Chapter 3

3.3K 104 0
                                    

Naiinis siya. Wala siyang alam sa kung ano ang gagawin. Di niya alam kung paano niya makukumbinsi ang administrator nayun! Basta iyon lang ang binigay sa kanyang kondisyon at wala nang iba pang eksplinasyon ang dean.

Pagkalabas ng kaniyang bahay, ay agad nang nakaabang ang van ng kanilang university upang maghatid sa kaniya dun sa Laxel Corp.

"Kuya tara na po." Sabi niya sa driver na nakatambay sa gilid ng van.

Binigyan lamang siya ng maikling tango bilang sagot at pumasok na ito sa van.

Psh. Pati driver ng university mukhang terror! Sabagay, mana mana lang naman yan.

Lihim siyang napahagikhik sa naisip.

Hindi niya namalayan kung ilang minuto ang kanilang binyahe dahil abala siya sa pagkabisado ng daan na tinutungo nila.

At hindi nagtagal, dumahan-dahan na ang pagtakbo ng van at lumiko sa kung saan.

Tumingin siya sa dinadaanan nila sa harap at nakita niya ang entrance ng isang building, at nakita ang mga abalang nakunipormeng empleyado na labas-pasok sa building.

Napagtanto niyang ito na yun.

"Nandito na tayo, miss." Anunsyo ng driver.

She scoffed, as if she's asking if ocean was really made of water.

"How observant of you that I myself noticed that either. Thank you!" Sarkastiko niyang sagot dito.

Pigil niya ang tumawa ng malakas nang kumunot ang noo nito. Mukhang hindi siya nito naintindihan.

"Sige kuya, baba na ko." Sabay tapik sa balikat nito.

Hay, ito na yun. May misyon pa 'kong 'unidentified' na dapat gawin. Pasalamat kang dean ka next next week pa ang regla ko, kung hindi sunog tong pinapagawa mo sa 'kin.

Nang makababa sa van ay automatikong na napaangat siya ng tingin.

She has to work hard not to gape her mouth as she saw a tall, not just tall, a very tall building that overshadowed her place where she stood.

A building that you couldn't say 'basta-basta lang'.

From its outside in the entrance, there were two columns standing above the three to four steps cemented staircase which supported the first storey roof in front.

There were also beautiful and orderly landscape plants from both sides of staircase that were neatly shaped. As she slowly stepped closer, she noticed that the entrance door were made of transparent look glass, and was awed when she learned it was functioned by a sensor. That's why there were no hassle for the employees to push or pull the thing from going back and forth.

Also, the window glasses from top to second floor, she thought, caught attention of her eyes from the moment she stoop out of the vehicle.

There was also a steel made landmark named: LAXEL CORP placed above the entrance.

Oh ayan, hindi ka naligaw Yura. Nasa tamang lugar ka kaya pumasok ka na. Mukha kang engot diyan.

"Tahimik!" Singhal niya sa hangin nang marinig na naman ang munting tinig sa utak niya.

Nang marealise niyang nasambit niya yun ng malakas, nakita niya ang mga taong naglalakad sa paligid niyang nakatingin sa kaniya na para bang may apat siyang ulo..

Napakamot siya ng batok sabay pasimpleng kinatok iyon.

Tumahimik kang demonyo ka! Suway niya dito ng 'tahimik'.

Napatingin ulit siya sa building sa harap at nanliit ang mga mata niya.

"Let's get this over with."

**

Master of Assassins (Completed)Where stories live. Discover now