Chapter 41 (Day-16)

339 22 2
                                    

(Sam)

Nasa labas ako ngayon bakit?
Dahil nag hahanap ako ng trabaho ko hindi naman pwedeng wala ako trabaho edi wala ako makakain kung walang pagkain edi mamatay ako. No way hindi ako papayag na ganon. Kahit maliit yung sweldo keri na.

Nasa isang malaking school ako ngayon hindi ko nga alam kung ano school ito at bakit ako napapunta dito. Ang alam ko lang ay dinala ako ng mga paa ko dito. Kaya dahil gusto ko malaman kung ano ba meron sa loob ng school na ito at dito ako dinala ng mga paa ko eh baka may makukuha ako trabaho diba. Pero bat ba dito pa hehehehehe basta may makuha akong trabaho.

Tinignan ko sa may gate kung may nag babantay ba. lingo ngayon kaya walang mga estudyante napasok.

Ng wala naman ako nakita na nag babantay ay hindi ko na sinayang ang pagkakataon na makapasok ako sa loob.

"Ano ang ginagawa ng isa tagalabas sa loob ng school namin" Bigla ako nagulat at hindi ko alam ang gagawin ko.

"Ah eh.....Sorry. Naligaw lang ako sige bye bye" Pagdadahilan ko lalabas na sana ako ng bigla siya mag salita.

"Wag kang tatakas" Bigla ako napatigil sa paglalakad at dahan dahan humarap sa kanya dahil natakot ako sa sinabi niya. hindi ko alam kung bakit.

Bakit pa kasi pumasok pa ako sa loob ng lintik na school na ito.

Dahan dahan ako tumingin sa mukha niya.

"Eh ikaw?!" Nagulat ako ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.

"Ikaw yung tinulungan ko noong isang araw na napagkamalan ko pulubi ah!" Tinuro ko siya at gulat na gulat ako ng makita ko siya.

"Eh? Ikaw pala yan. Ano ginagawa mo dito. Siguro sisingilin mo ako duon sa tulong na ginawa mo saakin no!" Sabi niya sa akin.

"Mukha ba ako pera ha!" Nang iinis ata ang isang to ah.

"Hindi naman"

"Tsk....Sige na aalis na ako" Pagpapaalam ko sa kanya.

"Ano ba pinunta mo dito?" Tanong niya sa akin kaya humarap ako sa kanya.

"Trabaho. Kaylangan ko ng trabaho" Deretsyong sabi ko sa kanya.

"Mukha bang may makukuha kang trabaho dito sa school namin"

"Nag babakasakali lang naman ako" Sabi ko sa kanya.

"May alam ka ba trabaho? Baka pwede mo naman ako tulungan" Desperada na talaga ako na mag karon ng trabaho kahit na hindi ko siya gaano kakilala. Mukha naman siya mabiit eh.

"Hmmm...... Dahil niligtas mo naman buhay ko. Maari naman kita tulungan" Mabiit naman pala siya.

"Itatanong ko kay ate kung pwede ka mag trabaho sa shop pala niya"

"Ano bang trabaho?" Tanong ko sa kanya.

"Cashier ka lang tas taga deliver ng order. May shop kasi si ate name ng shop niya ay mask coffee cake shop kakabukas lang nito noong araw na tinulungan mo ako. Kaya maaring pumayag si ate. So baka bukas pwede tayo mag kita dito para samahan kita sa shop ng ate ko?" Hala Napakabait naman niyang bata. Binigyan ko siya ng isang malaking ngiti yung tipong mapipilas na ang labi ko dahil ngiting ngiti ako.

"Okay!" Nakangiting sabi ko sa kanya. Hala Wait nga lang bukas???? Hindi ba acquaintance party namin yun.

Hala papaano yun....

"So bukas 3:30 pm dito sa school see you" Pagkasabi niya noon ay lumabas na siya ng school at ako naman ay napatulala ng maalala ko yung acquaintance party.

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon