Chapter 81

254 7 18
                                    

Sumalubong sa akin ngayon sa class room namin ang mga barkada ni kuya si miko lang ang wala. Na pinagkakaguluhan si april. Anong meron?

Nang mapansin nila ako ay sa akin na napunta ang lahat ng atensyon nila.

"Ba-bakit?" I ask

Pero mga masasamang tingin ang binato nila sa akin. Kinakabahan ako dahil sa inaasta nila sa akin ngayon.

Ng makita ko ang mukha ni april na naiyak. Ngunit may kakaiba sa pagiyak niya.

Ang unang lumapit sa akin ay si kuya alex.

"Bakit mo naman iyon nagawa kay april? Alam mo naman nangyari sa kanya diba pero bakit, bakit kailangan mo pang gumanti. Pwe-pwede mo namang sabihin sa akin eh. O sa akin ka nalang gumanti" anong ibig sabihin ni kuya? Hindi ko siya maintindihan.

"Ano naman pinagsasabi mo kuya?" Nagtatakang sabi ko sa kanya ng bigla namang umepal si nickol.

"Wag kanang tumanggi alexa, kitang kita ko ang ginawa mong pagmamalupit kay april kanina. Hindi porket kapatid ka ng jowa niya ay magagawa mo na ang kahit ano sa kanya. How patetik" nakangising sabi niya sa akin. Eh siya pala yung tanga eh wala naman ako dito kanina.

"Saglit lang, ano?! Pagmamalupit kay april kanina? Eh ni hindi ko nga siya nakikita. Tas yan sasabihin mo sa akin? Okay ka lang ba?" Pagtatanggol ko sa aking sarili. At sabay baling ng aking atensyon kay kuya.

"Kuya naman diba nag paalam ako sayo kanina na pupunta ako sa park. At hineram ko pa tong camera sayo ah" para ako ngayon nagmamakaawa sa atensyon niya. Ngunit ano nga ba aasahan ko sa kanya? Hindi lang sa kanya kay jiro at kay eightan na ngayon ay hindi makatingin sa akin.

"Ha? Camera, eh kay april yan eh yan yung dinala niya kanina, na inagaw mo lang sa kanya" bakit ba siya laging nangengelam. At hindi manlang makielam yung iba? Siya lang ba yung may karapatan mag salita dito?

"Saglit nga lang, bakit ikaw yung nag sasalita dyan ha? Eh si kuya ang kausap ko! At isa pa hindi porket may nangyari sa kaibigan ninyo ay pagbibintangan ninyo kaagad ako" naiinis na ako sa pinagsasabi niya. Ang sarap niya ingudngud sa kumukulong tubig ay!!!

"Pati isa pa may ebidensya ba kayo na nakipagkita ako sa kanya at may ginawa akong masama sa kanya?" Paghahamon ko sa kanya. Ngunit nagkamali ako ng makita ko ang biglang pagngisi ni april. Wag mong sabihing.

"Eh? Ebidensya lang naman pala eh sure, pwedeng pahiram muna ng camera ni april" nakangiting sabi sa akin ni nickol. Hindi na ako nag taka pa at kinabahan. Alam ko na.... pinalano nila ito. Sino pa ba, edi ang magkaibigan na ubod ng sama.

May hinanap siya sa camera at ng makita niya ito ay iplinay niya at pinakita niya ito sa amin. How stupid, sino naman ang nakuha nila para gayahin ang likod ko at pananamit ko ngayon para umakting sa kanilang munting palabas?

Hindi naman maniniwala si kuya duon diba? Kilala naman ako ni kuya? Di.....ba? Ngunit lalo nang sumama ang tingin niya sa akin. At duon ko na naramdaman ang sakit. Bakit ganan ka kuya?

"Hindi ko aakalain na mag sisinungaling ka ng ganito sa amin. Hindi mo naman kailangan mag sinungalin alexa eh kung sinabi mo lang yung totoo" mula sa kanyang mga labi. Napatulala ako, ng biglang sumigaw si april kaya agad siyang nilapitan ni alex.

"A-anong nangyari?" Natatarantang tanong ni kuya.

"Nako lumalala na ang pagdurugo ng sugat niya sa kanyang binti" sambit ni nickol habang tinuturo ang binti ni april.

"Kaya mo bang tumayo?" He asked. Ngunit umiling lang si april at parang naluluha na sa sakit. At duon na nabaling ang atensyon niya sa akin. Puno ng galit at parang gusto na niya akong masaktan.

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon