Chapter-36 (Day-11)

681 30 6
                                    

(Sam)

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking laway kaya agad ko ito pinunasan at minulat pikit ko ang aking mga mata.

Nagtataka ako kung bakit ang labo ata ng aking paningin ay bakit naman pala eh wala pala ako salaman hay....

Nasaan ba salamin ko..

"Oh isuot mo"

"Ah salamat" sabi ko duon sa nag abot ng salamin ko kaya umayos ako ng aking pag kakaupo at saka ko isinuot ang aking salamin.

Nasaan ba ako... Kinusot kusot ko ang aking mata at minulat pikit ko ito.

"Oh e-eightan" Nagulat ako ng makita ko si eightan na nasa harapan ko pala.

"Nandito na tayo" sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa may bintana at wow nalang ang ganda ata dito ah.

Oo aaminin ko first time ko makapunta dito.

"Nasa loob na silang lahat kaya tayo na sa loob. Nanduon na din yung mga gamit mo" Sabi niya sa akin.

Umuna na siyang lumabas kaya sumunod ako

at.......

at.......

at..... What ang lamig wahhhh!!!!!.

Paano naman hindi ako lalamigin eh naka t-shirt lang ako at naka pantalon sino ba hindi lalamigin sa suot ko tas baguio pa hay jusko. Kahit kaylan sam napaka tanga mo.

Para ako robot kung mag lakad.

Hay ang lamig.....

"Oh" Sabi sa akin ni eightan at binigay niya sa akin ang suot suot niyang jacket.

"Eh.... Ikaw naman ang malalamigan" Sabi ko sa kanya at ibinigay sa kanya yung jacket niya.

"Nehhhh.... Sanay na ako sa mga malalamig" Sabi niya sa akin at inilagay sa aking balikat ang kanyang jacket at saka siya pumasok sa loob ng bahay ni jaycob.

Hay..... Nako iba na ang mayaman talaga ay....

Pumasok na din ako sa loob at mapapawow kanalang.

Mas malaki ang bahay nila dito kaysa duon sa isa bahay nila na tinulugan namin.

Dito kasi 4rth floor at may elevator duon naman sa tinulugan namin ay wala pati hanggang 2nd floor lang yun.

Ilang floor kaya yung bahay nila duon ba sa tapat ng school namin siguro 5th floor hayzzz.....

Ang swerte naman nila ang yaman nila ang talino nila tas ang gwagwapo pa eh ako ba.

Ahmmmmm......Talino lang hahhahahha...... Talino lang ang meron ako hahahah.

"Uy nerd ano tinatayo tayo mo diyan pumarini ka nga at tulungan mo ako dito" Bigla ako natauhan dahil sa isang sigaw na nangagaling sa isang familiar na boses kaya agad ko tinignan kung sino ang sumigaw na iyon edi sino paba edi si hipon.

"Ano problema mo hipon?!" sigaw ko sa kanya.

"Ano sabi mo" Hehehhehe ang bingi mo naman pala hipon.

Agad ako lumapit sa kanya para malaman kung ano gusto niyang ipagawa sa akin.

"Ano yon?" tanong ko sa kanya.

"Buhatin mo nga ito hanggang 3rd floor" utos niya sa akin.

"Kaninong gamit ba iyan?" tanong ko sa kanya.

"Akin"

"Ay iyo naman pala eh ka lalaki mong tao hindi mo kayang buhatin ano ka bakla"

"Abat puta ka ah ako na nga pinabuhat nila ng mga gamit nila pati yung gamit mo papasok dito tas sasabihin mo bakla ako. eh kung kunin ko yung gamit mo sa taas at ihagis sa labas ha!" sigaw niya sa akin.

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon