Chapter-37 (Day-12)

377 26 0
                                    

(Jayson)

Maaga ako nagising dahil mag luluto pa ako ng umagahan namin kaya naligo na ako at nag toothbrush pag katapos ay lumabas na ako ng aming kwarto ng magulat ako ng makita ko si nerd o sam. Minsan sam ang tawag ko sa kanya pero madalas ang tawag ko naman sa kanya ay nerdy or nerd.

Bat sa sofa siya natutulog?

Agad ko siyang nilapitan para gisingin at tanungin siya kung ano ginagawa niya dito at bakit dito siya natutulog.

Pagkalapit ko sa kanya ay may na amoy ako na parang sunog kaya mas lalo ako lumapit sa kanya kung siya nga yung naamoy sunog at oo tama ako siya nga yung amoy sunog.

Bat amoy sunog siya pati bat parang sinabunutan siya at ganon nalang kagulo ang kanyang buhok.

Ano meron?

Gigisingin ko na sana siya ng bigla naman siyang bumulong kaya mas lalo ako lumapit sa kanya kahit amoy sunog siya ay tinakpan ko nalamang ang aking ilong ng panyo ko at pinakinggan kung ano man ang binubulong niya.

"Ba-bakit mo n-naman kami i-iniwanan" Nauutal na sabi niya.

Nag sasalita pala siya pag tulog. hmmmmm... parang nangyari na ito ah... hindi ko lang maalala kung saan ba nangyari yun. basta ang alam ko na nangyari rin ito.

Tinig nan ko siya kung tulog nga ba siya baka naman kasi pinag tritripan niya ako at nag kukunwari na tulog yun pala hindi.

Nagulat nalang ako ng pagkatingin ko sa kanyang mukha ay may mga luha na sabay sabay na bumabaksak.

Sino kaya tinutukoy niya at ganon nalang kalala para siya ay umiyak habang tulog?

Nag taka naman ako ng bigla naman siya ngumiti at umimik nanaman.

"A-ah Ka-katulad karin pa-pala niya" bulong niya at mukhang pilit lang yung ngiti niya.

Saglit nga lang baka ako ay pinag tritripan nito ha.

Gigisingin ko na sana siya ng bigla may nag salita kaya agad ko hinanap kung saan nanggaling ang boses na iyon.

"Agang aga naman niyan jayson" Si eightan lang pala na mukhang kakagising lamang niya.

"Bat dito natutulog si sam?" Tanong ko sa kanya.

"Ah...eh" Nauutal na sabi niya sa akin.

Na mukha naman nag kukunwari na hindi niya alam.

"Sige..... Baba na ako mag luluto pa ako ng umagahan nating lahat" Sabi ko sa kanya at saka ako nag umpisa bumaba ng hagdanan at pumunta sa kusina.

----------

Habang abala ako sa pag luluto ay may biglang sumagi sa aking isipan.

Paano kaya kung malaman ni mama ang totoo?

---------

(Sam)

Nagising ako na napakasakit nang aking mga katawan dahil sa aking pag kakapwesto sa sofa kaya umupo ako ng maayos at kinusot kusot ko ang aking mga mata.

Nagtaka naman ako sa nangangamoy sunog kaya inamoy amoy ko kung saan ba nanggagaling ang amoy na iyon at yung buhok ko pala ang amoy sunog at tumigas na ito mukha tuloy ako bruha nito dahil sa tigas at ang gulogulo na ng aking buhok.

Kaya hindi na ako nag dalawang isip pa ay pumasok na ako sa kwarto namin para kumuha ng pamalit. hindi ko na kasi kaya yung amoy ko sobrang baho ko na talaga...

Pag kapasok ko ay narinig ko ang napakalakas na hagok hindi ko alam kung saan nanggagaling ang hagok na iyon kung kay jiro ba o kay miko o kaya kay eightan na wala na pala sa kanyang higaan.

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon