Chapter 38

1.7K 57 0
                                    

Madaling araw pa lang, lahat ng mga tauhan ng Black Snipes ay gising na gising sa nakakagulantang na balita.

EMMA MELYS was found DEAD.

Nang marinig niya iyon ay wala siyang naging reaction kundi ang matulala. Ni wala siyang mahagilap na sasabihin.

Kung siya ay tahimik lang, Bei became hysterical as he heard the news. Nagwala ito ng sobra. Hindi maiguhit ang mukha nito sa pagwawala at hindi pa rin makapaniwala na patay na ito.

"Damn it! Bring her corpse here!" Nanlilisik ang mga matang utos niya sa mga tauhan.

Hindi magkandagaga sa pagsunod naman ang mga huli.

Umupo si Bei sa isang silya na mabilis ang paghinga, hindi dahil sa masama ang pakiramdam, kundi sa pagpupuyos at pagtitimpi.

Nakatayo lang ang natitirang myembro sa silid at naghihintay ng tamang balita.

"No way, no way... No way!" Yan ang paulit-ulit na sambit ni Bei habang naka-upo at sinasabayan pa ito ng mura.

Hindi nagtagal ay bumalik ang iilang mga tauhan ng Black Snipes at nagmamadaling pumasok habang may bitbit na cadaver bag.

Nakita niya ang pagtayo bigla ni Bei sa kinauupuan at pinagtulukan agad ang mga taong nagbibitbit nito nang mailapag ang malaking bag sa sahig.

Nanginginig ang mga kamay na binuksan nito ang cadaver bag. Hanggang sa nalantad ang ibabaw na bahagi ng katawan at agad na napalayo si Bei na nahihintakutan.

"NO! No fvcking way! NO!" Hysterical ulit nito.

Lumayo pa siya ng konti upang manghagilap ng mga kagmitang ihahagis.

Hinayaan lang siya ng mga myembro sa ganung sitwasyon. Sa halip, lumapit na lang ang mga ito sa cadaver bag upang sumilip din.

Napailing-iling na lang si Sofi habang kita ang pangamba sa mukha nito. Ang ilang mga natitirang kalalakihan naman ay kunot ang mga noo at seryoso ang mga mukha.

Maliban kay Gin. Walang ekspresyon ang mukha nito habang sinusuri ang malamig na bangkay ni Emma. Iba ang kislap ng mga mata nito, tila nasisiyahang wala na si Emma.

Bahagyang kumunot ang noo ni Yura habang nakatingin kay Gin.

Ito kaya ang pumatay kay Emma?

Pero bakit naman nito gagawin iyon kung alam niyang ganun ang magiging reaksyon ni Bei?

Pasimple niyang ipinilig ang ulo saka nakiusyuso rin sa cadaver bag.

Dahan dahan siyang sumilip.

Pero muntik na siyang maduwal nang makita ang bangkay.

Lasug-lasug ang katawan nito at halos mahiwalay ang kabilang buto ng balikat nito sa katawan. Basag ang bungo sa ibabaw na parte at may preskang dugo at laman pang lumalabas mula doon. Hindi na rin halos makilala ang mukha ni Emma dahil sa pagdeform ng bagang nito at nakatabon na agsik ng dugo. Pero dahil sa damit na suot at sa malaking pilat sa pisngi, ay makokompirmang si Emma nga iyon.

Sa nakikita niya, parang may sumagasa dito dahilan kung bakit ganun ang ayos ng katawan nito. Ang mas nakakapatindig pa ng kaniyang balahibo ay ang dilat pa nitong mga mata.

Napangiwi siya. Parang babaliktad ang kaniyang sikmura.

"All of you get out! OUT!" Sigaw ni Bei sa kanilang lahat habang dinuduro pa sila.

Hindi na sila nagdalawang isip pa at sinunod ito.

Doon muna sila pansamantala nanatili sa gilid ng dock kung saan naka-park ang iilang sasakyan at bigbike ng mga myembro.

Master of Assassins (Completed)Where stories live. Discover now