Chapter-21 (HINDI KO INAASAHAN)

504 29 1
                                    

(SAM)

Kakatapos lang namin kumain ng mag lunch na ang mga ibang estudyante, kaya sakto.

Nag paalam na kami ni ian kay manang at pumunta nang room, kasi busog na hehhhehe ng bigla mag paalam si ian na mag ccr daw siya kaya umuna na ako para bumalik sa room.

Malapit na ako sa room ng may biglang tumulak sa akin kaya napa upo ako sa sahig.

Langya naman oh! ang sakit ng puwetan ko buti naman at hindi nahulog yung salamin ko at nakakapit pa sa ilong ko.

Agad ako tumayo dahil pinag titinginan na ako ng mga ibang estudyante.

Habang tumatayo ako ay may tumulak nanaman sa akin pero hindi na ako napa upo dahil agad ko nailagay yung isa kong paa sa likod para hindi ako mapaupo ulit.

Tumingin ako duon sa kanina pang nanunulak sa akin.

Si zoe lang pala isa sa mga nang bubully sa school na ito, at minsan ako yung binubully niya katulad ngayon mukhang hindi naka inom ng gamot niya bat ganito siya.

"Tsk. hindi naman bagay sayo" sabi niya sa akin habang patuloy parin siya sa pag tulak sa akin. ano bang pinag sasabi nito langya naman ay.

tulak lang siya ng tulak sa akin syempre hindi ako pwede lumaban marami ang makakakita sa akin at maari malaking gulo ang mangyayari kung gagawin ko iyon.

"Na makakasama mo sila bakit!! bakit!!" Nanggigigil na sabi niya saakin at tumigil na siya sa pag tulak sa akin ngayon naman ay pinisil niya ng madiin ang aking dalawang balikat na inimoy kahit anong oras ay maari ito maduro.

"A-ano bang pi-pinag sa sa-sabi mo?" mahinang ngunit nangangatal na boses dahil sa sobra sakit na ng aking balikat.

Sh*t parang ang hapdi na.

Ba-bakit dumi dilim nanaman ang paningin ko wag mong sabihing......

---------

(NICKO)

"Nicko " napatingin ako sa aking gilid kung sino tumawag sa akin at si ken lang pala.

"bakit? " tanong ko sa kanya.

"Lunch na!, hindi kaba kakain?" sabi niya sa akin kaya tumayo na ako at sumunod sa kanila palabas ng class room.

Pagkalabas namin ay nakita namin na may nag kakagulo sa may sulok malapit sa class room namin kaya tinignan namin kung sino ang pinag kakaguluhan nila.

Hindi ko makita kung sino ba ang pinag kakaguluhan nila kaya umalis na ako at tinawag na si ken at si ranz.

Ng may marinig ako familiar na boses kaya agad ako bumalik sa pinag kakaguluhan at tinawag si ken.

"Oh ano yon?" walang ganang tanong niya.

"Isakay mo ako sa likod mo" nag mamadaling sabi ko sa kanya at wala pang sinasabi si ken ay sumakay na ako sa likod niya kaya nagulat siya pati si ranz na kanina animoy abala sa cell phone ay ngayon ay hindi mapakali dahil sa ginagawa ko.

"Pre ano ba yang ginagawa mo!" sigaw ni ranz saakin.

"Basta" sabi ko sa kanya at umayos na ako ng pag kakaupo sa balikat ni ken para tignan kung sino ba ang pinag kakaguluhan nila. hindi ko parin makita kaya pinalapit ko si ken sa mga maraming tao at para makita ko, Nang biglang nag hawi ang mga tao kaya nadali si ken at muntikan na ako mahulog ng dahil duon buti nalang at nahawakan ko ang ulo ni ken at nahawakan niya agad ako sa paa.

"Langya naman ay!" pag rereklamo ko at bumaba na ako.

"Langya kanaman nicko kala ko mahuhulog kana ay" sabi ni ranz sa akin.

"Ta!, tignan natin kung ano yung pinag kakaguluhan nila" sabi ko sa kanila at nag lakad na ako kung saan nagkakagulo.

"Bakit mo ba gusto makita kung sino yung nagkakagulo?" tanong ni ranz nakasunod sa akin.

"May masama kasi ako naramdaman duon sa pinag kakaguluhan"

sinundan namin si jayson at jaycob dahil sila pala ang may dahilan kung bakit nag hawi ang mga tao.

Nagulat ako sa aking nakita.

"SAM!" Sabi ni jaycob kay suplada na na naka handusay sa sahig at may dugo sa kanyang balikat.

Sinong walang hiya ang gumawa sayo niyan.

Napatingin ako sa mga tao malapit kay sam at may nakakuha ng aking mga mata isang babae may dugo ang mga kamay.

Wala ako sa aking sarili kaya nilapitan ko siya at kinuwelyo na kanyang ikinagulat.

"Ba-bakit ni-nicko?" nangangatal na tanong niya sa akin.

Handa na ang aking kamao para suntukin siya kahit babae siya ay kaya ko siyang suntukin ng may biglang nag salita.

"Tama na iyan!" kaya napatingin ako duon sa nag salita at si jayson lang pala binitawan ko na yung babae at tinignan ang kalagayan ni suplada na buhat buhat ni jaycob papuntang clinic kasama si ranz, ken at si jayson.

Sasama na sana ako sa kanila papuntang clinic ng maalala ko yung babae kaya binalikan ko siya at may sinabi ako sa kanya.

"Sasusunod na gagawin mo iyon kay sam sisiguraduhin ko hindi kana makakaligtas pa sa akin" pananakot ko sa kanya na kaniyang ikinatakot.

Saka ako umalis at pumuntang clinic.

-----------

(IAN)

Kaka galing ko lang sa faculty paano naman kasi pagkatapos ko bang mag cr naka bantay ba si miss A sa labas kaya nagulat ako tas may pinagawa sa akin.

Kaya papunta palang ako sa class room ng may makita ako nag kakagulo kaya tinignan ko kung sino ang pinag kakaguluhan nila.

Ng makita ko sino ang buhat buhat ni jaycob ay sinundan ko sila.

Anong nang yari sa kanya.

-----------

(ZOE)

tsk maswerte ka sam at may tumulong sayo kundi patay kana sana tsk.

Dahil sayo bakit nadumihan ang mga magaganda kong kamay.

Pumunta na ako sa banyo para mag hugas ng kamay masyado na kasing madumi ang mga kamay ko ng mga dugo  ng isang ahas na tulad mo sam.

------------

(JOYCOB)

Nag madali ako pumunta sa clinic gawa ni sam. Sobrang rami na ang dugong nawawala sa kanya.

Sobrang lalim kasi ang tusok na nasa balikat ni sam butas butas nga ang mga balikat niya hindi ko alam kung ano ginawa ng bruhang iyon kay sam at naging ganito ang kanyang balikat.

Malapit na tayo sa clinic sam.
kumapit kalang sam

To be continue......

----------

Vote and Comment😊

October 30 17

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon