Chapter 12

2.6K 87 0
                                    

If you reach on that part, I have to warn you.

WARNING: This chapter may contain a violent scene that readers might find disturbing.

**

Nang sumunod na araw ay halos hindi niya maigalaw ang katawan dahil sa sobrang pananakit nito. Lalo na ang mga paa niyang parang inipit sa metal na sapatos ni lotus feet!

Thank you very much to her blasted arrogant boss.

At hindi lang yun. Ayaw pa niyang bumangon dahil antok na antok pa siya dahil sa pagod at dahil na rin gabi na siya nakauwi.

Grabe, first day niya sa pagiging 'private secretary' at parang binaliktad kahapon ang kapalaran niya at siya ang nadehado.

Punyemas na lalaking yon! May araw ka rin sa'kin.

Napangiwi siya nang abutin ang kaniyang bath towel na naka-hang sa dingding ng kwarto niya.

Kahit man lang angatin ang kamay niya eh pati buong katawan niya nananakit.

Frustrated na napahiga ulit siya sa kama. Ang lambot ng kaniyang kama at gusto pa niyang matulog. Pero umabsent na siya kahapon at hindi pwedeng hindi rin siya papasok ngayon. Paniguradong sunud-sunod na interrogation ang maaabot niya sa dalawang kaibigan.

Pilit niyang ikinilos ang katawan.

Nang makarating siya sa classroom nila, agad na nilapitan siya ng dalawang punctual niyang kaibigan habang nakapamewang pa.

"At saan ka nanggaling kahapon?" Striktong sita sa kaniya ni Jone. Nakataas pa ang isang kilay nito.

"Oo nga. Di ka man lang nagsabi sana hindi rin kami pumasok kahapon." Parang nagtatampo na giit naman ni Kane.

Imbes na ingusan ang dalawa ay napatawa na lamang siya.

Supportive talaga ng dalawang gago.

"Sus! Sabihin niyo na lang kasi na namiss niyo ko. Dami niyo pang rasones eh." Tatawa-tawa niyang sagot dito at sumandal sa upuan niya.

My God. Ayan na. Ayan na naman ang kaniyang antok. Nagsimula na namang bumigat ang mga talukap niya at papikit na sana siya.

Di mapigilang punain ito ng mga kaibigan.

"Hoy. Anong nangyari sa'yo? Ba't mukha kang stress na stress?" Buong takang tanong ni Kane.

Siya naman awtomatikong napaayos ng upo at marahas na pinilig ang ulo.

Tokneneng. Ibang klaseng torture naman 'to ngayong araw. Dapat hindi malaman ng mga kaibigan niya kung anong kabaliwan ang kaniyang pinasukan.

"Wala, wala. Eh nag-ML kasi ako kagabi at naabutan ako ng alas tres ng umaga." Palusot niya saka humikab.

"Psh. Yan! Mga kabataan ngayon puro ML na lang inaatupag." Aba, kelan pa nagkaroon ng words of wisdom 'tong si Jone? "Ba't di sila matulad sa'king kagandahan na tanging naging uso ngayon?" Okay, binabawi na niya ang sinabi.

"Anong usong kagandahan? Yung mukhang isda o yung puro highlights ang mukha?" Pabalang na sagot naman ni Kane kaya nakatikim ito ng instant bigwis mula kay Jone.

Natawa siya sa dalawa at iiling-iling na tumayo sa kaniyang upuan saka nag-inat.

"Oy, punta lang ako ng cafeteria. Nagugutom ako." Paalam niya sa dalawa, na ngayon ay nagbabangayan na naman, at derecho nang lumabas ng kanilang classroom.

Master of Assassins (Completed)Where stories live. Discover now