Chapter 15

2.4K 86 0
                                    

May nilagay po kong image diyan sa taas. Para mas maimagine niyo kung ano ang sasakyan ni Mr. Laxel hehe

**

"Hop in! Quick!"

Automatic na napatigil siya sa pagtakbo at gayon rin ang sasakyan. Lumikha ng malakas na tunog ang biglaang preno nito.

"Mr. Laxel??"

Malalaki ang mga mata niyang sabi nang makita ang lalaki sa driver's seat.

"I said hop in! Now!"

Siya naman ay hindi nagpatumpik-tumpik pa ay mabilis pa kay Flash na lumundag sa loob ng sasakyan. Sakto namang pagkapasok niya ay bigla na namang may nagpaputok.

BANG! BANG!

Napayuko siya at nagtakip ng tenga.

"Lintek! Ano bang problema ng mga yun?" Inis niyang tanong habang linilingon ang nakasunod na mga motor.

"They're after me." Kalmadong sagot naman ni Mr. Laxel na abala sa pagda-drive.

Tinignan niya ito ng walang buhay.

"Ay hindi halata. Baka gulong mo habol nila?" Sarkastikong gatol niya dito.

Hindi sumagot si Mr. Laxel. Palipat-lipat ang tingin niya sa rear at side mirror.

"What about those men?"

Kumunot ang noo niya. Tumango ang ulo nito na parang may tinuturo sa harap.

Ah. Ang mga humahabol sa kaniya. Tumatakbo pa rin ang mga ito at siguro nakita nilang sumakay siya sa sasakyan ni Mr. Laxel kaya ang sasakyan na naman ang hinahabol nila. Sa dami ng mga ito ay hinaharangan nila ang dinadaanan nila. Pero syempre, si Mr. Laxel ba naman kaharap mo, siya pa ba aatras?

Ni hindi nga bumagal ang pagpapatakbo nito ng kaniyang Lamborghini Murcielago LP640. Wala itong pakealam kung may masasagasaan man.

"Ewan ko sa mga yan. Bored ata sa buhay at ako ang pinagtripan." Balewalang sagot niya saka pinatong ang kaniyang mga paa sa dash board.

"Put down your feet! I don't wanna see some dirt on my car." Angal nito sa kaniyang inakto.

Napasimangot naman siya.

"Oo na. Fine." Ang OA.

Napangisi siya habang nadadaanan nila ang mga kalalakihang humahabol sa kaniya. Para silang mga zombie sa Train to Busan. Nakita pa niya ang lider ng mga ito na napasabunot ng sariling buhok sa sobrang frustration.

Napatawa siya ng mahina.

Nakalampas na sila sa kaniyang kalaban. Ang problema na lamang nila ay ang mga humahabol na mga motor kay Mr. Laxel. Panay pa rin ang pagpapaputok ng mga ito sa kanila.

BANG! BANG!

Siya naman ay may naisip na ideya.

"Sir, iliko mo diyan." Sabay turo sa extension way ng eskinita na pakanan.

"And what for??" Inis na sagot naman ng huli.

Umirap siya sa hangin.

"Kalma ka nga. I'm just saving your ass."

"Watch your language, Ms. Gladiola." Matigas na suway nito.

"I can't. I'm watching our way, sir." Banat niya dito.

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon