint lang ako kasi wala man lang siyang text kahit isa. Paulit-ulit ko pang binasa yong huling text niya sa akin na para bang sa pamamgitan noon ay magkakaron siya ng panibagong mensahe.

Umuwi ako sa bahay at naligo, balak ko sanang pumunta sa condo ni Venn pero hinihila na ako mg kama ko para matulog.

"Bukas na lang kita pupuntahan Venn, ngayon ko lang napagtanto na mahal na mahal kita at hindi ako papayag na maghiwalay tayo dahil lang sa mommy mo."

Makikipagbalikan ako sa kanya bukas, kasi napagtanto kong kapag mag-asawa na kami, hindi naman Mommy niya ang makakasama ko eh,

*********

BALIW AKO. kaya malakas akong mambitin :))

ANO KAYANG MANGYAYARI SA SUSUNOD NA CHAPTER ?

MAY KAIBAHAN BA YONG PAGPUNTA NI MISSY NG GABI AT NG UMAGA?

comment mo sa baba :D

i will post the next part of this chapter after ko magsimba ..

as of now BYE.BYE muna :)))

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now