Kabanata Dalawampu't Walo

141 9 8
                                    

“Janna, I guess I can’t do what you want me to do,”

“Gawin mo na, ngayon lang naman ako ulit humingi ng favor sayo, at tsaka Donna, si Venn iyon.”

Ang daming arte nito ni Donna, kanina ko pa siya pinipilit para gawin yong plano ko pero ayaw niyang pumayag dahil natatakot siya. Kung hindi niyo kilala si Donna, siya lang naman ang first girlfriend ni Venn, at hindi nila alam na ako ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon nila noon.

Sunud-sunuran sa akin ang babaeng ito, kaya nga galit na galit ako dahil isa lang sa mga alalay ko nong college ang magiging girlfriend ni Venn, of all people?

Nandito naman ako, bakit hindi niya ako napapnsin?

“Hindi ko talaga kaya,”

ilang oras din siguro ang diskusyunan na ginawa namin ni Donna, at nilakihan ko pa ang bayad ko sa kanya para lang pumayag siya.

Well, alam kong galit na galit na kayong lahat sa akin dahil sa ginagawa ko, pero masisisi niyo ba ako?

Nagmamahal lang naman ako, at gagawin ko ang lahat para lang hindi mawala nang tuluyan sa akin si Venn.

******************************

“Sir, wala po si Ma’am Janna ngayon dapat po nagpasabi kayo na pupunta kayo Sir,” Si Trixie,

Namalayan ko na lang na sa Pinpoint pala ako dinala ng mga paa ko. Wala akong pakialam kung nandyan ba si Janna o wala, mas mabuti nga na wala siya dyan kasi baka magtampo na naman siya sa akin kapag inaway ko siya.

Ayokong makipag-usap sa kahit kanino ngayon, gusto ko lang uminom ng uminom para mawala kahit papano ang mga iniisip ko.

Tatlong oras na siguro akong umiinom at medyo lasing na ako ng may lumapit na babae sa akin,

“Venn, kumusta?” yong boses niya parang pamilyar sa akin, hindi ko lang maalala kung saan at kelan ko narinig yon,

“Ayos lang naman ang buhay ko,” napabuntung-hininga ako, “Kung hindi lang nakialam ang Mommy ko sa pakikipagrelasyon ko,” hindi ko man maalala kung sino siya, alam ko magaan ang loob ko sa kanya, kaya ito, yong sama ng loob ko nasabi ko sa kanya.

“Nabalitaan ko nga ang nangyari, nakakainis talaga ang Mom mo, mula noon hanggang ngayon pinapakialaman niya pa rin ang pakikipagrelasyon mo,”

With what she said, napatingin ako sa mukha niya, pinilit kong alalahanin kong sino siya, at napahawak ako sa pisngi niya habang inaalisa ang kanyang mukha.

“Donna?”

Tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya, “Yes, ako nga, kumusta? Namiss kita,” bigla siyang yumakap sa akin.

Gumanti ako ng yakap sa kanya, ang tagal na panahon na hindi kami nagkita, ngayon na lang ulit. Wala na akong feelings sa kanya, sadyang namiss ko lang din yong mga panahon na sa kanya ako nagsasabi ng mga problema, naging magkaibigan din naman kami bago kami nagkaroon ng relasyon.

Nang maisip ko si Missy ay napabitiw ako ng yakap sa kanya, nawalan ako ng balance kaya muntikan na akong matumba.

“Sh*t, bakit ba hindi ako sanay uminom!”

“I guess hindi ka na okay Venn, ihahatid na kita sa condo mo,”

“Kaya ko pa ang sarili ko,”

“Hindi mo na kaya, hindi mo ba nakita muntik ka nang matumba?” wala akong nasagot, alam ko naman kasi sa sarili ko na may tama na talaga ako. “Men’s pride, naku naman talaga! Hindi mo na nga ako nakilala kanina, tara na ihahatid na kita.”

Wala na akong nagawa ng akayin niya ako palabas, nakita ko rin ng tulungan siya ng isa sa bouncer, at sinakay nila ako sa sasakyan.

Habang nasa biyahe kami ay nakapikit na ako, nakaramdam na ako ng antok at parang gusto ko nang matulog. Nararamdaman ko ang kamay niya sa may bandang hita ko pero hindi ko na pinansin sobrang tinatamad na akong kumilos, kaya pati ang pagdilat ng mata ay kinatamaran ko na.

Hindi ko napansing nakatulog na pala ako, nagising ako dahil nararamdaman kong may humahalik sa labi ko. “Finally, nagising ka na, nandito na tayo sa parking lot ng condo,” lumabas ako ng sasakyan na pazigzag ang lakad, inalalayan na naman ako ni Donna, at kumapit siya sa bewang ko para hindi ako mahirapan.

Nakakahiya, parang ako ang babae, bakit kasi ang hina ko sa alak? Dapat talaga dati pa sinanay ko na ang sarili ko eh.

Nang makapasok kami sa unit ko ay agad akong humiga sa kama, hindi ko na natanggal ang sapatos ko, handa na ako ulit matulog dahil ang sakit na ng ulo ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagbaba ng ibang bahagi ng kama, may yumakap at humalik sa akin pero hindi ko na iyon alintana.

________________

 Short update ba ito? xD Pasensya naman wala sa hulog eh. hahaha!

Bawi siguro ako sa next chapter :)))))

Si Missy ang next POV ko :D miss ko na siya eh :)

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Onde histórias criam vida. Descubra agora