Kabanata Dalawampu't Isa

131 12 8
                                    

Dedicated kay B2 xD kasi naman, natouch ako sa comment niya sa Engagement ring XD .. Thank you :* Love ko talaga kayong mga friends ko hirr sa wattpad at sa TW :))

**********************************

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mata, gumalaw ako para magtalukbong ng kumot nang bigla kong maalala ang nangyari sa amin ni Venn, pakiramdam ko pumula ang buong mukha ko, naglalaro kasi sa isipan ko ang mga pinagsaluhan namin kagabi.

Halos limang buwan na din pala ang nakakalipas magmula ng may mangyari sa aming dalawa at ngayon na lang ulit, napapaisip tuloy ako kung paanong pagtitimpi ang ginagawa niya para hindi pagnasaan ang ganitong kagandahan

Okay ang yabang na!

“Hmmm…” si Venn,

Hinapit niya lang ako palapit sa kanya tapos niyakap niya ako, yong yakap na parang ayaw na akong pakawalan.

“I love you Venn,” sabi ko habang hinahawi ang buhok niya na tumatakip sa mata niya

Dumilat siya at ngumiti sabay sabing “I love you too Glance,” akala ko tulog pa to, gising na pala.

Hinampas ko nga siya, “Gising ka na pala, papikit-pikit ka pa dyan,”

“Syempre, gusto pa kita mayakap ng matagal,” siniksik niya yong mukha niya sa pagitan ng leeg ko at nang balikat ko.

Ang saya ko lang, parang walang mapaglagyan, kumuha nga kayo ng tabo dun isahod niyo lang.

Sana araw-araw ganito kami ni Venn,

Pero hindi yong lovemaking tinutukoy ko, tinutukoy ko yong laging masaya at lagi siyang sweet sa akin.

Sa sobrang pagod na din siguro dahil sa ginawa namin kagabi, nakatulog ako ulit.

Paggising ko nakahanda na ang TANGHALIAN at kumain kami ni Venn,

Tahimik lang siya, hindi siya masyadong nagsasalita ngayon, kinakabahan tuloy ako. Kanina nong nagising ako ng umaga, ang sweet-sweet niya pa sa akin tapos ngayong kumakain wala naman siyang kibo.

We watch television after eating, tapos nong bumaba na yong kinain ko, nagpunta akong restroom.

Hindi para dumumi ah, maliligo ako, naisip ko kasi baka kaya hindi ako nilalapitan ni Venn ay dahil iba na ang amoy ko.

Pero alam ko talaga kahit sampung araw pa ako hindi maligo, mabango pa din ako.

Di kaya naglilihi na agad si Venn? AHAHAHAHAHAHA Joke lang!

MALILIGO NA NGA AKO DIBA?

Siguro 45-59 minutes ang inabot ko sa banyo, feel na feel ko lang lumangoy sa tub ni Venn, mas malaki pa tub niya kesa sa tub ko sa kwarto ko eh.

Naimagine ko nga kanina, paano kaya kung doon namin sunod na gawin IYON? ^___^

Paglabas ko ng restroom wala siya sa kwarto, nag-ayos lang ako and then lumabas na ako ng kwarto.

Pagtingin ko nakaupo lang siya doon sa sofa at still watching, nakalimutan kong dun ko nga pala siya iniwan kanina.

“It seems that you are more interested in the movie and not in your girlfriend…” sabi ko at pumasok ako sa kwarto para kunin yong mga dala kong gamit.

Dumaan na ako ulit sa harap niya, pero yong loko mukhang walang balak na pigilan ako.

Nakakainis naman eh!

Pagkatapos may mangyari sa amin, gaganituhin niya na lang ako?

Kanina pa ako naiinis pero di ko pinapahalata, nanood kami ng tv, pero hindi niya ako kinikibo kaya naligo na lang ako, tapos paglabas ko ganoon pa din?

NAKAKAINIS!

“Uuwi na ako sa bahay, baka pansinin ako ng mga kaibigan kong langgam, o kung busy man sila dahil malapit na ang tag-ulan, mga katulong na lang kakausapin ko,” nakahawak na ako sa doorknob, aba’t wala talagang balak pigilan ako? “Bye…”

Humawak pa ako ng matagal sa doorknob,

So ganun na lang?

Ayaw niya ng onenight stand?

Gusto niya, two nights sit?

---- pwede naman akong mambitin diba?

Tingin niyo? Two nights sit ba gusto ni Venn? xD

hahahahaha! Ang totoo niyan, ngayon lang ako sinapian ni Missy simula ng bakasyon, kaya mukha talaga akong ewan ngayon.

Natatawa ako mag-isa sa natype ko, Atleast may natawa diba?

MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE *fin*Where stories live. Discover now