Kabanata Tatlumpu't Pito

52 5 3
                                    

WEDDING DAY!

-- tsaran! ang bilis ko noh? wahahah! excited na kasi ako! bakit ba? :D

***********************

Nakaharap ako sa salamin at nakikita ko si Mommy na umiiyak sa gilid ko.

“Baby, hindi ako makapaniwalang ikakasal ka na, parang kelan lang ng kuhain ka namin ng daddy mo sa ampunan, pero tingnan mo ang sarili mo ngayon, napakaganda mo sa suot mong traje de boda.

“Si mommy naman, wag nga kayong umiyak dyan, mag-aasawa lang ako hindi pa ako mamamatay,” napahawak ako sa dibdib ko kanina pa talaga ako kinakabahan. “Ms. Shin, pakuha naman ng chocolate dyan, kinakabahan na talaga ako.” Baling ko sa make-up artist ko.

“Ano ka ba namang bata ka, ikakasal ka na nga nakuha mo pang kumain ng chocolate.” Si Mommy.

“Hindi magrereklamo si Venn kung hindi man ako makapagtoothbrush Mom, masarap naman yong chocolate ah,” nakangiti kong sabi habang kinakausap siya sa harap ng salamin.

Umiling-iling na lang si Mommy sa akin. Nawawala kasi ang kaba ko kapag kumakain ako ng chocolate, babatukan ko si Venn kapag nagreklamo siya, hinalikan ko nga siya dati kahit wala pa siyang toothbrush eh, ano ba naman yong malasahan niya yong chocolate sa labi ko.

Oh my gosh, just imagining our first kiss being husband and wife kinikilig na ako.

Narinig kong tumunog ang pinto at nakita kong pumasok sila Shan at Juls sa kwarto.

“Ms. Shin hindi pa rin ba tapos ang make-up ko? Gusto ko na makausap ang mga bestfriend ko.” tanong ko sa kanya.

“Missy, pumikit ka saglit at last na to,” pumikit naman ako at sinabi niya sa aking okay na kaya dumilat na ako.

“Iwanan na muna natin ang magbestfriend na yan para makapag-usap sila,” kausap ni mommy kay Ms. Shin. “Saglit lang yang usapan na yan ah, baka mainip na si Venn at maging runaway groom yun.” Natatawang kausap ni mommy sa amin.

“Nakakatuwa talaga si Mommy,” sabi ko habang nakatingin pa rin sa pintong pinaglabasan nila, at nagtaka ako dahil wala akong response na natanggap mula sa dalawa kaya tiningnan ko sila. And guess what? Ang dalawa kong bestfriend umiiyak din. “Ano ba naman kayo, lahat ba kayo iiyakan ako? Hindi pa ako patay Sai.” Natatawa kong sabi.

Binatukan ako ni Shan, “Sira, masaya lang kami para sayo. Akala talaga namin maghihiwalay na kayo ni Venn dati pero tingnan mo naman ngayon ikakasal ka na.”

“Laking pasalamat ko nga din sa ginawa ni Janna eh, kung hindi siya umamin dati panigurado wala na kami ni Venn ngayon.”

“Ang swerte mo kay Venn, ang malas niya naman sayo.” Si Shan talaga kahit minsan panira eh

“Naiinggit ka lang eh,” baling ni Juls kay Shan, akalain niyong naisipan ding magsalita ng babaeng to? “Missy, anong gusto mong gawin namin kay Janna, igagapos ba namin para siguradong hindi siya makakatutol?” kausap ni Juls sa akin.

“Wag na, alam ko naman na hindi yun magagawa ni Janna. Nag-usap na kami at sinabi niya sa akin na tanggap niya na, na hanggang magkaibigan lang sila ni Venn.”

“Mas mabuti na din yong sigurado, baka mamaya biglang magbago ng isip yun eh.” Si Juls ulit

“Let’s have a group hug Sai, bago pa maging misis ang isa dito.” sabi ni Shan na dahilan para magyakap-yakap kami at wag nang isipin si Janna.

“Tara na bago pa magbago ang isip ni Venn at di niya na pakasalanan ang baliw na to, baka maglupasay to kahit suot niya pa yang wedding gown niya.” biro ni Shan.

Bago pa ako tuluyang lumabas ng kwarto, kinuha ko pa ang isang balot na cardburry sa table.

Habang nasa biyahe papunta sa simbahan ay grabeng kaba na naman ang nararamdaman ko, kaya kinain ko ng kinain yong chocolate. Ilang beses pa akong pinagalitan ni Mommy pero hindi ako nagpaawat, wag silang magulo ganitong kinakabahan ako kailangan ko ng pagbabalingan para hindi ako masyadong kabahan.

“Kanina ka pa Missy, kumain ka na ng kung anu-ano kanina, kumain ka ng iba't-ibang prutas, tapos ngayon chocolates na naman yang pinagkakain mo.” Saway na naman ni Mommy.

“Mommy, simula kaninang umaga nakaka-32 na saway ka na sa akin, walang mangyayaring masama sa akin mamaya, trust me.” Kinindatan ko pa si Mom, napailing-iling na lang siya sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanya, may kinuha siya something sa bag niya at pagtingin ko pinupunasan niya na naman ang pisngi niya.

“Naku Mommy, bakit napakaiyakin mo ngayong araw na ito?” kinuha ko yong tissue sa kanya at ako na ang nagpunas ng luha niya.

“Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na ang Baby ko, ikakasal na ngayon at ilang taon na lang magkakaroon ka na din ng baby.” Niyakap ako ni Mommy.

Im lost of words, ang totoo kasi niyan kunwari pinapagalitan ko siya pero naiiyak na rin ako.

Mamimiss ko ang pagiging Baby ko sa Mommy ko, ang dami kong mamimiss na bonding ko with her, kahit pa sabihin na hindi naman ako mamamatay, iba pa rin yong dalaga ka pa sa may asawa ka na.

Tumigil lang kami ni mommy sa drama namin ng makita ko sa bintana ng sasakyan na parang baliw si Shan, kahit hindi ko naririnig alam kong nag-eeskandalo na yun at nagsasabing may sunog at tumawag na nang bumbero—just joking!

Seryoso na, yon nga nagsisigaw si Shan para siguro ipaalam na nandito na ako.

“Compose your self baby,” sabi pa ni Mom at inayos niya ang belo ko.

“Mom, alam mo naman na kahit hindi ko na ayusin ang sarili ko magiging maganda pa rin ako.”

“Oo na, sige na baby, alam ko na--” may sasabihin pa sana si Mom pero hindi na natuloy dahil pinagbuksan na kami ng pinto.

OH MY GOSH!

Bumalik na naman ang kabang nararamdaman ko kanina pa.

THIS IS IT!

Ikakasal na ako sa lalaking pinakamamahal ko.

Bago pa ako tuluyang bumaba kumagat na naman ako sa chocolate at napapailing na lang sa akin si Shan.

***

THANK YOU FOR READING :))

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now