Kabanata Tatlumpu't Lima

56 6 4
                                    

-- Sorry for the long wait, grabe lang kasi nawawala si FD ko, tapos busy na din sa work, saturday and sunday ang day.off ko kaya ngayon na lang ulit nakabisita sa wattpad :)) NAMISS KO KAYO! (05/04/13)

 *******************

Naiwan kaming dalawa ni Venn sa restaurant, hindi ko alam kung paanong gagawin ko parang nagsisisi tuloy ako na hinayaan kong umalis si Janna, parang nakakailang lang kasi yong sitwasyon ngayon. Wala na si Janna kaya yong attention, wala na kaming ibang mapag-ukulan kundi ang isa’t-isa na lang.

“M-missy about what happened those past few weeks…” ayan na naman si Venn sa paghawak niya sa noo niya di pa nakuntento hinawakan pa pati ang kilay niya. “I’m sorry.” Biglang naging seryoso siya, yong seryoso na parang nakakaawa. Hindi ko alam kung paano yun pero para sa akin ganun ang hitsura ni Venn ngayon.

Hays! Paano ba ako magkukunwaring galit pa rin sa kanya?

Eh alam naman ninyong lahat kung gaano ko kamahal tong si Venn diba?

Alam niyo din naman kung gaano ako kapatay na patay kay Venn.

Tulungan niyo ako! Anong dapat kung gawin ngayon?

(YURI: ako na lang dapat tinanong mo, wala masyadong readers! Haha!

Ang sagot ko, magpaka Dalagang Filipina ka xD )

Uminom muna ako ng juice para makakuha ng lakas, alam ko naman kasing wala akong back-up ngayon kundi itong juice lang.

“Missy, pansinin mo naman ako at pakinggan mo naman ang mga sinasabi ko sayo, mahal na mahal kita. Alam mo naman yun diba? Hindi naman ako nagkulang sa pagpaparamdam sayo na mahal kita at hindi ko talaga kayang lokohin ka.”

Hindi pa rin ako sumasagot, ano ba ang dapat sabihin?

Binaba ni Venn ang basong hawak ko at hinawakan ang kamay ko. “Missy…”

Agad kung iniwas ang kamay kong hinawakan niya, magpakipot ka Missy.

“Missy, nasabi naman na sayo ni Janna na siya ang may kagagawan ng lahat diba? biktima lang din akong katulad mo.” Those eyes again.

Ano bang gagawin ko?

Patatawarin ko na ba siya agad kasi parehas lang naman kaming biktima ng galit ni Janna, bakit kasi hindi ko matiis itong lalaki na ito.

“Ayoko, may virus ka pa ng ex-girlfriend mo.”

“Missy, si Donna hindi ko lang siya basta ex-girlfriend, kaibigan ko din siya noon kaya sana naman wag ka ng mag-isip ng masama tungkol sa aming dalawa. At tsaka maniwala ka, lasing ako ng araw na iyon at bilang kaibigan tinulungan lang ako ni Donna na makauwi”

“Ayoko pa rin, hindi ako natutuwa sa bestfriend mo, ipapatay mo na yun” sabi ko na mukhang seryoso.

“Alam mong hindi ko yun kayang gawin Sy-sy” at ginamit niya na ang malambing na tawag niya sa akin, tss.

“Iba na lang, gagawin mo ang lahat ng ipinag-uutos ko.” Ayoko naman magkaboyfriend na mamamatay-tao no.

Naghihintay ako ng response pero wala, aba! Ayos siya ah, mabait na nga ako ng lagay na ito eh.

“Ano ayaw mo? Sige, aalis na ako.” At ito na naman ang ugali kong mahilig magkunwaring aalis pero nagapaigil lang naman.

“Alam mo namang mahal na mahal kita, kaya sige kahit magmukha akong alalay gagawin ko para lang maging girlfriend kita ulit.”

“SIge na, pinapatawad na kita.” sabi ko.

“Sigurado ka talaga Glance? Hindi ka na galit sa akin?”

“Kailangan pa itanong ulit? Binabawi ko na.”

Naiinis talaga ako sa sarili ko, sinasabi ng isip ko magpakipot muna pero ang puso ko ang landi talaga eh, ayan napatawad ko na agad si Venn.

Miss na miss ko na din kasi siya eh, at tsaka ayoko nang patagalin pa yong away namin lalo na ngayong nalaman ko na pakana lang ni Janna lahat.

“Wala ng bawian, nasabi mo na eh.” hinawakan ni Venn ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. “Sobrang namiss kita Missy, ilang araw lang tayong hindi okay pero pakiramdam ko ilang buwan na ang nakalipas.” Hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo ko.

“Namiss din kita Venn, panira kasi yang bestfriend mo eh, ang daming ginawa sa relasyon natin.” At bigla kong naalala ang Mommy ni Venn, agad akong kumalas ng yakap sa kanya. “Paano ang mommy mo, ayaw niya na sa akin,” nalungkot ako ng maalala ang mga masasakit na salitang sinabi sa akin ng mom niya.

“Aayusin natin ang issue na iyon, gusto mo bang ngayon na natin kausapin si Mommy?”

“Wala pa akong lakas ng loob Venn,” natatakot ako, ayokong makarinig ulit ng panlalait lalo pa ngayong kilala ko na talaga ang parents ko.

“Mas okay na yung ngayon, para maging okay na lahat ng problema.”

Nag-iwan si Venn ng pera at umalis na kami sa restaurant.

Habang nasa biyahe kami ay matindi ang kabang nararamdaman ko, nakwento ko na rink ay Venn ang tungkol sa totoong pagkatao ko, nasabi ko na din sa kanya na si Mommy ay tita ko.

************************************

Nang makarating kami sa bahay nila Venn ay bumalik na naman ang kaba ko.

“Nasan si Mommy?” tanong ni Venn sa mayordoma nila.

“Nasa veranda po sir, umiinom ng tsaa.” Sagot ng katulong

Nagpasalamat lang si Venn at inakay niya na ako patungo sa veranda, nakita ko agad ang GInang, mukhang malayo ang iniisip dahil nakatingin ito sa kawalan.

“Mommy,” mahinang turan ni Venn.

Lumingon ang Ginang sa kinatatayuan namin ni Venn at agad kaming sinalubong. “Tama nga ang sinabi ni Janna na isa sa mga araw na ito ay magtutungo kayong dalawa dito sa bahay.”

Humalik si Venn sa kanyang ina nang nasa harapan na namin ito, hindi ko alam kung gagawin ko din ba ang ginawa ni Venn, dati kasi ay ganun ang ginagawa ko kapag nagkikita kami, pero alam kong hindi kami maayos ngayon.

Hindi pa ako nakakapagdesisyun ay hinawakan na ng mommy ni Venn ang kamay ko at nagbeso na siya sa akin.

“Hija, patawarin mo ako sa ginawa ko noong huling beses na nagkita tayo, patawarin mo din ako kung binuhusan kita ng juice, kung gusto mo buhusan mo din ako.” Tumingin ang ginang sa mesa, “Pero wag ang tsaa ang itapon mo sa akin, mainit yan. Gusto mo bang magpatimpla ako ng juice para may maibuhos ka sa akin?” seryosong tanong niya sa akin,

Namalayan ko na lang na nangingilid na ang luha sa mata ko. Hindi ko inakala na mapagkumbaba pala ang Mommy ni Venn, hindi ko alam na marunong siyang humingi ng tawad sa pagkakamaling nagawa niya.

“Hija, sana hindi ka magtanim ng sama ng loob sa akin, tumawag si Janna sa akin kanina at sinabi niya sa aking may binago siya sa resulta ng investigation. I’m really sorry for insulting you and your mother.”

Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko na napigilan ang luha ko, agad naman akong hinawakan ni Venn at kinulong sa mga braso niya.

Simula ng araw na iyon ay naging maayos na ang pakikitungo sa akin ng mommy ni Venn, at sinabi niya din sa akin na Mommy na din ang itawag ko sa kanya at wag nang TITA.

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now