Kabanata Labinglima

166 17 10
                                    

At dahil sa hindi ako easy to get, pinaabot ko ng isang buwan ang panliligaw sa akin ni Venn, hindi naman na easy to get ang dating ko ng lagay na iyon hindi ba?

At tsaka naisip ko bakit pa kailangang patagalin ang mga bagay-bagay eh doon din naman ang patutunguhan noon?

Kaya ito, nandito ako ngayon sa favorite naming kainan ni Venn-ang restaurant nila Juls.

Wag kayong magtampo, kung iniisip niyon sinagot ko na si Venn, hindi pa, syempre gusto ko ding malaman niyo kung paano ko siya sasagutin at gusto kong malaman niyo yong reaksyon niya at reaksyon ko.

At talagang kasama ang reaksyon ko diba? Hahahaha, pagbigyan niyo na ako, araw ko ngayon.

Oo, hindi ka nagkakamali ng basa, kahit ang pinakaabnormal na nilalang sa buong mundo ay may birthday, hula ko nga kahit ang kaibigan kong alien may birthday din, hindi pa nga lang natin nadidiscover kasi hindi pa naiimbento ng magiging anak namin ni Venn ang device na makakapagtranslate sa lenggwahe ng mga kalahi mong alien.

At dahil sa usapang alien ay napasok ko ang mga magiging anak namin ni Venn noh? Misan gusto ko talagang humanga sa imagination ko.

Oops! Napapalayo na tayo sa topic, basta, wag niyo ko masyadong kausapin, ganito ako kapag kinakabahan lahat ng bagay na walang kakwenta-kwenta nasasabi ko.

Natetense ako, gusto ko kasi lahat ng bagay unique, kasi kakaiba ang love story namin ni Venn, hindi ko maisip kung papaano magiging iba ang pagsagot ko sa kanya kung ikokompara sa ibang lovers na nagligawan lang dyan sa kanto, sa lovers na napakayaman na kumakain sa classy restaurants, at sa lovers na mga ibon na nagbibigayan ng bulate to express their love with each other.

"Sy-sy..." kinuha ni Venn ang kamay ko at dinampi ang mga labi doon, grabe yan talaga yong isang bagay na nag-uudyok sa akin lalo na sagutin ko na siya, simula kasi ng manligaw siya sa akin, laging kamay ko na lang ang hinahalikan niya, gusto ko mahalikan ko na ulit ang lips niya. Hindi ba siya naakit sa kagandahan ko? Sabi ng mga classmates kong lalaki nong college, lips daw ang unang mapapansin sa mukha ko, kumbaga iyon yong asset ko kasi masyado daw syang red, pero dahil hindi niya na ako ulit hinalikan, ang dating asset ko, nagiging insecurities ko na ngayon.

Umupo na siya sa tapat ko at, "Bakit parang seryoso ka yata ngayon?" nakakunot-noong tanong sa akin ni Venn, shem! Kahit anong facial expression meron siya gwapo pa rin,

"Wala, marami lang akong iniisip, alam mo na, works," kibit-balikat kong sagot sa kanya. Kung alam mo lang kung anong iniisip ko Venn, naloloka na ako dahil hindi ko maisip kong paano magiging unique ang pagsagot ko sayo.

"Wag mo muna isipin ang work, birthday mo ngayon ipahinga mo muna ang utak mo."

"Birhtday ko nga ngayon, pero bakit wala kang gift sa akin?" nagpout pa ako sa harap niya, hindi ko iyan gawain pero dahil trip kong maglambing ngayon ginawa ko, sana naman hindi niya maresist na tanggihan ang magandang labi ko, kahit wala siyang gift, basta bigyan niya ako ng kiss mapapatawad ko na siya agad. As in agad-agad,

"Ang cute mo kapag nakapout," nakangiti niyang sabi, lalo akong nagpout, hindi naman kasi yon ang gusto kong response niya eh.

"Ang cute ko nga magpout, pero hindi mo naman ako kinikiss" pinalungkot ko ang mukha ko at tumingin ako sa mga mata niya, tingnan natin kung ano gagawin ng lokong 'to.

Iniangat niya ang kanyang kamay at nakita kong nilagay niya ang kanyang index finger at middle finger sa kanyang labi, at pagkatapos gawin iyon, nilagay niya naman sa mga labi ko ang daliri niya, it's an indirect kiss! OMG!

Kinikilig ba ako?

Oo!

Pero, nabibitin pa din talaga ako, :(

What I did next, surprise him.

Wala akong pakialam sa distansyang nakapagitan sa aming dalawa tumayo ako mula sa aking kinauupuan at hinawakan ko siya sa baba at agad kong hinalikan ang kanyang mga labi, mahirap na, dapat agad-agad, kasi baka mamaya talaban na ako ng hiya.

Pinalalim ko pa ang halik na binigay ko sa kanya, wala akong pakialam sa mga tao sa paligid, wala akong pakialam kong laman na ako bukas ng magazine, ng dyaryo, ng news, o ng showbiz chika. Oh diba? Sobra na ang pagiging ambisyosa ko, purkit magkakaroon ako ng gwapong boyfriend feeling ko artista na ako.

Nang pakiramdam ko wala nang hanging natitira sa katawan ko saka ko lang binitawan ang lips niya, tiningnan ko siya sa mata at natatawa ako kasi nanlalaki ang mga mata niya, I just smiled at him sweetly.

"Sabi ko sa parents mo, hindi kita hahalikan hangga't hindi pa kita nagiging girlfriend."

"Anong problema dun? Ako ang humalik sa'yo kaya wag mong intindihin ang sasabihin nila mommy sayo. At tsaka wala ka kasing gift sa akin kaya yon na lang ang hiningi kong gift, bilang nagpapaligaw hindi na nga ako demanding eh." nakataas ang isa kong kilay habang sinasabi ko iyan, pero nakangiti pa din ako, ang kulit lang kasi ng reaksyon niya, yong feeling na para siyang nawalan ng virginity sa halik na ginawa ko.

"Ms. Blache, sino sa mga langgam mo ang nagbigay sayo ng false information na wala akong regalo sayo?"

"Wala akong kinausap sa mga langgam kong alalay, bakit meron ka bang regalo sa akin?" nanghahamon ang tingin na ibinigay ko sa kanya.

Kung naguguluhan kayo sa langgam na pinag-uusapan namin, hindi po tao iyan, yong langgam na naglalakad sa pader at madami pag magtatag-ulan, yon talaga yong pinag-uusapan namin. Minsan kasi nang nag-uusap kami, niloko ko siyang nakita siya ng mga langgam na may kalandiang ibang babae. Basta ganon iyon, tinatamad na akong magkwento, nadidistract na kasi ako ng tingin sa akin ni Venn.

"Meron akong regalo sayo Glance nasa loob ng sasakyan, hindi ko na binitbit dito magiging masyado na akong sweet pag ginawa ko iyon." Pinisil niya pa ang ilong ko.

Ano daw, magiging sweet siya kapag binitbit niya yon dito, hala, anu iyon?

"Ano iyon? GC sa five-star hotel?"

O__________O

"Aray!" Oo, ako pa din yang nagsalita, pano ba naman kasi pintik niya ako sa noo.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan, baka isipin ng mga tao dito, gumagawa tayo na kababalaghan."

"Ano ba kasi iyon? Curious ako, pumunta na tayo sa car mo,"

Tumayo na ako sa upuan at hinawakan ko siya sa kamay para pumunta sa parking lot ng restaurant.

Nang nasa tapat na kami ng sasakyan ay ang lakas ng kaba ko, ano kayang regalo niya sa akin?

"Hindi ka masyadong excited Sy-sy? Alam mo bang simula ng makilala kita, naging isip-bata na din ako?"

"Wag nang madaming sinasabi, buksan mo na yang sasakyan mo, bilis! Pag natuwa ako sa laman niyan may surprise ka din sa akin." Ngiting-aso ako habang sinasabi ko iyan, kasi sa totoo lang may plano na talaga ako, nahihiya lang akong gawin kasi...

BASTA!

Abangan niyo mamaya :)

Tumingin siya sa akin at ako naman ay nakatingin pa din sa kanya habang nakangiti ng napakalapad.

Binuksan niya nga ang sasakyan at pinagkalas-kalas ang mga gulong, ang manibela, ang driver seat, passenger seat pati ang upuan sa likod, as in lahat pati makina binuksan niya at binuksan ang lagayan ng gasolina, kumuha ng lighter tapos sinindihan gamit ang lighter at biglang sumabog na napakalakas, at namatay kami kaya ito na ang ENDING nang story na ito.

JUST KIDDING hahahahahaha!

*****

joke lang po talaga ! 

hindi pa po ending, tumigil lang po ako .. 

kasi >,< 

ayaw yata ng mga langgam na sinsali ko sila sa story ko .. 

ayan nadale ako, ang dami kong kagat ng langgam , bigla silang nagsulputan di ko alam kung saan sila galing ..

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now