Kabanata Pito

179 21 16
                                    

---para sayo ang chapter na ito xD nakalimutan ko pa lang magpasalamat sayo dahil nilagay mo ang missy sa iyong RL xD THANK YOW  :*

**********************

Venn’s POV

Ang sakit ng ulo ko pagkagising ko, katulad ng araw-araw kong nakasanayan tiningnan ko muna ang orasan. 12:05pm.

Tanghali na! Agad-agad akong bumangon sa kama at pumunta sa ref.

Yan talaga ugali ko paggising ko, titingin sa clock tapos pupunta sa ref para uminom ng tubig.

And iyon nga, tumayo na ako.

Bubuksan ko na sana ang fridge nang may mahagip ang mata ko na kapirasong papel na nakalagay doon.

Kinuha ko, and I read what is the content of that piece of paper,

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

TO BE CONTINUED??

Yan ang laman ng kapirasong papel, black ang gamit na ballpen na ang font size ay 36? Iyon ang tingin ko, pero mahalaga pa ba kung anong kulay ng ballpen at kung anong size? Ang mahalaga doon ay ang laman ng sulat.

Muntik ng mawala sa isip ko, may kasama nga pala akong magandang babae kagabi. Hindi na kasi bago sa akin ang idea na nakahubad akong nagising dahil trip ko talagang matulog ng walang saplot sa katawan.

Nakalimutan ko na ang pag-inom ng tubig, bumalik ako sa kama ko to check something, and I’m not mistaken, she was VIRGIN! The girl I met last night was totally virgin and it proves the bloodstrain that was on my bedsheet. Anak ng pitong tupa! Puti ang kulay ng bedsheet ko but now may mantsa na to ng dugo. Pero wala akong pakialam sa dugo, ang iniisip ko ngayon ay ang babaeng nakasama ko kagabi.

Nasaan na siya? Nakuha ko ang virginity niya but instead to demand some payment or something, naglaho lang siyang parang bula? Wala bang halaga sa kanya ang pagkakababae niya? And when I kiss her, I know that she’s not expert with that thing, ako din ba ang unang halik niya?

I’m willing to pay for the damage I’ve done, or kahit mag-aya pa siyang pakasal sa akin hindi ako tatanggi. Pero bakit ganun, nagising na lang akong wala na siya, tapos iiwanan niya ako ng note na may ganong sulat.

Gusto kong matawa sa sitwasyon pero paano ko gagawin iyon, hindi maliit na bagay lang iyon para sa akin? I’ve taste a lot of women but that girl is different from them.

Binigay niya ang sarili niya sa akin kahit hindi niya ako kilala, at hindi pa namin makikilala ang isa’t-isa kung hindi ko pa naisipang itanong.

GLANCE, she told me that was her name. Pero Glance nga ba ang pangalan niya? Parang niloloko niya lang ako eh, kaya nga STARE ang sinabi kong name ko nung nalaman kong iyon ang pangalan niya.

Gad! Ni hindi ko man lang natanong ang last name niya, paano ko siya makikita ulit?

Mababaliw na ako! Ano nang gagawin ko?

Hays parang ang sitwasyon tuloy ngayon, parang ako ang nawalan ng virginity dahil sa dami ng iniisip ko.

Tatawagan ko muna ang bestfriend ko, sabi niya siya daw may sagot saken eh.

** FLASHBACK **

“Subukan mo namang lumabas at nang makita mo kung anong klaseng environment meron ang business mo, hindi iyong nakaupo ka lang dito at walang ginagawa.” Sasapakin ko na tong bestfriend ko, isang buwan niya na din halos akong pinipilit tingnan ang hitsura ng bar and restaurant na business namin, tinatamad kasi siya mag-isip ng bagong market strategy, kaya gusto niyang ako ang mag-asikaso para sa kanya.

“AYOKONG BUMABA.”

“Venn, wala namang mawawala sayo eh, kailangan mo lang makisalamuha sa kanila para malaman mo kung ano ba ang mga hinahanap nila.”

“Bakit hindi ikaw ang gumawa, ikaw nakaisip eh.”

“Ganito kasi iyan, sawang-sawa na sila sa kagandahan ko, maganda na yong may ibang putaheng nakahain ngayong gabi at saka para malaman na din natin kung anong demand ng mga girls. Alam mo naman Venn, mas gusto ng girls na kausap ang boys when they went to bars like this.”

“At ginawa mo naman akong pagkain.”

“Venn, para ka namang ewan eh, bumaba ka lang dun, kahit mga 30 minutes lang.” Umupo pa siya sa armrest ng swivel chair ko. at hinimas-himas ang balikat ko. naglalambing na naman po ang bestfriend ko.

“Wala naman akong mapapala pag bumaba ako dun buti sana kung ililibre mo ako ng isang babae eh.” Niloloko ko lang tong bestfriend ko, baka isipin niyo napakasama ko ah, hindi ko ugaling makipagflirt, kahit pini-flirt na ako.

“Sige ba, hahanapan kita mamaya. Sagot ko ang matipuhan mo.”

Aba’t kumagat siya sa biro ko. “Sige, bababa na ako, katulad ng napg-usapan 30 minutes lang ako sa baba.” Tumayo na ako at lumabas ng pinto, bumaba ako sa hagdan, sobrang ingay. Ayoko talaga sa ganitong environment, hindi ko nga alam bakit naging magpartners kami ni Janna sa business na ‘to, siguro dahil na rin sa kulit non napansin niyo naman siguro para siyang bata.

Pagdating ko sa baba ay nakita kong maraming sumasayaw sa stage, ang ganda din kasi ng tugtog, Please don’t stop the music. Pero may mas maganda pa bukod sa tugtog, may babaeng napakaganda ang sumasayaw sa stage, ang galing niyang sumayaw. Nakikita ko din na halos lahat ng lalaki sa paligid ay nakatingin sa kanya, center of attention ang babaeng iyon, nang makita kong may nagtatangka nang lumapit sa kanya, lumapit na ako, hindi ko hahayaang may makalapit sa kanya bukod sa akin. Bakit ako ganito? Di ko naman siya girlfriend. Umakyat na ako sa taas ng stage at nakipagsayaw sa kanya, kahit hindi ako sanay sa ingay, sanay naman ako sa sayawan, to inform you guys, dancer ako nung high school at college.

Sige lang ang sayaw ko, lahat ng galaw niya sinasabayan ko. Syempre ayokong hindi siya masatisfy sa sayaw ko at baka humanap siya ng ibang partner.

Natawa ako sa kanya ng bigla siyang tumigil sa pagsayaw, pinagmamasdan niya ako, parang dina-drawing niya na ako sa klase ng tingin niya.

** End Of FLASHBACK **

[ A/N: yong ibang details sa pagmeet nila nasa CHAPTER 4 na pabasa na lang ulit pag nakalimutan niyo na :) ]

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now