Kabanata Dalawa

208 20 10
                                    

Pagdating namin sa company ay binati kami ng mga employees ni daddy na makakasalubong namin. Pero joke lang iyon, si daddy lang talaga ang binabati nila, hindi kasi nila alam na si Missy Glance Blache ang nasa harapan nila ngayon.

“Sino kaya yong kasama ni sir noh, ang ganda niya sobra.”

“Hindi naman siguro siya kerida ni Sir kasi alam ko loyal si Sir sa asawa niya eh.”

Takte! Kerida sa umaga? Wow! Bakit kasi hindi naubusan ng tsismosa sa mundo?

Slow motion kong nilingon yong mga nagtsitsismisan sa likod. Paglingon ko sabay tingin ng masama, yong tinging parang tigre na kakain ng rabbit. Ganon!

Diretso lang kami ng lakad ni daddy.

LAKAD LAKAD LAKAD ELEVATOR LAKAD LAKAD LAKAD

Shem! Daddy, hindi pa ba tayo makakarating sa patutunguhan natin? Ang taas kaya ng heels nitong suot ko. Papayag ako ng mahabang lakaran basta ba makikipagpalit ka sa akin ng sapin sa paa. *Evil grins*

At iyon na, habang nakikipag-usap ako sa sarili ko, nakarating din kami sa paroroonan namin.

“Princess, ito ang magiging kaharian mo habang nandito ka sa company natin.”

“Daddy. Hindi ba pwedeng kareynahan?”

“Ano?”

Ay nako! Nagloading na naman ang daddy ko

“Kasi sabi mo kaharian eh, HARi, lalaki. Eh girl na girl kaya ako.”

Biglang tumawa yong secretary ni daddy na nasa likod namin, tapos si daddy saka lang tumawa nong tapos na tumawa yong secretary niya.

Ay! Ang tagal bago nagets? Minsan talaga kawawa yan si daddy sa bahay eh, kaming dalawa ni mommy tagal na naming natapos magtawanan saka pa lang siya tatawa. SLOW talaga. Hahahaha

At iyon after ng kalokohan ko, nagpaalam na si daddy na pupunta na sa office niya. Si Mrs. Santos naman tinuro sa akin kung anu-ano yong mga dapat gawin. Napapangiti na lang ako kung hindi lang kabastusan sasabihin ko na sanang sisiw lang sa akin yon eh.

Hihihi MAYABANG BA? Hindi po, nagsasabi lang ng totoo.

Iyon na, ang bilis ng oras narealize ko na 5pm na pala, uwian na.

Nagpunta muna ako ng powder room tapos nagretouch and then tumakbo ako papunta sa office ni daddy.

Joke ulit ^____^

Mahirap kaya tumakbo ng naka 3inches na heels. Syempre mahinhin ako kunwari kaya behave lang akong naglakad papunta sa office.

Nagknock lang yong secretary thrice and then tinulak niya na yong pinto, pumasok ako sa loob and then humalik ako sa pisngi ni daddy.

“Kumusta ang first day ng prinsesa ko?”

“Okay naman daddy, medyo kaboring kasi alam mo na. Magaling ang anak mo mabilis lang natapos yong dapat gawin.”

“So, let’s go?”

“Tara na.”

Naglakad kami papuntang parking lot and then sumakay na kami sa kotse. Nang nasa biyahe na..

“Daddy, I want to go gimik today. Okay lang ba?”

“Sino namang kasama mo.”

I rolled my eyes before answering my daddy’s question.

“Sino pa ba, edi sina Shannie at Julienne”

“Hindi naman kayo gumigimik.”

“Ngayon lang, I want to treat them. I want to celebrate yong pagkakaroon ko ng work.”

“Sige lang, basta alam mo na uuwi ka pa rin kahit late na.”

“Yes dad.” At kiniss ko ulit siya, sabay hug.

Pagdating sa bahay, pumasok ako sa room ko at naligo. Pagtingin ko 6pm pa lang nagnap muna ako, nagising na lang ako kasi kumakatok si mommy sa pinto, I check the time 8:03pm. Inaya ako ni mommy kumain. After magdinner umakyat ako ulit sa kwarto and then tinawagan ko yong dalawang chicks.

“Sai. Ow! Bakit napatawag ka?” si Shan

“Gimik tayo today treat ko kayo.”

“Ano na namang topak mo? Hindi naman tayo gumigimik ah.”

“Para maiba lang, kitakits tayo sa PinPoint 10pm kailangan nandon na kayo ah.”

“May magagawa pa ba ako.”

“Buti alam mong wala, haha. Sige bye. Tatawagan ko pa si Julienne.” Iyon lang and tinapos ko na yong call. Tinawagan ko naman si Julienne,alam ko dito ako mahihirapan eh.

“Yes Sai?”

 “Gimik tayo.”

“A-Y-A-W”

“Aish! Basta gigimik tayo, susunduin kita mamayang 9:30, kapag hindi ka nag-ayos ako mismo magbibihis sayo. Bawal ang killjoy!” iyon lang at tinapos ko na ang tawag.

Tingnan natin mamaya, subukan niya lang talagang hindi mag-ayos, tototohanin ko talaga ang sinabi kong ako magbibihis sa kanya.

***

Napansin niyo naman siguro. SAI ang tawagan ng mga chikababes ko XDD

Ang sai ay nabuo sa pangalan nilang tatlo. Shan sa S. GlAnce sa A. at Julienne para sa I.

 ***** dedicated ko to sa kanya :D

kasi binabasa niya ang Missy at dahil FC ako sakanya !

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now