Kabanata Apatnapu

57 5 6
                                    

halos lahat ng bisita namin ay napakalawak ng ngiti, alam kong nagpipigil lang silang matawa dahil sa mga nangyayari.

Sa sobrang tense ni Missy, nagkakain siya ng kung anu-ano na naging dahilan para magka-LBM siya at ako naman ay hinimatay sa sobrang shock sa ginawa niyang pagtakbo palabas ng simbahan. Ang EPIC lang naming dalawa, bagay talaga kami.

Nakita ko pa ang alanganing ngiti ni Missy at ang pagsabi niya ng sorry sa akin, ngumiti na lang ako ng ubod ng tamis.

Matapos ang madaming seremonya ng pari ay dumating din kami sa pinakahihintay kong pagpapalitan namin ng Vows ni Missy.

“Actually Venn wala akong inihandang wedding vow, kasi naman sobrang excited ako kaya I DO lang ang mahalaga sa akin. Pero since part to ng wedding natin, sana hindi mo ako pagtawanan sa mga sasabihin ko.

Thank you sa pagtanggap sa akin kung sino ako bilang ako, we are so different with each other, you’re the serious type and I’m the craziest person in this world. Pero hindi ka nagreklamo, never kang nagsabi na baguhin ko ang attitude ko, nahawaan ka na nga sa mga kakengkoyan ko pero tawa ka pa rin ng tawa, that’s why I love you so much.

Alam ko hindi tayo katulad ng ibang tao na naging mag girlfriend at boyfriend nang matagal na panahon bago magpakasal, pero alam ko unang kita ko pa lang sayo sinabi na agad ng puso ko na ikaw na yong lalaking para sa akin. Thank you kasi kahit na ang daming kontra sa side mo dati about sa relationship natin, ginawa mo ang lahat para patunayang mali sila sa lahat ng sinasabi nila about sa akin.” Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata ni Missy, agad ko naman iyong pinunasan. “Kaya hindi ako mahihiyang sabihin na ibinigay ko ang sarili ko sayo sa unang kita ko pa lang, kasi alam kong kahit minsan sa buhay ko hindi ko pagsisisihan na ikaw ang pinili kong mahalin, sinabi ko yun sa sarili ko nong time na nagkita tayo ulit, kasi kahit na may nangyari na sa atin, nandoon pa rin ang respect mo, trinato mo ako na parang mamahaling krystal na kapag hindi iningatan ay maaraming mabasag.

Excited na akong gumising sa umaga na ikaw yong makikita ko, at bago ako matulog, mukha mo din ang huling masisilayan ko, mahal kita kahit ang seryoso mo at ang hilig mong kamutin ang noo mo kapag namomrublema ka.

Lagi mong tatandaan, you are my first and my last, Venn. I love you.”

Tumingin pa si Missy sa Mga bisita at sinabing “Sinabi ko na, hindi naman na magagalit sila Mommy kasi napangasawa ko naman si Venn.” Nakabungisngis na sabi ni Missy sa mga bisita.

Makikita ang iba’t-ibang reaksyon ng tao sa sinabi ni Missy, ang iba ay nabigla dahil hindi nila alam na sa ganun nag-umpisa ang dalawa. Sila Juls at Shan naman ay nagpapahid ng mga mata, naiyak siguro sa vow ni Missy.

“Pwede ka nang magsalita Venn, gusto kong marinig ang vow mo para sa akin.” nakangiti si Missy nang tumitig na naman siya sa mga mata ko, parang nawala tuloy lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.

Naramdaman ko pa ang pagpisil niya sa palad ko, ini-encourage akong magsalita na.

“Missy Glance Blache, una sa lahat gusto kong magpasalamat dahil pinayagan mong ako ang maging asawa mo, kahit napakarami ng plano kong naging palpak kapag nakikita kita. Ako yong tipo ng taong sobrang organize, pero simula ng dumating ka sa buhay ko, lahat nagbago. Alam ko hindi mo napapansin pero dahil sayo natuto akong magkamali at hindi gawing organize ang lahat, dahil alam kong kahit may mga imperfections ako, lagi ka pa ring nandyan at willing na tanggapin ako. Alam kong lagi mong iniisip na you’re so lucky to have me, but you’re wrong, because I am the one who is lucky to have you in my life. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano maging tao, kung paanong tumawa at kung paanong maging masaya.

Hindi ako bumababa dati sa bar dahil ayoko sa maingay pero may purpose pala kung bakit nangyari iyon, yon ay dahil kung hindi ako bumaba ng araw na iyon, hindi ko makikilala ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

I love you so much Missy and I am so proud that I have you in my life.”

Hindi ko napansing naluluha na din pala ako sa vow ko, pinunasan ni Missy ang paligid ng mata ko.

Sinabi ng pari na isuot na namin ang singsing sa daliri ng isa’t-isa at sinabing kami ay ganap ng mag-asawa.

Nagtitigan muna kami ni Missy at nagngitian bago ko siya hinalikan.

Nang matapos ang seremonya sa simbahan ay agad na silang nagpunta sa restaurant nila Juls for the reception.

Maraming nagcongratulate sa amin ni Venn, at sobrang nakakapagod ang pag-asikaso sa lahat ng bisita, pero at the same time napakasaya ko kasi asawa ko na si Missy at Mrs. Venn Jeyner Tenerife na siya ngayon.

Hindi kami nag-uusap ni Missy, magkakatinginan lang kami tapos parehas kaming mangingiti.

Sa mga nagtatanong kung nasaan ang bestfriend kong si Janna at kung bakit hindi siya tumutol sa kasal namin katulad ng inaasahan ng iba na gagawin niya, ito ang dahilan.

 JANNA’s POV

Malapit na mag-ending ang story ng bestfriend ko, pero ako wala pa ding lovelife.

Pero ayoko muna problemahin yan ngayon, may asungot dito na nagpapapangit ng araw ko.

“Tantanan mo na ako pwede ba, naiinis na ako sayo!” halos pasigaw kong sabi kay Mane, kung gusto niyong malaman kung sino to, ito lang naman ang kapatid ni Dash na bestfrined ni Shan.

Bwisit talaga yong Shan na yun, akala niya siguro tututulan ko ang kasal ng bestfriend ko at ni Missy kaya ginawa niyang buntot ko itong si Mane.

Sa pangalan pa lang niya naiinis na ako, paanong naging Mane ang Emmanuel? Nakakabakla!

Pero ang kinaiinis ko talaga sa kanya ay yong ginawa niyang paghila sa akin kanina bago pa magsalita ang pari kung sino ang tumututol sa kasal. And guess what? Para hindi ako makapagsalita ang ginawa niya lang naman at pinantakip ang bibig niya sa bibig ko. THE NERVE!

At baka sabihan niyo na naman ako na panira ng moment, may nagrequest lang na gusto nila malaman ang nagyari sa akin kaya ako um-extra.

-- at Kung gusto may gumugulo sa isip niyo tungkol kay Donna at kay Venn, wag kayong mag-alala walang nangyari sa kanilang dalawa ni Venn, tingin niyo ba papayag ako na may mangyari sa dalawang iyon?

Kung may mga tanong pa kayo, pumunta na kayo sa Barangay, ayoko na sumagot noh haha!

----- next will be the epilogue :*

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now