Chapter-23 (JUST SAYING THANKS)

533 31 1
                                    

(SAM)

Naka balik na si nurse pom at may binigay siya sa akin.

"Ano po ito?" tanong ko sa kanya.

"Salamin iyan isuot mo nga kung tama yung grado" sabi niya kaya sinuot ko ito at nag mulat pikit ako hmmmmm.... malinaw ayos lang sakto.

"Ayos po. saan po ninyo nakuha ito?" tanong ko sa kanya.

"Heram lang yan kay nicko" sabi niya sa akin.

Paano naman nalaman ni nicko na kaylangan ko ng salamin.

"Paano po nalaman ni nicko na kaylangan ko po ng salamin?" tanong ko kay nuras pom.

"Nag tanong kasi ako sa class room ninyo kung may extra salamin sila na mataas yong grado eh yon si nicko meron kaya pinaheram niya sa akin" sabi ni nurse pom.

Mukhang mag kakautang pa ako ah, hay......

"Nurse pom nasayo po ba yung bag ko po?" tanong ko sa kanya.

"Ah wala eh" sabi niya sa akin.

Hmmmm.... mukha naiwan ko kay manang yung bag ko ah.

Bat ganon yung gamit ko na alala ko pero yung nang yari sa akin kanina hindi ko malala.

"Baka mamaya maalala mo na ang nangyari sayo kanina" bigla sabi ni nurse pom sa akin na nasa unahan ko na pala.

Nag kwentuhan lang kami na nag kwentuhan tungkol sa akin.

Ng mag 4:00 pm na ay nag pasya na ako umalis na at pumunta kay manang para kunin ang bag ko. ng may napansin ako na wala pala ako suot na pang itaas kaya agad ko kinuha yung kumot na nasa may higaan at tinaklob sa katawan ko.

"NURSE POM!" sigaw ko sa kanya kaya napatakbo siya sa akin.

"Ano iyon?!" tarantang tanong ni nurse.

"Ba-bat wa-wala ako damit?" Nangangatal na tanong ko sa kanya.

"Hay nako po sam ang tagal tagal natin nag usap ngayon mo lang napansin!" Galit na sabi ni nurse sa akin. Abay malay ko ba kung bakit hindi ko napansin kanina.

"Bakit po pala wala ako damit? tas bakit panay bondage ang aking katawan pati bat ang rami po na nasa may balikat ko po?"

"Nag kasugat ka kasi diyan kaya ginamot ko malala kasi ang natamo mong sugat bakit ka dinala dito kanina" sabi ni nurse sa akin.

"Ah ganon po ba. Nasaan po pala yung uniform ko po?" tanong ko sa kanya kaya binigay niya sa akin yung uniform ko kaya sinuot ko na ito at nag paalam na kay nurse pom.

Pumunta na ako sa canteen kay manang para kunin yung gamit ko tas pag nakuha ko na ang mga gamit ko ay pupunta naman ako sa class room para mag pasalamat kay nicko at titignan ko kung nasa loob ba ng class room si ian.

-------------

(CANTEEN)

Habang kinukuha ni manang ang aking bag sa kusina niya ay may bigla ako naalala kaya umupo ako at hinimas himas ang aking ulo.

Hmmmmm..... Aray sakit ng ulo ko ah.

"Sam!" sigaw ni manang at dalidali lumapit sa akin.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin.

"Ah oo ayos lang po ako" sabi ko sa kanya at kinuha ko kay manang yung gamit ko. inilagay ko muna ang mga gamit ko sa lamesa.

"Sure ka ayos ka lang ha?" ulit na tanong niya sa akin kaya tumango ako.

Ah ganon pala ang nangyari sa akin kanina naalala ko na.

Binitbit ko na ang aking bag dahil masakit kung ilalagay ko sa aking balikat mananakit ito.

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon