Chapter 29

2.1K 74 4
                                    

Ilang araw na siyang nakaratay sa ospital na tila ba may karamdaman siyang malala eh daplis lang naman ng bala ang tama niya eh, at malayo sa bituka yon!

"Balak mo bang dito ako patirahin ha? Ano ka ba?! Keliit-liit ng sugat ko oh, mukha ba'kong natetano, ha?" Pag-sesermon niya sa taong tuod na prenteng naka-upo sa couch sa loob ng private room niya, habang nagbabasa pa ng diyaryo.

Napabuga siya ng marahas.

Kita mo lang ang lalaking 'to.

"Hoy kinakausap kita."

"Quiet." Sabay lipat ng pahina ng diyaryo.

Aba't talaga namang--

Napasimangot na lang siya at humalukipkip.

Maingat siyang sumandal upang hindi mabinat ang kaniyang sugat na ngayon ay may benda na.

"Careful. Let me help you." Nagulat siya nang nasa tabi na niya si Mr. Laxel at inalalayan siyang makasandal sa inclined hospital bed.

"S-Salamat." Awkward niyang pasalamat dito.

"You need a lot of rest before I'll let you out from here." Seryosong saad nito habang nakapamulsa.

"Ano? Eh magaling naman ako ah. Tsaka pwede namang sa bahay na lang ako magpahinga, diba?" Hirit niya.

"No."

Napasimangot siya. "Bakit ba?"

"You're still not safe outside."

At doon siya napatahimik. Pagkatapos ang nangyari kanina nawalan siya ng malay at nagising na lang na nasa ospital siya. Pero hindi pa niya naitatanong kung ano ba talaga ang nangyari. Ni hindi siya pinalabas ng kaniyang silid.

"Ahm, boss, alam mo na ba kung sino ang bumaril sa'kin at nagtangkang kidnappin ako?" Mahinang tanong niya dito.

Hindi ito umimik pero maya-maya sumagot ito.

"Not yet."

Napabuga siya ng marahas. "Ano bang kasalanan ko? Wala naman akong ginawang masama ah."

Sandali siyang nag-isip kung sinu-sino ang posibleng gumawa nun sa kaniya.

"Aha! Alam ko na kung sino." Maliwanang ang mukha niyang anunsyo kay Mr. Laxel.

Bahagyang nangunot ang noo nito na parang nagulat.

"D-do you?"

Tumango siya. "Sila yung mga kengkoy kong kalaban na nakaaway ko noon sa kalye. Sigurado ako, sila yun eh." Confident niyang sabi.

"Grabe, lumevel up amputa. May pa-baril at van na sila ngayon. Tapos ano? Hihingi sila ng ransom? Duh! Kahit piso di ko sila pagbibigyan, ano. Yawa."

Muli niyang nilingon si Mr. Laxel upang tignan kung sang-ayon ba ito sa kaniya, ngunit naabutan niya itong nakatingin sa kaniya ng walang buhay.

"Rest." Iyon lang ang sabi nito.

Aba, sa kinahaba-haba ng sinabi niya iyon lang ang isasagot nito? Punyetang lalaki talaga to.

Tinignan niya  lang ito ng masama at inirapan.

Pero bahagya siyang napapisik nang inilapit ni Mr. Laxel ang katawan nito sa hospital bed. Gazing her with his thunderous dark pair of orbs.

"A-ano yun?" Napaatras ang kaniyang ulo nang makitang napakalapit ng mukha nito sa kaniya.

"You," He paused and stare at her with blank expression, but turned out like a demon seeping through the depth of her soul. "need to be careful."

Master of Assassins (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang