Kabanata Tatlumpu't Isa

126 9 13
                                    

Nakauwi na ako sa bahay sa kabila ng pag-iyak ko habang nagda-drive pauwi, buti na lang hindi pa ako nabunggo.

Kung iniisip niyo na hindi na naman ako pinigilan ni Venn, mali kayo, pinigilan niya ako pero hindi ako nagpapigil.

“Missy, let’s talk” nahatak niya pa ako bago ko tuluyang mabuksan ang pinto ng kotse.

“Bakit iniwan mo ang ex mo don sa taas, wag mo siyang iwan, di’ba mas iniisip mo yong kapakanan niya kesa sa akin?”

“Missy, namisinterpret mo lang ang mga bagay,”

“Ako ang mali? Mas matino pa nga ako mag-isip kesa sa ibang tao eh, kasi kung hindi ko lang inisip na edukada akong tao, baka kinaladkad ko palabas yong babae na yun, baka nga hindi lang yon ang magawa ko sa kanya, baka napatay ko pa kayong dalawa, kaya please…” tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. “Bitiwan mo ang braso ko bago pa tuluyang magdilim ang paningin ko at masaktan kita,”

Tiningnan niya ako sa mga mata at tinanggal niya ang kamay na nakahawak sa braso ko, napabuntung-hininga siya bago magsalita, “Mag-usap tayo kapag nabawasan na yang galit na nararamdaman mo,”

Nang muli kong maalala ang scenariong naabutan ko sa condo ni Venn ay bigla na naman akong naiyak, buti na lang at I Gave My First Love To You ang movie na nasa screen ng tv at hindi ako masyadong mahahalatang nagdadrama dito,

“Baby,” napalingon ako sa likod at nakita ko si Mommy, agad kong pinunasan ang luha sa mata ko.

“Oh mommy, nandyan ka pala, bakit po?"

“It seems that you’re so busy reminiscing something, do you want to share it with me?”

“Nagrereminisce? Ako? Hindi Mommy, I’m watching…” tinuro ko pa sa kanya ang tv ”See?”

“See?” tinuro din ni Mommy ang tv na nagcause para titigan kong mabuti ang screen para makitang tapos na pala ang palabas. “Kanina pa ako kumakatok sa pinto ng kwarto mo, at hindi mo ako pinagbuksan, kanina pa din ako nakatingin sayo at nakita ko kung paanong biglang lumungkot ang expression ng mukha mo sa kung anuman ang naalala mo, go on Baby, share it with me, what’s the problem?”

Niyakap ko si Mommy at umiyak ako sa balikat niya, ang sakit-sakit na kasi eh, bakit kasi ganito? Ngayon lang ako nagmahal tapos ganito pa nangyari sa akin, magmamadre na lang ako!

Ay hindi pala, sayang ang ganda ko kung hindi ako magkakalahi.

“Shhh.. baby, okay lang yan, maaayos din kung anuman yang problema mo,”

Umiyak lang ako ng umiyak kay mom, siguro tumagal kami ng fifteen minutes na ganun, bago ko tuluyang kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya.

“I guess mas okay ka na ngayon, ano ba talagang nangyari? Come on, tell me,”

“Break na kami ni Venn at sa tingin ko mom hindi na kami magkakabalikan pa,”

“Ano bang dahilan at naghiwalay kayong dalawa?”

“Nakita ko siya kanina, kasama niya yong ex-girlfriend niya,” kumuha ako ng tissue at pinunasan ang pisngi ko, hindi na ako iiyak, tama na yun! Ano siya siniswerte, mahal kaya sa market yong luha ko pag binenta.

”Baby, ex-girlfriend niya naman pala yong kasama niya, wala kang dapat ipag-alala kasi Ex niya na yun, ibig sabihin non tapos na sa kanilang dalawa ang lahat.”

“Mom, may nakalimutan ka, EX niya na lang din ako ngayon,”

“Kahapon lang kayo naghiwalay Baby, mahal ka pa din ni Venn, at alam ko yun kahit tanungin mo pa si Daddy mo,

“Kung mahal niya ako, hindi sana sila magkasama ng ex niya na yun,” inuna niya pang makipaglandian dun kesa makipag-usap saken para ayusin ang problema sa pamilya niya.

“Baby, lahat ng relasyon dumadaan sa pagsubok, mag-usap kayo ni Venn, hindi naman dahilan ang problema para maghiwalay kayong dalawa. Ayusin niyo yan.”

“Sana Mom, ganun lang kadaling ayusin ang mga bagay-bagay.” Sana kaya ko lang din kalimutan kong ano yong nakita ko, edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon.

“Maayos din yan,” tumayo na si Mommy at tinapik ako sa balikat. “Matulog ka na, ilang oras ka nang nakababad kakapanood dyan, sigurado namang hindi mo din yan naiintindihan.”

*********************

Mukha akong ewan >///<

Sorry kung mataga l ang update tapos yan lang ang nakayanan :(

inaayos ko na yong Story ni Shan at Juls. Nahihirapan ako isabay yong kay Missy kasi iba talaga siya dun sa dalawa. Kaya napagdesisyunan ko, TATAPUSIN KO NA MUNA TO, BAGO AKO MAGPROCEED dun sa dalawa . Bawi na lang ako next Chapter :)))

Thank you for Reading <3

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now