Kabanata Siyam

143 16 9
                                    

Isang linggo ko na siyang pinapahanap pero wala pa ring resulta, hindi ko alam kung talaga bang tinutulungan ako ng bestfriend ko, wala na siguro akong pwedeng asahan kundi sarili ko.

Bakit kasi hindi ko pa naisipang palagyan noon ng CCTV ang bar, edi sana nakita ko man lang kung sino yong mga kasama niya. Hindi rin naman uso ang logbook sa bar, kaya hindi ko nakuha ang buong pangalan niya.

Hanggang sa ang linggo ay naging buwan, dalawang buwan ko nang hinahanap si Glance pero kahit anino niya hindi ko makita. Saan ko ba makikita ang babaeng iyon?

Dati, hindi ako lumalabas sa bar kasi ayoko ng sobrang ingay pero simula nang hanapin ko siya, gabi-gabi na akong bumababa para tingnan kong naisipan niya bang bumalik, pero araw-araw na lang bigo ako.

Bakit ni hindi niya mang lang naisipang bumalik sa condo ko, pinanghahawakan ko pa rin ang sinabi niyang TO BE CONTINUED, alam ko parang tanga, pero iyon talaga ang pinanghahawakan ko eh.

Natigil ang pag-iisip ko dahil sa doorbell. Nakita ko si Janna ang tao sa tapat ng pinto ko, agad kong binuksan ang pinto.

“May balita na ba sa paghahanap niyo sa kanya?”

“Meron na, pero parang hindi siya iyon eh. Missy Glance Blache ang pangalan nong babae 24 years old siya, mayaman, anak siya ng may-ari ng Blache and Samson Enterprise, mabait siya at ayon kay Detective Generoso ay hindi gumigimik ang babaeng iyon, restaurants lang ang pinupuntahan ng Missy na iyon kasama ang dalawa niyang kaibigan, at para dagdagan ang impormasyong nalaman ko, walang sinuman ang tumawag sa kanya ng Glance, lahat ng kaibigan kahit magulang niya ay Missy ang tawag sa kanya.”

“So, why do you have to tell me all of this kung hindi naman pala siya iyon?”

“Dahil siya ang tumugma sa description na binigay mo sa amin.”

“Mas mabuti ng hindi mo sinabi sa akin, kesa sinabi mo nga pero sigurado ka naman na hindi siya iyon.”

“Sinasabi ko lang sa’yo para hindi mo isiping wala akong ginagawa para sa paghahanap sa babaeng naka-one night stand mo.” Sinabi niya ang one night stand ng may diin sa bawat salita.

“Wala kang karapatang magsalita ng ganyan kay Glance, hindi siya ang tipo ng babaeng iniisip mo.” Kahit papano dapat ay magpasalamat siyang naging babae siya, dahil kung lalaki siya, nasuntok ko na siya.

“Walang matinong babae ang magbibigay ng katawan niya sa lalaking ni hindi niya kilala. Kaya wag mong sabihing mali ako sa paghusga ko sa kanya.”

“Kilala niya ako.”

“Kilala ka niya? Sa pangalan siguro, malas mo pa kung hindi. Pero isa lang ang sigurado ako, nang gabing iyon mo lang siya nakilala.”

“Virgin siya nang gabing angkinin ko siya.”

“Wala akong pakialam, para sa akin, ang isang taong may pagpapahalaga sa kanyang katawan ay hindi gagawin ang ginawa niya.”

Nararamdaman kong nanggagalaiti ako, ikinuyom ko ang aking mga palad para makapagpigil.

Naglakad na siya palabas ulit ng pinto. “Aalis na lang ako dito, hindi ako manhid alam kong kung naging lalaki ako ay nasuntok mo na ako.” Binuksan niya ang pinto at tumingin sa akin. “Hindi ko maiwasang hindi magtampo sayo, parang mas pinipili mo pa siya kesa sa akin. Ang tagal na nating magkaibigan pero ngayon lang tayo nagtalo ng ganito.”

Tuluyan na siyang lumabas ng pinto, ako naman ay naisipang maligo para mawala ang init ng ulo ko. Hindi ko masisi si Janna kung bakit siya nagtatampo, maraming babae ang dumaan sa buhay ko pero hindi ko kailanman pinili ang mga iyon kung si Janna ang involve. Pag ayaw niya sa girlfriend ko ay hinihiwalayan ko iyon agad, kahit ako ay nagtataka sa inasal ko kanina. Ito ang kauna-unahang pagtatalo namin.

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now