Chapter-10 (OVER SLEEP)

626 29 1
                                    

(SAM)

langya naman oh pag minamalas ka nga naman lalabas nga lang ako ng cr may mababangga pa talaga ako bat kasi paharang harang.

Nasaan ba yung salamin ko, saan ba iyon tumalsik.

hinawakan ko ang sahig at hanap dito hanap duon.

Kainis saan ba yun tumalsik.

"Put*ng ina naman oh" Narinig ko sabi noong lalaki na nasa likod ko.

Hindi ko nalang ito pinansin at nag patuloy parin ako sa pag hahanap ng salamin ko.

"Hay nako po lintik ikaw nanaman langya naman oh" sabi ulit ng lalaki na nasa likod ko. Hindi ko masyado siya kita pero alam ko na lalaki siya.

Nasaan na ba yung salamin.

"Hoy!!!! Nerd hindi kaba mag sosorry ha!" sigaw niya sa akin.

Hindi ko parin siya pinapansin dahil abala ako sa pag hahanap ng salamin ko.

"Abat langya to ah kinakausap kita. Tsk eto ba hinahanap mo?" tanong ng lalaki na nasa likod ko kaya agad ako tumingin sa kanya, Hindi ko masyado kita pero alam ko na salamin ko ang hawak hawak niya.

Kukunin ko sana sa kanyang kamay yung salamin ko ng bigla niya ito itaas para hindi ko ito makuha.

"Uy akin na yung salamin ko" sabi ko sa kanya sinusubukan ko ang makakaya ko tumalon para kunin yung salamin ko pero hindi ko ito makuha dahil hindi ko masyado kita yung salamin ko.

"Langya naman miko ay epal ka talaga" narinig ko sabi noong lalaki duon sa isa.

"Ewan ko sayo jiro" sabi ng isang lalaki na bigla may naalala ako.

Jiro ha?????

"Miss nerdy"

Ah oo lintik ka hipon ikaw yung dahilan bat ako nag lilinis ng canteen at garden eh eto ang bagay sayo. Inapakan ko ang kanyang paa at saka ko kinuha ang salamin ko sa kanyang kamay.

Tsk.

Umalis na ako at sinuot na ang salamin ko

Kala mo kung sino, hipon na iyon.

--------

(JIRO)

Yan kasi napapala pag epal kasi eh.

"Ayos ka lang?" tanong ko kay miko na hawak hawak ang kanyang paa.

"HaHaHa Mukha ba ako ayos ha!" galit na sabi niya sa akin.

Abat nag mamalasakit lang yung tao no.

"Sa susunod kasi bro maging alerto ka Hahahaha, Sige bro maiwan na kita hahahha"

"Langya ka may nalalaman kapa pag tawa" narinig ko sabi niya. hindi ko nalang ito pinansin at pumunta nalang ako sa class room ko.

-----

(ROOM)

Nasa loob na ako ng room at umupo na ako sa aking upuan.

"Uy jiro"

"Oy eightan. kala ko absent ka" sabi ko sa kanya.

"HAHAHA Ayos na ako hindi na ako nilalagnat. Nakita mo pala si miko kanina ko pa kasi siya hinahanap eh?" tanong niya sa akin.

"Ah ayon ba, oo nakita ko siya nakagat nga siya ng unggoy eh" Hahaha

"Ha???? unggoy????, meron ba noon dito?" Nag tatakang tanong niya sa akin. talaga tong si eightan hindi mabiro.

"Oh ayan na pala yung nakagat ng unggoy eh" sabi ko at tumingin sa may pintuan ng room namin kung nasaan si miko, Kaya napatingin si eightan sa may pintuan.

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon