Chapter 20

2.4K 90 1
                                    

Dahil sa pangyayari sa kanilang university, sinuspende ng ilang araw ang klase. Naging headline pa nga ng mga balita ang insidente sa paaralan.

Kaya naman, malaya siya sa mga agilang mata ng kaniyang mga kaibigan. Sinulit niya ang pagkakataong wala silang pasok sa pagtatrabaho sa office ni Mr. Laxel. Kasi naman, aba syempre dahil may sweldo nga.

"Boss! Pwede bang isa-isa lang?? Memory full na ang utak ko sa dami mong utos!" Yamot na reklamo niya sa taong-bato niyang boss.

"No."

Konti na lang, konting konti na lang at mabubugahan na niya ng apoy sa pwet tong lalaki na to.

Napatapik siya ng sariling noo sa sobrang pagtitimpi at nagmamarchang bumalik ng kaniyang mesa. Pinagdadampot niya ang ilang makakapal na folders na kailangan niyang ihatid sa iba't ibang departamento.

Halos matakpan na ang mukha niya sa kapal at dami ng mga folders habang naglalakad patungong pintuan.

Pero bago niya buksan ang pinto, ay tumigil siya at hinarap si Mr. Laxel na ngayon ay nakapatong ang mga paa sa ibabaw ng mesa nito at may binabasa na naman.

"Mr. Laxel," sita niya. Nag-angat naman ng tingin ang huli. "Maghintay ka lang. Matitikman mo rin ang batas ng isang api." Pagbabanta niya dito kahit hirap na hirap na siya sa pagbubuhat.

Pagkabalik niya sa opisina ng mabait at walang kasing bait niyang boss, kinakapos na siya ng hininga at pinagpapawisan siya ng bonggang-bongga.

Handa na sana siya sa pagsita dito nang maabutang walang katao-tao sa loob. Tunog lamang ng aircon ang nag-iingay.

"Aba naman, natakot ata sa banta ko at sumibad ang mokong." Napangisi siya at paika-ikang lumakad pabalik ng kaniyang mesa.

Pero natigilan siya nang may nakita siyang isang pirasong papel na inipit sa ilalim ng laptop, at may nakasulat doon na pinakamagandang penmanship na nakita niya sa kaniyang tanang buhay.

Nakukunot ang noong binasa niya iyon.

Ms. Gladiola,

Go home.

Mr. Chamber Laxel

Napasinghap siya sa nabasa.

At talagang nag-effort itong mag-sulat para lang pauwiin siya ha.

Napangisi siya.

Ha! Ako, papauwiin niya? Para ano? Para konti lang sweldo ko? Curse his bare posterior!

Dahil isa siyang mabait na bata, syempre hindi niya ito sinunod. Umupo lamang siya sa kaniyang mesa at inaksaya ang oras sa pagsu-surf sa social media.

Mga ilang minuto siyang prente na nakaupo sa kaniyang pwesto at sumasakit na ang tiyan niya sa kakatawa sa pinapanood, nang biglang may bumalibag pabukas ng pinto kaya muntik na siyang mahulog sa kinauupuan.

"Mom, I told you it's not really neceㅡ what the fvck are you still doing here?!"

Naputol ang sinasabi ni Mr. Laxel sa kinakausap nito nang makita siyang naka-indian sit pa sa upuan niya.

Bumuka ang bibig niya upang sasagot sana..

"And why are you exposing that? Wear your coat!" Singhal nito sa kaniya na ang tinutukoy nito ay ang sleeveless na panloob niya dahil hinubad niya ang kaniyang coat dahil pinagpapawisan siya kanina.

"A-ano kasi..."

"What's going on? And why the heck are you yelling, son?" Sabad ng isang boses babae.

Master of Assassins (Completed)Where stories live. Discover now